Entry #13

46 3 0
                                    

BESTFRIEND
~•~

Naaalala mo pa ba? Nung unang beses kong sinabi sayong andito lang ako sa tabi ko, hindi kita iiwan. Ang bata pa natin nun, wala pa tayong kamuwang-muwang sa salitang “PAG-IBIG”. Ang alam lang natin bata ang magiging bunga ng pag-ibig.

Pero nung tumuntong tayo ng sekondarya, dun ko nalaman ang totoong kahulugan ng pag-ibig.

Yun yung palagi mo siyang naiisip tapos mapapangiti ka nalang, yun yung bigla ka nalang nasa mood makit mo siya, kumbaga buo na araw mo. Pero hindi mawawala sa pagmamahal ang salitang “SAKIT”.

Yun yung time na sinabi mong may gusto kang lalaki. Gwapo, matalino, respetado.

Sobrang gusto mo siya na halos araw-araw kang patagong nagbibigay ng pagkain sa kanya.

Kasi naniniwala kang A WAY TO MAN'S HEART IS THROUGH HIS STOMACH kaya ayun, minsan pa nga sa akin mo pinapabigay pag sobrang hirap kang magtago sa kanya.

Sobrang saya mo sa tuwing kinakain niya yung niluto mo na kahit isang beses hindi mo ginawa para sa ajin, dahil bestfriend mo lang ako at hindi mo gusto.

Dumating yung araw na kinakatakutan ko. Nagkagusto siya sayo, nalaman niya kasing ikaw yung nagpapabigay ng pagkain at matagal na pala siyang may gusto sayo.

Kaya sa huli naging kayo, ang ganda niyong tingnan, sobrang saya mo, doble sa ngiting nakamarka sa mukha mo yung nakikita ko kesa sa mga ngiting binibigay mo tuwing ako kasama mo.

Masakit mang aminin pero kailangan kong magparaya, ako ang nauna sa buhay mo pero siya ang pinili mo. Mahirap man tanggapin pero kailangan, kailangan kong ilagay sa utak ko na hindi ako ang gusto mo.

Hanggang sa dumating ang kinakatakutan mo. Naaksidente kayo, nabulag siya. Isa ito sa nga kinakatakutan mo, ang hindi niya makita ang iyong ganda, ang ngiti at ang kislap sayong mata.

Nakita kita, nakaupo sa labas ng kwarto niya, lumuluha, tulala. Gusto kitang lapita ln at sabihing,“Andito naman ako. Ako nalang mahalin mo”. Pero alam ko namang isasagot mo ang mga katagang, “Siya ang mahal ko, siya at siya lang”. Kaya di ko nalang ginawa.

Napatingin ako sa loob, may benda siya sa mats, pero lumuluha. Dahil mahal kita, hangad ko na maging masaya ka.

Lumipas ang ilang taon, naging masaya ulit kayong dalawa. Pinasalamatan mo ako, ninyo, pero ngumiti lang ako.

Heto ako ngayon, nakaupo. Habang pinapakinggang ang mg katagang nagpahiyaw sa mga taong andito.

“You may now kiss the bride”. Sabi ng pari sa harap. Napangiti nalang ako, pinapakinggan ang palakpakan ng mga tao. Masaya ako, kahit hindi ko na makita ang iyong ganda at ang kislap sa iyong mata. Dahil ang mata ko...

.... Ay pagmamay-ari na ng taong mahal mo.

SADNESS: A Compilation of short sad storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon