0

184 14 37
                                    

Tumakbo ako nang tumakbo habang naririnig ko ang malalakas na putukan na nagmumula sa paanan ng Mt. Mayon. Hindi ko alam kung bakit kailangan nilang magpatayan para sa walang kwentang bagay.
   
Unti-unti na ring bumabagsak ang luha sa aking mata nang matanaw ang mga katawang wala na ring buhay.

Hindi ito ang inaasahan ko na mangyayari sa Magayon Festival. Pagdiriwang ang inaakala ko. Wala sa isip ko na magkakaroon ng madugong labanan.
   
Napatigil ako sa pagtakbo nang biglang maglindol. The active volcano had it again. Mukhang mag-aalburoto na naman. And this disaster couldn't be stopped.

Nang masiguro kong humina na ang lindol ay nagpatuloy ako sa pagtakbo. Naluluhang napatingin ako sa lalaking nagpapagulo sa puso ko. 'Ayun siya at nakikipaglaban.
   
Puno na rin ng dugo ang kaniyang damit. He painted his clothes with the blood of those who had sinned to him. Like a natural disaster, he couldn't be tamed too. Hindi ko na mabilang pa sa daliri kung ilan na ang napatay niya.

Maski ako ay natatakot na sa kaniya.

Sa kabilang banda naman ay tiningnan ko ang lalaking naging parte na rin ng buhay ko. Ayaw pa ring tumigil sa pagbagsakan ng luha ko.

Gulat na napatingin ako sa kanilang dalawa nang magtutukan ito ng baril. Nangangatal na ngayon ang tuhod ko at gusto ko silang sigawan ngunit walang lumalabas na salita mula sa akin.
   
I didn't expect that the two closed souls and blood would end each other's life on each other's hands.

"Hindi ko makakalimutan kung paano mo kinitil ang buhay ko noon." Tiim ang kaniyang bagang habang hawak ang revolver. Malayo ang kaniyang ugali sa nakikita ko ngayon. Hindi ko na siya kilala. Hindi ko inaasahan na ang busilak niyang kalooban ay ngayon mapapalitan ng poot.

Naguguluhan din ako sa kaniyang sinasabi. Patay na siya noon?

"Tsk! Tauhan ko ang pumatay sa 'yo," pormal naman na sagot ng lalaking nasa kaliwa ko habang hawak ang kaniyang baril at nakatutok sa kaniyang kapatid.    
   
Umangat ang gilid ng kaniyang labi.

"Wala sanang namatay kung hindi mo sinimulan!" giit naman nito at nagtaka ako nang lumingon siya sa akin. Ano ang ibig niyang sabihin? Ako ba ang tinutukoy niyang namatay? Eh, buhay na buhay pa naman ako.

"Laban para lang sa pagmamahalan? Bullshit, that's lame! Kalimutan mo na 'yon, kapatid. Ang nakaraan ay kinakalimutan. Hindi mo mababago ang bugso ng tadhana. Sa tingin mo, ano ba ang magagawa mo ngayon?" Napalingon naman ako sa kaniya. Laban? Nakaraan? Malalim na ang pinanghuhugutan nila ng mga salita.

"Kinasusuklaman ko na naging kapatid kita. Bakit nga ba tayo naging magkadugo gayong kinasusuklaman natin ang isa't isa noon hanggang ngayon?" asik naman ng lalaking nasa kanan ko. "Bakit nga ba tayo pinaglalaruan ng tadhana, Kuya?" Pinagkadiinan niya ang kaniyang huling sinabi.

"Kung hindi bumalik ang alaala natin ay hindi tayo magkakaganito. Pero kailangan din siguro," dagdag pa nito saka mahinang natawa. "You are the reason of our tragedy! Ikaw ang dahilan kung bakit kami namatay!"

Malakas akong napasigaw, "Putangina! Ibaba n'yo na ang baril!"

Tila bumagal ang mundo habang tumatakbo ako papalapit sa kanila upang maharang ang sarili. Walang mamamatay sa kanila. Walang masasaktan at masusugatan.

Pumunta ako sa pagitan nila para pigilan sila. Pero kahit 'yon pala ay wala nang saysay dahil malinaw sa tainga ko ang pagputok ng kanilang baril.

Naramdaman ko ang init mula sa aking katawan. My breath suddenly stopped, everything went black, and I was no longer conscious by this moment.

Kasabay no'n ay ang mga alaalang magpapaliwanag sa isipan kong puno ng katanungan.

Sino kaming tatlo sa nakaraan? Paano sumapit ang buhay namin sa trahedya? At sino ba ang totoong may kasalanan?

The Battle For Magayon [La Oragon #1]Where stories live. Discover now