ᨒ☼
Napalingon ako sa kaibigan kong si Jin na maluha-luha na ang tingin sa akin. Kababayan ko rin siya pero mas malayo ang lugar niya, sa Sorsogon, at nakilala ko siya dahil sa pagiging adventurous din nito. Nakaramdam din ako ng lungkot dahil maiiwan ko siya. Sino ba namang hindi, 'di ba?
"Hindi ka na talaga babalik?" emosyonal na tanong nito.
I shrugged my shoulder, unsure of the possibilities. Baka nga depende rin sa mood ko kung babalik pa ako.
"Not sure kasi. Kung may pera malay mo, 'di ba? Alam mo naman na magastos 'yung course ko."
"Madaya ka, Than! Marhay pa sana if you said it earlier. Edi sabay kita mauli!" Kahit Bicolana rin siya ay hindi ko minsan maintindihan ang kaniyang sinasabi dahil ibang parte siya ng Bicol nakatira at iba rin ang dialect niya.
Wala nga akong ideya kung bakit kami nagkasundo. Kung tutuusin, our friendship was unexpected. Mukha siyang intimidating at first glance pero 'ayun, mayroon pa lang itinatagong wildness.
"Gaga, uwi ka rin naman, eh! Saka makikita mo rin ako. Huwag ka nga riyan maging emosyonal. Akala mo talaga mawawala na ako!" Napailing na lang ako saka umirap. Mukha siyang bata na inagawan ng laruan.
Mukhang magkaedad lang nga kami kung mag-usap kahit ang totoo ay apat ang taon na tanda niya sa akin.
"Sa bagay. Hahanapin na lang kita ro'n. Sa sobrang ganda mong 'yan ay sigurado akong mahahanap kita." Sabay kaming natawa dahil sa sinabi niya.
Marami ring nagsasabi na maganda talaga ako. Pero kahit gano'n ay masasabi ko pa ring hindi ako perpekto. Hindi ako manika na walang sira. Talagang nobody is perfect.
"We have our own beauty at unique tayo 'no. Hindi naglalabanan ang mga kababaihan sa ganda," sabi ko.
"Sus, pa-humble." She snorted. "Oh well, you're right-but you know what?" pambibitin nito kaya napataas ang kilay ko. This is it. Seryoso na siya at nambibitin, iba talaga ang takbo ng topak ni Jin. Mahilig mangbitin.
"What?" Napansin ko na napatingin siya sa leeg ko.
Nahihiyang napatungo naman ako saka kunwareng kinamot ang batok ko. Kapag may sino mang napapatingin sa leeg ko ay na-i-insecure ako. Iba ang nararamdaman ko kumpara kay Jin na kahit mayroong peklat sa ilang parte ng katawan ay binabalandra pa 'yon. Wala rin akong ideya kung saan-saan niya 'yon nakukuha.
Isa pa, marami kayang ruta si Jin. Naalala ko rin kung paano niya ako tinuturuan ng jujutsu na tinuturo niya rin sa mga batang kalye.
Sa dami ng puwede niyang ituro, 'yon pa ang naisipan niyang malaman ng mga bata. Nakakaloka!"Maganda ka kahit may peklat ka sa leeg. Tanda 'yan ng pagkakakilanlan mo. Kumbaga, signature. Oh pak 'di ba?" Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at malamyang napatingin nang diresto sa kaniyang mata.
She pursed her lips when she noticed that I was silent.
Huminga siya nang maluwag. "I already saw that since nagkakilala tayo. But I don't have the guts to ask. Now that you're leaving me, I can ask, siguro? Pero I'll respect you if you don't want. Baka kasi nag-cross na ako sa boundaries mo so sorry in advance."
Sabay kaming natawa dahil sa huli niyang sinabi. May tiwala ako sa kaniya pero minsan ay hindi niya mapigilan na maibulgar ang mga sikreto. But she knew her limits. Obvious naman 'yon sa kaniya.
Kakaiba lang minsan kapag napapatanong na siya nang seryoso, ramdam talaga ang kuryusidad sa tono, at desperadang malaman ang totoo.
Kahit ako ay kinakabahan din na magpaliwanag. Napabuntong-hininga ako.
YOU ARE READING
The Battle For Magayon [La Oragon #1]
FantasyCould it be that the past is merely a portion of our memories? Or is it a life that we made to forget yet kept coming back? What if the past shifted to the present? Would you risk surviving it again?