"Ahh! F-fuck!! G-give me more Kyle! Give me more--ugh!!"
"Louder Yesh. Moan louder!"
Rinig na rinig ko mula dito sa kusina ang pag ungol ng asawa ko at ng bago nyang katalik---actually, yun lang ang pinaka matagal na naging katalik nya sa loob ng isang linggo. Siguro di pa sya ganun kaumay sa lalaking yun.
Pinagpatuloy ko ang pagluluto at nagpanggap akong di ko naririnig ang mga ungol nila.
"Oh Andreo, anong niluto mo?"
Yan ang asawa kong si Mei. Maganda sya at mataas ang pinag aralan. Galing din sya sa isang mayaman na pamilya.
"N-nagluto ako ng caldereta. Nasa kusina," saad ko at tumungo.
Agad nyang hinila yung lalaki nya sa kusina at masaya silang kumain. Napa-buntong hininga na lang ako at kinuha ang walis, basurahan, dustpan at basahan. Dumiretso ako sa kwarto namin at nakita ko dun ang mga condoms na ginamit nila. Mga tissue at iba't ibang sex toys na nagkalat. Bumuntong hininga ulit ako at sinimulang linisin ang mga kalat nila.
Hindi ko maiwasang mapa-luha habang naglilinis. Ano bang naging kasalanan ko at ginanito nya ako? Wala naman akong naaalala ah. Ang alam ko lang, ibinibigay ko lahat ng gusto nya at sinusunod ko sya. Naging mabuti naman akong asawa dahil kahit kailan ay di ko sya niloko o kaya ay pinaglihiman ng mga bagay na maaaring maka sama sa relasyon namin. Pero bakit niloko nya pa din ako?
Siguro iniisip nyo kung bakit hindi ko na lang hiwalayan ang asawa ko? Kasi nangako ako sa magulang ko bago sila mamatay. Na kung sino man ang babaeng papakasalan ko ay syang mamahalin ko habangbuhay.
Nang matapos akong maglinis ay dumiretso ako ng kusina. Wala na sila, siguro umalis na naman at nag date. Hay. Kami? Kelan nga ba ang huli naming date? Sa loob ng limang taon naming pagsasama, iilang beses pa lang kaming nag date. Hindi ko maiwasang mainggit sa mga ikinakama nya. Ako ang asawa diba? Ako ang dapat nasa posisyon nila. Ako ang dapat ang nagpapasaya sa kanya. Kaso pano ko gagawin yun kung ayaw nya na sakin?
Bumuntong hininga na lang ulit ako at nagsimula ng mag hugas ng kinainan nila. Nang makapag hugas ako ay nilabhan ko naman ang mga maduduming damit na naka tambak sa kwarto namin. Siguro mga 5:00 pm na din ako natapos sa ginagawa ko. Nang kakatapos naman ako ay nag luto na ko para pag dating ng asawa ko ay may makakain na sya.
___________________________________________________________Alas onse na at wala pa din sya. Alam ko naman na madalas nya tong ginagawa pero hindi ko pa din maiwasan ang mag aalala. Maya maya pa ay may narinig akong pagbagsak ng pintuan.
"San ka galing?" bungad ko sa kanya.
"Wala ka na dun," sagot naman nya.
"Asawa mo pa din ako Mei!""Oo, asawa nga kita! Asawa lang kita sa papel, pero hindi sa mata ko at sa puso ko!" sigaw nya sakin.
Masakit. Napaka sakit ng salitang binitawan nya sa akin.
"Kahit na, kumain ka na ba?" tanong ko dito.
"Ano bang paki-alam mo sakin?!"
"Asawa nga kasi kita--"
"Edi hiwalayan mo na lang ako!!"
"Alam mo namang--""Putanginang pangako yan!" medyo nagulat ako kahit hindi ito ang unang beses na nagalit sya sakin, "Andreo! Tingnan mo ang kalagayan ko ngayon! Miserable ako kasi nakakulong ako sa relasyon na hindi na nagwo- work! Kasi nakakulong ako sa isang kasal na isa ding malaking pagkakamali!"
Ah, ganun pala ang tingin nya sa kasal namin. Isa lang pagkakamali.
"G-gusto mo ba talagang...mag hiwalay--" di ko pa natatapos ang sasabihin ko ay umimik na agad sya.
"Oo Andreo, gusto ko ng matapos to," saad nya at nag walk out.
Naiwan ako sa sala at nanlambot na umupo sa sofa. Hindi ko na din napigilan na umiyak. Isa akong bigong asawa.
"Mama, papa, I'm sorry po. Di ko mapapanindigan ang pinangako ko sa inyo," bulong ko.
Nakakabakla man tingnan pero patuloy akong umiyak. Mahal ko si Mei, mahal na mahal, na lahat ng gusto nya... ibibigay ko.