Lucid Dreams

1 0 0
                                    

Wow! Ang ganda dito!! Ang sarap ng simoy ng hangin. Tapos ang presko ng paligid. May isang maliit na lawa na madaming isda, sa palagay ko. Ang sarap mangisda dito. Saan naman kaya ako napadpad ngayon?

"Meishka.."
"Meishka.."

Huh? Sino yun? Meishka? Eh Mei ang lang naman ang pangalan ko eh.

Lumingon lingon ako sa paligid para hanapin yung tumatawang sakin. Hanggang sa nagpunta ang mata ko sa isang puno. Sa ilalim ng puno ay may duyan. Sa tabi ng duyan, nandoon at nakatayo ang isang lalaking nakatingin at naka-ngiti sakin.

"Meishka.." tawag nito. Sakin ba sya naka tingin? Ako ba ang tinatawag nya?

Nilingon ko ang paligid kasi baka hindi naman ako yung tinatawag nya. Pero walang ibang tao kundi kaming dalawa lang. Hindi ko alam kung anong nangyayari at parang may humihila sakin na puntahan sya sa kinatatayuan nya.

"Lagi kitang hinihintay dito Meishka," saad nya. Napa maang ako at itinuro ang sarili ko. Naka ngiti syang tumango.

"Ah, eh...Mei ang pangalan ko, hindi Meishka," sabi ko sa kanya.

"Meishka.."
Napa buntong hininga na lang ako. Sige na nga, Meishka na ko.

"Bakit mo ko hinihintay?" tanong ko na lang sa kanya.

"Mahal kita Meishka. Mahal na mahal kita,"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nahigit ko ang hininga ko. Parang may bumara sa lalamunan ko at gusto kong umiyak.

"Mahal mo ko?" di ko namamalayan na pumiyok na ko dahil sa pagpigil ko ng iyak. Samantalang sya ay nakangiti lang na tumango.

"S-sebastian.." medyo nagulat din ako sa sinabi ko. Sinong Sebastian?

"S-sebastian, mahal din kita! Mahal na mahal din kita!!"

"MEII GISINGG!!!"

Humihingal akong napabalikwas ng bangon. Shett!! Ampotchi! Nag lucid dreams na naman ako. Nakaka baliw!

"Anak, ayos ka lang? Sumisigaw ka eh. Sabi mo mahal mo yung Sebastian," nag aalalang tanong ni Mama.

Naka tulala lang ako at di umiimik. Sebastian? Parang pamilyar sya sakin. Sobrang pamilyar. Sino nga ba sya?

"Ma, may kilala ka bang Meishka?" tanong ko sa kanya.

"Ano ka ba?! Diba lola mo yun, sa kanya ko nga kinuha ang pangalan mo eh," sagot nya sakin at sinuklay ng kamay ang buhok ko.

"L-lola?"
"Oo nak. Nung pinapanganak ka kasi, namatay ang Lola mo. Kaya hindi mo na sya nakita sa personal," aniya.

"N-namatay?"
"Oo nak, sabi pa nga nya sakin nung nagbubuntis ako, pangalanan kita ng Mei, bilang ala ala nya samin ng papa mo. Mahina na kasi ang Lola mo nung mga panahon na yun," salaysay niya.

So sa Lola ko pala nakuha ang pangalan na Mei?

"At tsaka alam mo ba, nung pinagbubuntis kita. Lagi nyang ikinu-kwento sayo yung buhay nya nung dalaga sya," dagdag pa ni Mama.

"Talaga?"
"Gusto mo ba i-kwento ko sayo?" tinanguan ko lang sya.

Inihilig nya ang ulo ko sa dib dib nya. Sobrang sweet ni Mama kasi mas madalas syang maglambing sakin kesa ako maglambing sa kanya.

"Alam mo ba na hindi ang Lolo mo ang greatest love ng Lola mo?" panimula nya. Medyo nagulat pa ko dun.

"Huh? Eh sino?" tanong ko may mama.

"Hindi ko kilala eh, basta ang alam ko. Di sya ang greatest love ng Lola mo. Noon daw kasing dalaga sya, nainlove ang Lola mo sa isang magsasaka lang sa lupain nila. Tapos nagalit yung tatay ng Lola mo kasi magmamahal na nga lang daw, sa isang mahirap pa. Kaya napag desisyunan ng tatay nya na ipakasal sya sa Lolo mo. Yung Lolo mo kasi, mayaman. Napaka yaman. Ang Lolo mo kasi ang mayor noon at ang Lolo mo din ang may ari ng minahan sa lugar nila. Nung nalaman ng Lola mo na ipapakasal sya, nag desisyon sila ng greatest love nya na magtanan. Dun daw sila magtatagpo sa isang napaka special na lugar para sa kanila. Kasi yung lugar na yun, dun nag simula ang love story nila,"

"Yung tagpuan nila ay isang napaka gandang lugar. May maliit na lawa. Tapos ang lupa ay binalot ng damo. Madami ding puno, ngunit namukod tangi ang isang punong may dalawang duyan sa ilalim nito. At dun naka ukit ang mga pangalan nila,"

M-may lawa? M-may puno? M-may duyan? T-teka---!!

"So ayun, nandun yung greatest love ng Lola mo. Hinihintay sya. Hating gabi nung araw na yun. Umalis ang Lola mo sa mansyon dala lahat ng importante nyang gamit. Ang di nya alam, sinundan sya ng Lolo mo. Nang makarating sya sa tagpuan, sinalubong sya ng yakap at halik ng greatest love nya. Dahil sa sobrang selos, galit at poot na naramdaman ng Lolo mo, kinuha nya ang baril nya at itinutok iyon sa greatest love ng Lola mo," malungkot syang ngumiti sakin na parang sinasabing kung ano ang nasa isip ko ay iyon na nga ang mga nangyari.

I-ibig sabihin, pinatay ni Lolo ang greatest love ni Lola?

"M-may...may picture ba kayo ni Lola?" tanong ko kay mama at lumingon sa kanya.

"Oo, kamukang kamuka mo nga sya nung dalaga sya. Andun ang mga picture nya sa bodega---"

Di ko na pinatapos ng pagsasalita si Mama at agad na kong nag tatakbo sa bodega namin. Madaming kahon dun at kung ano ano pa. Ngunit ang mas naka agaw ng atensyon ko ay ang isang baul. Dahan dahan ko itong nilapitan at binuksan. Tumambad sakin ang isang litrato na naka taob. May nagsasabi sakin na kunin ko ito kaya sinunod ko iyon.

"Meishka Solemn Fabro-Katsuki," banggit ko sa naka-sulat sa likod ng litrato.

Nang iharap ko ito sakin ay napa-singhap ako. Isang dalagang kamukang kamuka ko at yung binatang nasa panaginip ko. Nanlabo ang mga mata ko at nanlambot ako kaya napa- upo. Ang Lola ko, si Meishka. Ay ang past life ko.

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon