HIS OTHER SIDE
~•~"Amanda!" Rinig kong tawag sa akin. Lumingon ako at nakitang papalapit si Casper sa kinauupuan ko.
Andito na pala siya.
"Yo!" Bati ko sakanya.
Casper is my long time bestfriend. Sabi nila mukha na daw kaming magjowa pero magkapatid lang talaga turingan namin.
"Ano yung sasabihin mo?" Tanong niya pagkatabi niya sa akin.
"About that. Uuwi akong probinsya, mananatili muna ako dun ng isang taon." Sabi ko sakanya.
"Iiwan moko?" Sagot niya na nagpagulat sa akin. Yeah sure maiiwan ko talaga siya kasi di naman siya taga dun.
"Yeah that's obvious pero di ko ipagpapalit bestfriend ko. Kahit malalayo ako sayo ikaw parin bestfriend ko." Sagot ko. Napanguso naman siya kaya ginulo ko buhok niya.
"Amanda! Tara na." Rinig kong tawag ni papa.
"Tagal mo kasi ayan tuloy paalis na kami. See you soon nalang bestfriend, wag kana malungkot." Sabi ko at hinalikan siya sa noon. Umalis na ako habang kinakawayan siyang nakanguso parin.
-----
Isang taon narin pala simula ng umalis ako dito. Kamusta na kaya si Casper? Nagbago na kaya yun? Gago nun dati eh.
"Andito na tayo." Sabi ni papa. Napasilip ako sa labas ng kotse at nakitang may nakatayong lalaki sa labas. Si Casper ba yun? Laki ng pinagbago niya ah.
Lumabas ako ng kotse habang dala-dala ang backpack ko. Lumapit ako sakanya at inakbayan siya.
"Casper! Ikaw nga! Namiss kita bestfriend!" Nakangiting sabi ko. Pero nawala bigla ang ngiti ko ng bigla niyang tanggalin yung braso ko sa balikat niya.
"Yeah me too." Sagot niya at naglakad paalis. What was that?
"Anak, pasok mo na 'tong mga gamit mo bahay." Sabi ni mama habang nakasilip sa gate.
"Sige po." Sagot ko habang tinitingnan parin si Casper.
What was that? Ang saya ko kasi nakita ko na ulit siya pero bakit parang hindi siya masaya?
Binaliwala ko nalang yun at pumasok na ng bahay, aayusin ko pa mga gamit ko.
------
"Ma! Gagala lang po ako saglit!" Sigaw ko habang pababa ng hagdan.
"Sige mag-ingat ka!" Sigaw ni mama mula sa taas, nag-aayos pa kasi siya ng mga gamit nila.
"Pa gagala lang po ako." Sabi ko ng madaanan ko si papa na pinupunasan ang kotse, kakatapos niya lang sigurong icarwash.
"Sige, mag-iingat ka ah."
"Opo"
Saan ba ako magsisimula? Napatingin ako sa relos ko at nakitang mag-aalas kwatro na. Hapon na rin kasi nung dumating kami dahil sa traffic.
Aha! Dun nalang sa park na madalas naming pagtambayan ni Casper.
Dali-dali naman akong tumakbo dun, feel ko kasing andun bestfriend ko hehe. Pagdating ko dun hindi nga ako nagkakamali. Andun nga siya, pero iba naabutan ko.
Nakita ko siyang sinusuntok yung poste ng swing. May problema na naman ba siya? Isang taon ko siyang hindi macomfort kasi hanggang chat lang kami pero ngayon macocomfort ko na rin bestfriend ko.
Tumakbo ako papalapit sa kanya ang sinalo ang kamao niya. Kakawang poste.
"Tigilan mo nga yang ginagawa mo, sinasaktan mo lang sarili mo." Sabi ko.
Hinila niya ang kamay niyang hawak ko at tinitigan ako.
"Sino ka ba?" Tanong niya na nagpatigil sa akin. Hindi naman siguro ako nabingi diba? Sino daw ako? Nagbibiro kaba?
"Nagbibiro ka ba?" Natatawang tanong ko sa kanya. Baka lang naman diba?
"Mukha ba akong nagbibiro? Sino ka nga?" Naiinis niyang tanong ulit.
Sasagot pa sana ako ng biglang may boses kaming narinig.
"Babe!" Sigaw ng isang babae at niyakap si Casper. Babe? Ah, ito pala yung kinukwento niyang girlfriend niya.
"I'm sorry, hindi ko sinasadyang pagsabihan ka ng ganun. Bati na tayo please? Treat kita dali." Sabi niya at umalis silang dalawa na masayang magkahawak kamay.
Naiwan akong natutulala dito habang pinapakiramdaman ang malamig na na hangin.
Ganun nalang ba yun? Pagkatapos ko siyang damayan through chats nung mga panahong magkalayo kami kasi nag-awau sila ng girlfriend niya kakalimutan niya nalang ako?
After everything we've been through simula pagkabata kakalimutan niya nalang ng ganun kadali.
Sabagay, ganun naman talaga. Pag nagkajowa na kakalimutan kana kahit ikaw pa unang babaeng dumating sa buhay niya. Masakit din para sa akin yun as a bestfriend.
I've seen many side of him but not his other side. Not this side.
His other side? Is that he can forget you after everything you've done for him, after everything you've been through. That's his other side, forgetting everything. Wether you'll get hurt or not, he doesn't care.
~•~
BINABASA MO ANG
SADNESS: A Compilation of short sad stories
PovídkyEveryone has their own story. Some doesn't have happy endings. This is a compilation of short stories. Ewan ko nalang kung makaka-iyak kayo. Lewls. Written by: Weird Writes/ WeirdongAdikta Status? Completed. Signing out, Sandra :)