Pababa na sya ng trysikel na sinasakyan ng may humablot sa mga hawak nyang pinamili. Tinignan nya ito at bumungad sa kanya ang nakangiting kaibigan. Basa pa ang buhok nito, mukang bagong ligo. Amoy na amoy din nya ang matamis nitong cologne.
"Ako na dito, Marione. Magandang umaga!" Maligalig nitong saad.
Nag bayad naman sya sa trysikel saka bumaba na. Agad naman iyong sumibat.
"Salamat ,Ido huh? Pero kasi kaya ko naman byhatin ang nga yan konti lng naman. "
Pilit pa nitong inaabot ang nakaplastick na pinamili at inilalayo lamang iyon ng kaibigan na dahilan ng pagkakawala ng distansya nilang dalawa. Na sasagi nya ang matigas na dibdib ni Ido na halatang batak sa trabaho, nakatago lamang ang malaki nitong katawan sa manipis na sando na malaki ang hiwa sa gilid.
"Aki na!" medyo na iinis na nyang saad. Napaka kulit kasi nito.
"wag na!" lalo lamang nito nilalayo sa kanya ang pinamili.
Hindi nya sinasadya na mahila ang sando nito kaya naman sumilip ang nipples nito na kanyang ikinabigla. Napatayo sya ng tuwid at napayuko. Hindi sya sanay na makakita ng ganoon sa malapitan. Madaming nakahubad baro na lalaki ang nag lilipana sa lugar nila pero ang kaibigan lang ang may katawan na kagigiliwan ng kababaihan, hindi nga lang nya trip ito.
"Pasensya na."
"Ayos lang, ikaw naman eh" nakangiti pa nitong sabi na kaagad nyang binatukan.
"Baliw ka talaga, halika na nga!"
Hindi pa sila ganon nakakalayo ng biglang humarang ang isang matandang babae sa kanilang harap. Kilalang kilala nya ito.
"Ano yan anak?! Katulong ka ba? Kailan pa?! Ibaba mo yan at umuwi ka!" Nang gigigil na saad nito.
Umuuga ang doble chin nito sa pagsasalita.
"Nay, wag ka naman mag iskandalo dito!"
"Ido, umuwo ka na. Malapit lang naman ang amin"
"Hindi ihahatid kita" ngumiti namn ito sa kanya saka nilampasan ang nag mamaktol na ina.
Ayos din itong kaibigan nya eh. Iwan ba naman sya sa galit nitong ina. Masama naman itong tumingin sa kanya.
"Hoy babae!"
"May pangalan ako PO. Hindi ako si HOY! PO"
"Bastos kang bata ka!"
Mukang nagalit ito sa paraan ng pagsasalita nya. Pero may PO naman ano bang problema nya? Magalang na nga sya non eh. Pasalamat pa nga sya nag PO pa sya dahil kahit papaano nirerespeto sya ni Marione dahil magulang ito ng kaibigan.
"Hindi naman PO ako nag hubad sa harapan nyo PO paano PO ako naging bastos? PO?" sabay ngiti. Showing her white teeth.
"Ikaw na babae ka!"
"Marione PO ang pangalan ko."
"Wala akong pake! Basta layuan mo ang Ido ko! Hindi ko nanaisin na mag karoon ng manugang na-pokpok!!"
Huminga muna dya ng malalim bago nginitian muli ang nasa harap.
"Ganon PO ba? Patas lang po tayo" ginalaw pa nya ang dalawang kilay na akala mo nakikipag biruan.
"Ayaw ko po ng byanan na balyena" bulong nya dito na lalo nitong kinainis.
Bago la sya umalis narinig nya ang matinis nitongsigaw sa pangalan nya.
"MARIONE!"
Kilala naman pala sya eh.
Hinabol nya si Ido na malawak ang ngiti. Malamang narinig nito ang pag irit ng ina.
BINABASA MO ANG
My Little Red
Romance" My sweet little red" When Blanchette Marione Calvente first encountered the wood cutter in the middle of a forest Rip Cristobal, she felt comfortable even the guy looks like a mess. In just one glance she knew that being around the guy would not...