PROLOGO

60 7 7
                                    

CARMEN


"MANG Ano, may magagawa po ba tayo para hindi ma-late? I can't risk it, alam niyo po iyon." I asked him dahil naipit kami sa traffic. Turned out, there was a car accident and from the looks of it, a woman was killed along with a man. The victims were a bride and her driver, according to the policemen.


"Ay, mag-iingat ako at aalagaan ka, Carmen. Ipagdasal na lang natin sila." I nodded and pitied those inside. Mukhang kasal din nila ngayon. How tragic for...them. Sinulyapan ko ng huling tingin ang kotseng sobrang nayupi ang unahan. Kitang-kita kung paano naipit ang nasa mga nasa loob nito, ni hindi makilala ang mukha marahil sa tindi ng pagtama.


Nagawang paghiwalayin ng ambulansya ang mga magkakatabing sasakyang mukhang dahil sa busina nito. Dumating man ang ambulansya'y mukhang wala nang pag-asang mabuhay ang mga ito. Tahimik akong napaisip sa kung anong magiging reaksyon ng kaniyang mapapangasawa sa oras na makarating ang masalimuot na balita.


Ginapangan ako ng kaba nang mapagtanto kong may pagkahawig ang suot ko at ng bride. No, I have to make it there...to see him. Kaya sa buong byahe papunta sa simbahan ay nakayuko lamang ako, ninanais na mapabilis ang takbo ng sasakyan.


With God's help, we safely got on time and parked near the river na nasa harap ng church. May puno kasi na mukhang sinadyang itinanim doon para magsilbing lilim. Inayos ko ang aking mukha gamit ang maliit na salamin sa kotse. Pilyong ngumiti si Mang Ano na tila ba'y nang-aasar.


The hem of the gown I'm wearing fell smoothly on my right leg. Yumuko si Mang Ano at tinignan ako nang maigi as he opened the door for me. Lumikha ng iilang linya sa paligid ng kaniyang dalawang mata ang ngiting iginawad niya sa akin.


"Masaya ako na dumating ang araw na ito."


I hugged him tightly and heaved a deep sigh. "I am the very person who cannot miss this. Matagal ko ho itong pinaghandaan." Wala pa man sa loob ay nahirapan na akong pakalmahin ang sarili gawa ng samot-saring emosyong nararamdaman ko. Ganito ba talaga?


The church was so big and enchanting, one of the best sights to see. When I was a kid, I remember asking my grandmother if I could get married in this church to which she replied, "Why not?"


Bata pa ako noon, masyadong walang kaalam-alam sa mga ganiyang bagay. Lola would then kiss me on my cheeks sabay sabing na nais niya raw pakasalan ko ang kung sino mang unang makapagpapatibok ng aking puso. Napatingala ako't tinignan ang makulimlim na kalangitan. Lola, are you not happy for me?


Mang Ano guided me along the stairs, baka raw kasi masira ang white gown ko. Mahal pa naman daw at sayang kung masisira lamang. Pinapayungan niya ako, natatakot na baka masira ang makeup ko dahil sa nagbabantang pag-ulan.


Paulan din noong una ko siyang nakilala. Parang may pumitik sa puso ko no'ng naalala ko iyon. But it doesn't matter now, I'm here.


"All smile, Carmen, all smile." Mang Ano reminded me as the church's door opened. Ang loob ng simbahan ay napalilibutan ng magagarbong dekorasyon, detalyado ang mga ito at nakamamangha. Nagmistulang hardin ang loob, kulang na lang ay ang mga nagliliparang paru-paro.


Their smiles, greetings, and the looks on their faces warmed my eyes. To say that this feeling is too much is an understatement. This is way more than that.


I stood at the entrance for quite some time before I started walking, but not before looking at the man near the altar, Peter. My Peter.


May bakas ng lungkot sa mga mukha ng magkakaibigang nakaupo sa ika-tatlog row ng pews kahit na sila'y nakangiti. Pakiramdam ko'y hindi sila masaya at nagpapanggap lamang. Ang iilan sa kanila ay nakatingin lamang sa screen ng kanilang mga cellphone, wala ang atensyon sa kasalang nagaganap.


Pinili ko na lang na huwag na silang pansinin pa at binalingan ko ng tingin si Peter na abala sa pag-aayos ng kaniyang suot na tuxedo.


Sa kabila ng lahat ng nangyari, happy ending pa rin pala. Kabila ng mga 'di sang-ayon ay ikaw pa rin. Peter, ...you are my happy ending.

Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon