Chapter 2

12 1 0
                                    

Nagising ang ako dahil sa sigawang naririnig ko. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila pero sigurado akong nagtatalo ang mga ito.

Minulat ko ang mga mata ko at bahagyang nasilaw sa ilaw na bumungad sa akin. Kumurap kurap ako upang makapag-adjust sa liwanag na nasa paligid ko. Inilibot ko ang paningin sa paligid.

Nakita ko si Ate Mari nakaupo na nakaharap sa gawi ko at parang tangang nakangiti habang nakatitig sa cellphone niya. Si Matty naman ay nasa isang sulok and as usual he's busy reading a book.

"Disiplinahin mo nga iyang anak mo Manuel! Namumuro na sa akin iyan! Bobo na nga puro pa kamalasan at problema ang dala!" nakapameywang na sigaw ni Mama kay Papa.

Parang pinipiga ang puso ko sa sinabi ni Mama. Siguro nga totoong malas ako, kung sana ay nawala na lang ako ng tuluyan hindi magkakaganito si Mama. Hindi sana siya nagpapakabusy sa trabaho. Mas okay sana sila ni Papa. Kung sana nakinig ako sa kanila noon, hindi sana mangyayari ang aksidenteng iyon na nagpabago sa lahat.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa biglaang pagsakit nito. Ugh! Bwiset na hangover!

'Inom ka pang gaga ka, akala mo naman kaya. Walwal ka pa ha?' pangangaral ko sa sarili ko.

"Mabuti naman at gising ka na. Ano na naman bang pumasok sa kukote mo at tumakas ka pa talaga para maglakwatsa  at maglasing! Kailan ka ba titigil sa pagbibigay sa amin ng konsumisyon?! Kung nag-aral ka na lang sana kundi nagkalaman pa sana iyang utak mo! Hindi iyong puro na lang kahihiyan ang dala mo." Nakahalukipkip na baling sa akin ni Mama.

Yumuko ako at hindi na sumagot. Ayoko na marinig kung ano pa man ang balak sabihin ni Mama. I already heard enough.

Papa didn't bother defending me. Of course, he won't beside he's not in good terms with Mama. I didn't know since when did it start. Namulat na lang ako sa mundo na hindi talaga sila magkasundo.

"You're grounded for a month. Bahay at eskwela lang ang magiging ruta mo simula ngayon. " walang emosyong aniya at tinalikuran kami.

***

Mabilis na lumipas ang mga araw ng hindi ko namamalayan. Mag-iisang linggo na akong grounded. Tulad nga ng sabi ni Mama ng nakaraan ay bahay-eskwela lang ang peg ko. Hatid- sundo din ako ng driver namin. Iyong susi ng kotse ko confiscated din pati credit card at ATM ko kasama, binibigyan na lang ako ng baon araw-araw. Mabuti na lang at hindi kinuha ang gadgets ko.

Nasa school garden ako ngayon habang nakaupo at nakahilig sa puno ng narra at hinihintay si Brianna. Inutusan ko kasi siya na bumili ng pagkain dahil break namin ngayon. Ayaw pa nga niya sana but because of my ever cute puppy eyes and pout, she surrendered. She really can't resist me everytime I use that look against her. And I love her for that. Hihi

I close my eyes for a while as I savor the feeling of the cool air touching my skin. Tumatama rin ang sinag ng araw sa mukha ko. I feel relaxed. I could stay like this for forever. It's been a stressful week at home.

Palagi ako nasesermonan sa tuwing nagpapang-abot kami ni Mama. Hindi parin talaga humuhupa ang issue niya nung last week ng may tumawag sa kanilang dinala ako sa ospital dahil sa sobrang kalasingan.

I asked them kung sino ang nagdala sa akin doon pero di nila kilala. Nagulantang din ako ng malaman kong lalaki ang nagdala sa akin sa ospital. Kaya naman go back to the hospital and asked the nurse who attended my needs ng dalhin ako doon. Isa rin siyang walang kwenta kausap. Tumili lang siya at humagikgik na parang uod na binudburan ng asin. Akala ko pa nga may epilepsy siya e. Nanginginid pa kasi si ate, kinikilig lang pala. Ang very informative niya rin sobra.

The Day I Started DreamingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon