II

42 1 0
                                    


Day off nya ngayong araw. Balak nya sanang mag luto ng agahan ng makita na wala ng laman ang maliit na refrigerator nya na nagagamit lang pag may ilalaman. Ang drawer at cabinet ay wala na ring laman na delata at instant noodles. Mukang nakalimutan nanaman nyang lamanan ang mga ito. Bago pa sya maka upo sa monoblock chair na nasa tabi ng bilog nyang lamesa ay meroon syang narinig na tatalong katok sa pinto kasunod non ang malakas na sigaw ng kanyang maniningil.

Tumayo sya at kinuha ang sobre ng sahod sa bag nya kagabi at buntong hininga na lumapit sa pinto para harapin ang matanda.

"Alam mo naman na siguro ang ipinunta ko dito, Marione. Aba! Pinag-intay mo ako kagabi! Magbayad kana ng renta at sa tubig! Ang takaw talaw mo sa tubig ngayon kaya madadagdagan ang babayadin mo!" Nakataas ang pasigaw nitong sabi sa akin.

"Bakit naman ho? Halos wala naman ako araw araw sa bahay na ito tapos madadagdagan ang bayad ko sa tubig?"

Hindi naman ata tama ang trato nito sa kanya. Parang ang labas eh halos sya na ang nag bayad sa lahat ng bayadin nito sa tubig.

"Aba! Nag rereklamo kapa? Kung hindi mo iniiwan na bukas ang gripo mo sa banyo hindi tataas ang bayadin mo! Aksayado ka!"

Mas lalo pang tumaas ang boses nito na masakit na sa tenga dahil sa pag kamatinis. Nakapamewang na din ito at nanlilisik na ang mata sa akin. Kesa makipag debate pa sa matanda mag babayad nalang sya.

"Magkano po ba?"

"Mag babayad ka din naman pala pinapasigaw mo pa ako! Dalawang libo ngayon ang tubig mo, dalian mo na at may lakad pa ako!"

Napataas sya ng kilay sa dalawang libo nyang tubig. Dati pitong daad lang sumunod naging isang libo at ngayon? Dalawang libo! Ano bang akala nang matanda na ito sa kanya? Nag tatae ng pera? Buntong hininga nyang ibinigay dito ang limang libo nyang pera. Tatlong libo para sa renta nya sa maliit na bahay na ito at dalawang libo sa tubig na hindi naman nya dapat pinag kakagastusan ng ganon kalaki.

"Alam mo,Marione? Maayos ka din na bata eh, ginagamit mo ang ganda mo para sa pera!" Saad nito habang iwinawagayway sa kanya ang sobre

"Maganda yan utak ang ginagamit, dyan ka na!" Tinarayan muna sya nito bago masayang binilang ang limang libo sa sobre.

Malakas nyang isinara ang pinto. Tumaas ang galit nya sa matanda. Hindi nya ginagamit ang muka para kumita mas lalo na ang katawan. Isa ang matanda na yun sa mga nag sasabi na bayaran syang babae. Kung alam lang ng mga ito kung gaano sya ka puro mas puro pa sa mga anak nilang gala ng gala sa gabi at kanikanino nag papadale! Akala mo naman kung sinong malinis! Mas madumi naman sila sa kanya!

Naligo na si Marione at nag bihis nag hahanda sya sa pag alis. Mamimili sya ng pagkain na itatabi nya. Para sa pang araw araw nya. Katulad ng mga dating araw malalagkit ang tingin sa kanya ng mga tambay sa labas. Naka shorts short sya at isang maluwag na t-shirt na inipit nya pa sa gilid ng sa ganon naman hindi sya pag bintangan na walang suot na pambaba. Hindi pa sya nakakapag laba kaya wala syang mas matino pa na damit kesa dito.

Mabilis lang sya nakarating sa pamilihan dahil malapit lang naman ito halos nasa likod lang kasi sila nito. Kilala sya sa pamilihan dahil ang mga ilan sa tindera dito ay taga sa kanila din naman. Gayun pa man kahit papaano maroon sya ditong malapit na binibilhan.

Ganda! Anong sayo? Kalabasa? talong? Pili na ikaw.

Suki na si Marione kay Aling Penya. Mabait ito napaka layo sa ibang kapitbahay nila. Paano ba naman kaibigan ito ng pumanaw na ina. Halos ito rin ang nilalapitan nya noong nawala ang ina.

"Mukang bago lahat Nay ah!"

"Oo naman ineng! Bagong kuha ko. Ikaw na pumili"

Hindi naman na sya ganoon nag tagal sa pagbili ng gulay dahil hindi naman sya lang ang costumer ng matanda kaya hindi na rin sya nakipag kwentuhan pa dito. Pumunta naman sya sa wet section. mAs madami ang tao doon kaya namn hindi maiiwasan ang makipag gitgitan sa mga tao. Kalat na kalat ang amoy ng malansang isda. Napasukan na din ng tubig ang suot na tsinelas. Yun pa naman ang pinaka ayaw nya.

My Little RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon