Unang Pagkikita🖤

11 0 0
                                    

Tanghali. Tanghali na pero eto ako nakahiga parin sa aking higaan. Iniisip ko parin yung napanaginipan ko. Sayang kase diko nakita yung mukha nung taomg nag ligtas saki. At isa pa nakaka tamad bumangon pero kahit anong tinamad ko siya naman sipag ng kapatid kong mangulit na gisingin ako para ipag luluto siya ng alamusal.

"ATEEEEEE!!!!"
"ETO NA NANDIYAN NA!!"

Hayst! Kainis talaga. Kala mo kung sinong matanda kung makapag utos si drake eh. Makababa na nga.

Naglakad ako papuntang kusina at tingnan kung anong pwede kong lutuin pero tingnan mo nga naman at wala na kaming kahit anong pwedeng lutuin.

"Drake! Wala na tayong pagkain dito sa ref!"
"Bumili kana ĺang sa may kanto dun sa may alfamart."
"Eh ikaw na kakatamad kaya ang init init eh"
"Aba sino ba naman tanghali ng gumising tapos mag rereklamo na mainit na.🙄"

HAYSSSTTTTT!!! kapatid ko ba talaga yun?! Kainis ah pwede naman siya ang bumili eh. Makaalis na nga lang. Kainis!! Di pa ako nakakasuklay man lang oh tapos lalakad pa ako sa gitna ng daan na nakapajama pa!

Habang nag lalakad ako sa gitna ng daan nakaka kita ako ng 1000 pesos!Dinampot ko yun at tiningnan kung totoo baka kase peke tapos napag tripan lang pala ako hehe. So tiningnan ko yun ng maigi At Aba nga naman! Di din pala masamang ako ang bumili ng ulam sa kanto eh no (kaya yung mga nag babasa neto kapag kayo ay inuutusan gawin niyo malay niyo!😜)
So ayun nga habang pinag mamasdan ko yung pera habang nag lalakad ay may bigla na lang humablot neto sakin at nag tatakbo.
Nung una di ko alam kung anong nangyare tapos bigla na may sumigaw ng....

"MAGNANAKAW!MAGNANAKAW!"

At dun lang nag sink in sakin na nanakawan nga ako. Agad agad akong tumakbo para habulin yun at sa kasamaang palad pa eh nasira yung tsinelas ko! Naman oh! Pero may bigla na lang tumakbo mula sa likod at hinabol yung lalaking kumuha ng pera ko.(yung nalimot ko pala!HahaXD!)

So ayun ang bilis niya tumakbo my ghodd! Para siyang kabayo!charr!. Nawala na sila sa paningin ko at hindi parin ako maka alis sa kina tatayuan ko kase naman. Ang init init ng kalsada tapos sira pa ang tsinelas ko. Kinapa pa ko yung bulsa ko kung nadala ko man lang ba ang cellphone ko kaso.... wala naiwan ko pala sa bahay namen. Napayuko na lang ako sa kamalasang nangyare sakin.

Nag hintay ako ng mga ilang minuto ng may nakita akong pares ng sapatos sa aking harapan at may naka abot na 1000! Kyahhh! Yung isang libo koooo!!(yung nalimot ko pala!XD!)
Inabot ko yun ng hindi tinitingnan ang nag abot!

"Naku! Salamat ha! Maraming sala-"
Sabi ko ngunit nabitin sa ere yung sasabihin ko nung nakita ko yung mukha niya. OMG! Eto na yung swerte na masasabi ko.

" Ah miss sa susunod mag iingat ka ha."

"Ahh ehh ahh sige sala-salamat ulit ha!"

"O pano alis na ako ha. Ako nga pala si-"

"Hoy Clyde! Tara na! Mag sisimula na yung laro!" Sigaw nung kung sino mang tao yun

Dun ko lang din napansin yung suot nung Clyde naka pang basketball siya at mukha ngang mag lalaro siya. Ang gwapo gwapo niya yung mata niya katamtaman lang yung laki tapos yung labi niya manipis na mapula na parang isang mansanas daig pa yung sa akin parang mas maganda to sakin eh.tapos yung ilong ang tangos. At yung balat niya moreno lalakeng lalake siya sis! My ghod! Titig na titig ako sa mukha niya  kase parang..... parang siya yung nasa panaginip ko tapos napansin ko na parang may sinasabi siya.

" Ah miss una na ako ha ingat ka."

" Ah Sige salamat ulit" sabay yuko.
Parang siya talaga yun eh.

Nag lakad na siya paalis at sinusundan ko siya ng tingin . Pati yung paglalakad na sis ang gwapong tingnan.

"Beep!Beep!Beep!" Pagbusina ng isang sasakyan sa likod ko. Sa likod ko??!😳 Ay shet! Nasa gitna na  pala ako ng kalsada. Mabilis akong tumakbo paalis sa gitna ng daan kahit sira yung tsinelas ko.

Bumili ako ng tsinelas at mga kailangan kong bilhin para umuwi na. Ginamit ko yung nalimot kong pera kase naiwan ko pala yung wallet ko! Wahhhhh! Ang malas talaga!
Sumakay na ako ng tricycle para mabilis akong makauwi.

Love Me Like I DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon