The next day, I woke up extra early and feeling light headed. Not really in good mood yet I just feel fine. Maybe sleeping early yesterday has something to do with this. I hope that this day would end just fine.
Bumangon ako at dumiretso na sa banyo. I already feel sticky. I'm still wearing my uniform from yesterday. I did my morning routines then bumaba na ako for breakfast.
Nagsisimula na silang kumain ng dumating ako sa dining area. Kadalasan ay tapos na sila kumain sa tuwing bababa ako, so I often eat alone. Ang lungkot nga lang kumain mag-isa.
I think today's somehow different.I sat next to Matty, nasa tapat ko si Ate Mari na nakairap agad ng nakita ako. Pagkatapos akong bigyan ng plato ng maid ay nagsimula na akong kumain.
Tahimik lang kaming kumain at tanging ang tunod lang ng mga kubyertos ang maririnig. Hanggang sa matapos kumain ay walang umiimik. Weird. Himala dahil walang nasabi sa akin si Mama. Nakakapanibago pero mas okay na rin para naman hindi ako pumasok ng may sama ng loob.Pagdating sa school ay wala pang masyadong tao. I texted Brianna ng nasa biyahe na ako. She's on her way na daw at natraffic lang. Hah! Brianna and her lame excuses. Ang aga- aga traffic? Para ba naman ang layo-layo ng bahay nila. Lokohin niya lelang niya kamo. For sure ang "on my way" niya hindi pa nakaka-alis ng bahay.
I decided to sit on one of the benches sa harap ng building. Dito ko na lang hintayin si Brianna.
It's only 7 o'clock, I still have 30 minutes to sa scan my notes. Kinuha ko ang notes ko para makapagreview dahil may quiz si Mr. Galvez. Hindi pwedeng mababa ang kuha ko mamaya dahil siguradong mapapahiya na naman ako. Ayokong may makarating na naman kay Mama.
I'm busy scanning my notes when someone sat beside me. Hindi ko na lang pinansin. I need to focus para hindi ako mamental block mamaya.
"May quiz din kayo kay Mr. Galvez?" tanong ng isang pamilyar na boses- Michael Angelou.
I nodded, trying to stay focus on my notes. Gosh! I'm freaking distracted with his mere presence. What the hell is happening to me?!
Bumuntong hininga ako. I need to relax. Si Michael Angelou lang iyan. Isang nerd na walang kaibigan kaya walang maka-usap. Inhale. Exhale. Inhale. Ex-
"Okay ka lang? May asthma ka? Gusto mo dalhin na kitang clinic?" he asked panicking
I glared at him."What the hell are you doing here?! Why are you even talking to me?! Can't you see, I'm trying to review here?!" I blurted
He smiled at me. What the -
"Alam mo ang cute mo. Nanggigil ako sayo, sarap kurutin ng pisngi mo." he smiled even more
Anong bang problema nito? Nagdadrugs ba to? Parang kahapon lang ay uutal-utal pa to pero ngayon e tuwid na yata ang dila. And take note! Feeling close si koya.
"Can you please leave me alone?! Nagrereview ako o? Stop bothering me." I said still glaring at him
His brows creased." Kapag ba nakapasa ka sa quiz, kakausapin mo ko?" he sounded hopeful
Is he bored? Is this some kind joke? Prank? Because seriously, hindi na nakakatuwa.
"Bakit kita kakausapin? Kaibigan ba ki-"
"Then, let's be friends." putol niya sa sinasabi ko. Walang modo!
"Hi Antonette! I'm Michael Angelou Buenaverde, Grade 11-A." pagpapakilala niya. Tumayo siya at naglahad ng kamay.Tinitigan ko lang ang kamay niya. I won't shake hands with him. Binalik ko na lang ang atensyon sa binabasa at hindi na siya pinansin. I don't have time to entertain his whims.
BINABASA MO ANG
The Day I Started Dreaming
ChickLitIs it even possible for her to dream and plan for her future? She was totally a mess from the very start. How can she even dream for herself when she already has no reason to live.