Chapter 2

374 7 0
                                    

TINITITIGAN ko parin ang sulat ng lalaking yun. Naka upo ako ngayon sa upuan ng opisina ko at hawak ko ang papel na iniwan niya, nakatulog ako habang tinititigan ko siya at sa subrang lalim ng iniisip ko kung sino siya di ko namalayan nakatulog pala ako at ginising ako ng isa sa mga empliyado ko, pag-gising ko wala na siya at naka higa na ako sa higaan kung saan siya naka higa kagabi at may sulat siyang iniwan sa ibabaw ng lamesa ko.

Thank you..
-L.M.

L.M.? Hayst bakit initial pa niya ang nilagay niya pwede naman boung pangalan niya pero teka bakit ngaba ako nagmamaktol dito e mas mabuti nga yun dahil buhay pa ako ngayon at napakadilakado yung ginawa ko kagabi tinulungan ko ang isang total stranger na may tama ng baril at hinahanap ng mga lalaki. Sa ngayon tapus na yun kalaingan kung mag focus sa pagpapalago ng restau ko at sa paghahanap ng mga magulang ko. That man, his eyes, I really can't forget his eyes, it's very beautiful.

Napabuntong hininga ako at nag punta sa maliit na cr dito sa opisina ko. Dito sa opisina ko may maliit na kwarto dito, may higaan at maliit na cr para sa akin dahil madalas dito na ako natutulog kapag pagod2 na talaga ako at kapag madami akong ginagawa dito sa restau. Pagkatapus ko manghilamos at mag sipilyo kinuha ko ang apron ko at napatitig dito tama, ginamit ko pala to sa kanya kahapon di ko tuloy mapigilan mapaisip ano talagang nang yari sa kanya.

Marahan kong iniling ang ulo ko. Hannah huwag mo na siyang isip at mag trabaho kana lang. Hayst tinapon ko ang apron na may dugo at kumuha ng bagong apron at sinout ito. Napabuntong hininga ako at pumunta na sa kusina. Mas gusto kung tumulong sa kusina kaysa tumambay sa opisina ko nakakabagot at kapag nagluluto ako gumagaan ang pakiramdam ko. Time to work.

NILOCK ko yung pintuan ng restau ko at nilagay ang susi sa bag ko, habang nag lalakad ako papunta sa naka park kong sasakyan. Biglang may humarang na itim na van sa harapan ko at may bumaba na lalaki sisigaw na sana ako ng huli na dahil tinakpan ng kasama niya ng panyo ang ilong ko. Nahihilo ako, someone help me.

DAHAN-DAHAN kong nimulat ang aking mata, where am I? Ang sakit ng ulo ko at ng katawan ko. Sinubokan kung gumalaw but I fail, nakagapos ako sa isang upoan pati na rin yung mga paa ko at may nakatakip sa bibig ko. Pinalibot ko ang tingin ko sa kabou.an ng silid nato. Walang bintana, isa lang ang pintuan at metal ito, isa lang ang ilaw at nakatapat ito sa ulo ko. Nagsimula na akong mangamba pero kailangan kung mag isip kung paano maka alis dito.

Ano ba ang nangyayari at sino ang mga kumidnap sa akin at isa pa, wala akong maisip na may naka away ako o ano. Hindi rin naman dahil sa restau ko kasi dinaman yun kaano ka sikat at wala rin akong kalaban sa negosyo. Wala talaga akong maisip kung sino ang mapangahas ang gumawa sakit nito dahil isa lang ako orphanage girl, oo isa lang akong orphan wala akong alam sa mga magulang ko dahil sabi ni sister na iniwan lang daw ako sa pintuan nila at may nakasulat na papel sa ibabaw ko yun ay ang pangalan ko. Wala akong kaibigan dahil wala akong oras sa mga ganyan, nag porsigi ako ng subra lalong lalo na sa pag aaral para maka tanggap ako ng scholarship, umalis ako sa orphan at the age of 13 namuhay ako mag isa sa isang maliit na apartment tapus para may pang tustus ako sa pangailangan ko madami akong part time jobs, dahil sa pag pupursigi ko nakapagtapus ako ng cursong culinary arts. At nag trabaho ako ng nag trabaho upang makapag ipon at makapagpa tayo ng restaurant na kikilananin sa boung mundo upang mahanap ang mga magulang ko. Kapag maging kilala na ang restaurant ko makikita ako ng mga mga magulang ko sa mga tv at mga balita pati narin sa mga magazines at diaryo at sila na mismo ang magpapakita sa akin.

Habang iniisip ko ang naging buhay ko. Biglang bumukas ang pintuan at niluwa didto ang isang lalaki. Mas dumoble ang kabang nararamdaman ko. Lumapit siya sa akin at tinanggal ang nakatakip sa bibig ko.

"Who are you!? Anong kailangan mo sakin!" Sigaw kung tanong sa kanya. Pero nakatingin lang ito sa akin at ngumisi. Nangilabot ako. Ang pangit.

"Miss isang tanong, isang sagot kung ayaw mong masaktan" sabi nito medyo inilapit niya ang mukha niya sa akin, nilayo ko agad ang mukha ko sa kanya.

"Nasan si Levios?" Tanong niya na kina kunot ng noo ko.

"I don't know that guy! And I don't know where is he! At sino ba siya ha!?" Galit kung sigaw sa kanya. Bigla siyang ngumisi at sinampal ako ng pagkalakaslakas. Shit namanhid ang boung mukha ko at napa yuko ako.

"Miss gaano ba kahirap ang tanong ko ha? Sabihin mo nalang kung nasan siya para matapus na tayo" sabi niya. Nakayuko parin ako ay iniinda ang sakit sa mukha ko.

"I'm saying the truth I really don't know where he is and I even don't know who is he" I said to him in a low voice. Tinaas niya ang naka yuko kung mukha at sinampal na naman niya ako ng malakas. Shit I am just saying the truth I really don't know the guy his asking. Pag nagpatuloy to baka mapatay na niya ako, hindi, no, hindi ako pweding mamatay hahanapin ko pa ang mga magulang ko.

"Miss wag kanang magmaang-maangan nakita ng isa sa mga tauhan ko na lumabas sa restau mo si Levios" pagkasabi niya yun pumasok sa isip ko ang lalaking yun. Sabi ko na ngaba panganib ang dala niya.

"I don't know that guy, kumatok lang siya sa restau ko at tinulungan ko siya! Di ko alam kung nasan na siya! Kaya please let me go!" Sigaw ko sa kanya. Hinawakan na naman niya ang mukha ko at inangat ngumisi siya, pinikit ko ng mariin ang aking mga mata at hinanda ang sarili sa papalapit na namang sampal.

Bago pa lumapat ang palad niya sa mukha ko biglang bumukas ang pintuan.

"Boss nandito siya!" Sabi ng lalaking nag bukas ng pintuan at may dala siyang baril.

"Putangina!" Binitawan niya ang mukha ko at mabilis na lumabas ng silid naka yuko lang ako, wala akong lakas, nanghihina ako dahil sa mga malalakas niyang sampal.

Nakarinig ako ng mga putok ng baril. Panginoon, dito naba ako mamatay, gusto ko pang makita ang mga magulang ko.

Pagtigil ng mga putok ng mga baril napatigil din ako sa pagdasal. Hindi nagtagal bumukas ang pintuan at binuhos ko lahat ng natitira kung lakas para e angat ang ulo ko at tignan kung sino ito. Naglalaho na ang paningin ko kaya hindi ko siya masyadong naaninag. At bago ako mawalan ng malay nakakasigoro akong may pula siyang mga mata.

Passionate Series 1: Red EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon