Chapter 9

228 7 0
                                    

PAPUNTA na kami ngayon ni rambotan sa restaurant ko.

Nasa driver seat siya ako naman nasa passenger seat tas sinabi narin niya sakin na si Nash daw ang nagpapatakbo ng restau ko habang wala ako, ayaw din niya akong bumalik dahil dilikado daw.

Kanina pa ako nakangiti simula ng gumising ko, excited na talaga ako na miss ko ang office ko, ang restau ko, ang kusina, pati mga empliyado ko, kumusta na kaya sila sana ok lang sila.

Tumingin ako kay Levios.

"Levi" Tawag ko sa kanya. Yup may nickname na ako sa kanya, trip ko lang hehehehe cute kaya.

"Levi?" Tanong niya ng nakakunot ang noo.

"Oo. Simula ngayon Levi na ang tawag ko sayo ok lang ba?" Tanong ko, baka ayaw niya papalitan ko agad.

"No. It's fine" Levi answered. Napangiti ako hehehehe mabuti naman at nagustohan niya.

"Sya nga pala Levi. Gaano ba talaga ka dilikado na lumabas akong mag isa?" Tanong ko. Hinahanap ko ang mga magulang ko, kaya kailangan kong lumabas sa mansion ni Levi, hindi ko sila mahahanap kong naka kulong ako sa mansion niya.

"You'll die. Im very sure of that, pag lumabas ka na wala ako minuto lang naka handusay kana at naliligo sa sarili mong dugo o di kaya kikidnapid kana naman, ngayon ang alam ko ay hinahanap ka ng mga kalaban ko, and for sure they'll use you as bait so that they can kill me." Mahabang sagot ni Levi. Napayuko ako paano na to.

"Why do you want to leave my side so bad?" Inis na tanong ni Levi na kinagulat ko, kasi medyo dumilim din bigla ang mukha niya.

"A-ano kasi Levi, hinihanap ko kasi ang mga magulang ko at hindi ko yun magagawa kapag nasa mansion mo lang ako nakakulong." Sagot ko sa kanya at yumuko. "Alam mo kasi Levi, I grow up in an orphanage, at the age of 13 I live alone, I work hard to sustain my needs and I finished school because of scholarship, now my goal is to find my parents who left me in front of the orphanage door with a paper on me with my name on it." Malungkot kung kwento habang naka yuko.

Hinawakan niya ang ulo ko kaya napa tingin ako sa kanya, nasa daan lang ang tingin niya.

"I'll help you find your parents, just stay by my side" namula ako at bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi ni Levi.

Puso please huminahon ka.

"Ok" sagot ko at ngumiti kahit di naman siya nakatingin.

Mapapadali ang paghahanap sa mga magulang ko dahil nakikita kong makapangyarihang tao si Levi.

"We're here" anunsyo ni Levi kaya napa tingin ako sa labas.

Nasa restau na kami. Sa subrang excited ko nauna na akong lumabas. Hindi muna ako pumasok at tinignan ito, thank God at madami paring costumer, lunch na kaya mas dumami ang mga tao.

"Let's go inside" aya ni Levi sakin kaya tumango ako.

Pag pasok namin nakita ako ng isa sa mga empliyado ko na nag serserve.

"Maam!" Masayang tawag niya sakin.

"Hi Dona, musta?" Pangangamusta ko sabay ngiti.

Lumapit ito sakin. "Nako maam namiss ka namin maam musta ho ang bakasyon?" Pangangamusta din niya, tumingin ako sa paligid, subrang busy kailangan kung tumulong.

"Maya na tayo mag chikahan, trabaho muna tayo madaming customer eh" sabi ko sa kanya sabay kindat.

"Ok po maam" natatawa nitong sabi at bumalik na sa trabaho.
Magpapa alam na sana ako kay Levi na tutulong ako sa kusina, nang hindi ito natuloy dahil narinig ko ang napakalakas na busis ni Nash.

Passionate Series 1: Red EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon