Tulo laway

9 0 0
                                    


Sofia's POV

Umaga na naman it means panibagong araw. At kailangan ko na nam9ang pumasok. Speaking of kailangan ko ng pumasok ay kailangan na kailangan ko na talaga kase LATE NA AKO!!! Alas syete na tapos alas otso yung klase ko patay ako neto! Kung nakatulog ba naman ako ng  maaga kagabi eh ang kaso umaga na ako nakatulog. Kainis!!!

"Drakeee!!" sigaw ko sa kapatid ko habang pababa ng hagdan.

Kaso walang sumasagot. Sinilip ko yung kwarto niya kaso wala siya dun. Doon ko lang naalala na maaga nga pala ang klase niya ngayon. Patay! Late na nga ako naiwan pa ako ng kapatid ko. No choice kundi mag commute.  myghodd!!

Tumakbo na lang ako paalis ng bahay at sumakay ng jeep sa may kanto. At kung minamalas ka nga naman aba! Punuan ang jeep at ang bagal pa nung jeep!

Makalipas yung ilang oras. I mean mga 30 mins lang naman! Nakarating din ako sa school namin. Lakad takbo yung ginagawa ko papunta sa room namin at bumabati na rin sa mga kakilala ko sikat ako dito eh! Chour!!XD!

"Hoy may quiz daw" salubong ng kaklse ko sakin.
"Ano?! Quiz? Saan?" Gulat kong sagot sa kaklase ko. Literal na nagulat ako kase naman. First day of second sem namin tapos quiz agad ang quiz pa naman dito parang long test na sa sobrang haba at dami juskooo!
Sasagutin sana ako ng kaklase ko ngunit dumating na yung prof. Namin kaya di na niya nasagot yung tanong ko.

At habang nag kakaklase yung Prof. ko ay parang nahuhulog yung mga mata ko. Inaantok ako! Naku lagot ako neto. Pero di niya naman siguro ako mahahalata nasa dulo at pinakagilid naman ako tapos wala pa akong katabi sa kanan ko kaya walang mag susumbong. Makaidlip nga. Mga 5 minutes lang hehe✌!

Habang nakapikit ako at natutulog may bigla na lang may bumungisngis sa tabi ko.

"Hayssst! Sino ba yun?" Tanong ko habang nakapikit pa din. Patuloy pa din sa pag bungisngis yung kung sino man yun. Tapos may bigla na lang may tumamang bagay sa mukha ko. Pagmulat ko nakita ko ang isang lalaki sa harap ko. Isang gwapong lalaki. Yung-yung tumulong sakin kahapon. Habang tinitignan ko sa na parang may pinag tatawanan ay bigla na lang sumulpot yung mukha ng prof. Namin. Patay!

"Miss Maligaya! NATUTULIG KABA SA KLASE KO?!!" galit niyang tanong sa akin.

"Po? Ahh hindi po. Napapikit lang po ako kase po ano po ahmm na-napuwing po ako opo?!" Tarantang sagot ko sa prof. Ko habang pinag mamasdan ko yung paligid. At lahat sila mukhang nakabungisngis. Bamit sila natatawa? Kawawa kaya ako.

"Napapikit?! Napapikit ka lang Miss Maligaya??!! Aba iba na pala mapapikit ngayon?! Tumutulo na yung laway sa simpleng pagpikit lang!!" At dun nasagot ang katanungan sa isip ko kung bakit sila parang natatawa. Kinapa ko yung mukha ko at- at may laway nga akooo!!!

Bigla na lang tumawa ng malakas yung mga kaklase ko lalong lalo na yung katabi ko. Pinaka-malakas yung tawa niya jusko.

"Miss Maligaya! GET OUT!!"-sigaw nung Prof. ko kaya natahimik yunh klase at dali dali akong nag tatakbo palabas ng room at dumiretso sa library para lang....

MATULOG!! Inaantok na talaga ako!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Me Like I DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon