Entry #19

42 1 0
                                    

Dear old self
~

•~

Nakaharap ako ngayon sa one whole yellow paper na nasa harapan ko. Naglilinis kasi kami ng classroom tapos pinapatapon sa akin ni ma'am yung mga nakatambak na papel na andito sa ilalim ng mesa niya.

I assure you her desk is a mess. Hirap din palang maging guro.

Habang inaayos yung mga papel na nilalagay ko sa isang box ay may nahulog na isang white paper na pahaba. Kinuha ko ito at napansing bago pa dahil wala pa siyang masyadong alikabok.

Nagkibit balikat nalang ako at lumabas para itapon ang mga basura. Bumaba ako ng building at naglakad papuntang likuran dahil andun yung ibang kaklase ko na sinusunog yung mga basura.

Pagdating ko dun ay binuhos ko lahat ng papel na laman ng box kalaunay sinunod narin yung box.

Kinuha ko yung papel sa bulsa ko at binuklat.

“Dear old self,

Pwede ka bang bumalik ulit sa akin. Miss na kasi kita. Miss ko na yung masayahing ako. Yung palatawa, palabiro, walang pinoproblema, maraming kaibigan na ako. Pwede ba yun? Nakikiusap ako. Sawa na ako sa bagong ako. Balik kana please.

Love,
New self ”

Basa ko sa sulat. Tinitigan ko pa ito ng ilang minuto bago tinapon sa naglalagablab na apoy.

Pa'no napunta kay Ma'am ang sulat na yun? I remember throwing it because I realized I was so stupid back then. Masaya nga ako, palabiro, maraming kaibigan pero madaling maloko kaya palagi akong nasasaktan.

I've learned my lesson. I was naive that time when I wrote that. Thinking that everything will be back to normal if my old self came back. But no, babalik lang lahat ng sakit na naranasan ko noon kung sakaling babalik ako sa nakaraan.

I'm done escaping from reality. I'm done being a fool and rather started embracing the new me.

“Salamat sa tulong niyo.” sabi ng matandang babae sa harapan namin. Tumango lang naman ako bilang sagot.

Aalis na sana ako ng marinig kong tinawag ang pangalan ko.

“Glad to see you have already moved on.” sabi niya ng makalingon ako.

“I didn't. I just embraced the result pain had given me.” sagot ko at tuluyang umalis. Iniwan siyang nakatingin lang sa akin.

~•~

SADNESS: A Compilation of short sad storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon