ᨒ☼
"Than, 'nak, kanina ka pa tulala. 'Yung suki kanina pa naghihintay sa sukli niya."
Napakurap ako ng mata nang marinig ang boses ni Mama. I've been zoning out lately since I went home. Hindi pa rin kasi maalis sa isipan ko ang nangyari sa akin sa bus. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang kahihiyang ginawa ko!
Sana hindi ko na siya makita kasi super nakakahiya! Although I wanted to thank him for saving me. Nang nasa terminal na kasi ang bus ay nawala na rin siya. Nakatulugan ko rin ang byahe matapos akong atakihin.
"Ay sorry po," humingi ako ng pasensya sa ale na mukhang may-ari ng canteen sa highschool kung makatingin. Kasalanan ko naman at aminado naman ako. Ibinalik ko na lang sa kaniya ang sukli.
Tinarayan pa ako bago umalis.
Napapangiti ako dahil may naibenta naman kami. Marami rin ang suki dahil nagdagsaan ang mga tourist ngayon.
Napag-isipan ng magulang ko na magkaroon ng negosyo malapit sa Cagsawa Ruins dahil marami ang bumibisita at mas tampok sa kanila ang lugar. My parents produced a sweet pili dulce and other products for pasalubong.
Kumbaga for the costumers, it's a full package. May mabibili ka na, mayroon pang magandang view gawa ng Bulkang Mayon. Mayroon na rin silang branches sa iba't ibang parte ng Bicol.
"Mama, puwede ako magduman lang diyan?" malambing na tanong ko sabay turo sa mga turistang nagtitipon-tipon. Batid kong nakikinig na naman sila sa kuwento ng tourist guide.
"Please po?" muling tanong ko nang lumingon ito sa akin.
Kanina pa kasi ako nagbabantay ng tindahan. Alas singko kami nagsimula at kitang-kita na ngayon ang araw. Dumagsa na rin ang mga tao, himala nga na marami ngayon ang dumating. Weekend kasi kaya oras ng pahinga at enjoyment.
"Oh siya! Pero kapag tinawag kita ay pumunta ka agad," tugon nito kaya excited na tumango ako at hinalikan ang pisngi niya.
"Pumakar-ay ka, Arabella Than!"
Grabe, kahit bente na ako ay bata pa rin ang trato sa akin ni Mama.
Patakbo akong umalis sabay singit sa mga turista na nagtitipon-tipon. I was comfortable to move because I had only a highwaisted short partnered with loose blouse and white sneakers. It was just a typical summer street style outfit.
Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ko nang marinig na naman ang kinukwento nito. Hindi ako magsasawang pakinggan ang alamat na na hilig basahin sa akin noon ni Mama.
"Nakikita niyo ba ang ganda ng Mount Mayon?" tanong ng tourist guide sabay turo sa Bulkang Mayon dahilan para tumingin din kami rito.
Maaliwalas ang kalangitan, ni walang ulap na masisilayan. Kaya naman ang hugis ng Bulkang Mayon ay kitang-kita, perpektong-perpekto, at nakakaakit ang ganda.
Hindi ko maiwasang mapatingin do'n nang matagal. Para bang may kung ano ang humihila na naman sa akin tulad ng naramdaman ko sa nakaraang insidente.
Natauhan lang ako nang marinig na may magsalita.
"It's indeed beautiful because of its perfect cone,” singit ng isang turista.
Napangiti naman sa kaniya ang tourist guide at sumang-ayon, "That's right! And do you know the story behind that perfect cone therein lies a bittersweet story?" Umiling-iling naman ang iba habang ang iba naman ay ngumiti 'gaya ko. Ito ang pinakapaborito kong part.
"Noong unang panahon kasi ay may isang babae ang nagngangalang Daragang Magayon,” panimula nito.
"Pangalan pa lang ay napakaganda na," sabat ng isang babaeng turista kaya sumang-ayon naman kami sa kaniya.
YOU ARE READING
The Battle For Magayon [La Oragon #1]
FantasyCould it be that the past is merely a portion of our memories? Or is it a life that we made to forget yet kept coming back? What if the past shifted to the present? Would you risk surviving it again?