I'm on my way now to school. I texted Henry na agahan niya ang pasok para makatambay kami ng ilang minutes.
I found our spot. Isang malaking puno na tumatakip sa init ng araw. Buti na lang at walang may interes na umupo doon dahil sa mga kwento kwento. Mga uto uto.
I sat there and wait for Henry. Habang naghihintay ay luminga linga ako sa paligid para tignan ang ginagawa ng ilang students.
Some are laughing with their squad, yung iba nagtatakbuhan, may umiiyak pero tinatawanan ng mga kaibigan niya. Maybe she's brokenhearted.
"Hoy babaita!" There he goes. Ang maingay na boses ni Henry.
"Buti naman at pumasok ka ng maaga ano. It's already 7:25 at ang pasok natin sa room ay 7:30. So nice of you, Henry." I said with a hint of sarcasm.
Tinignan niya ko na nanlalaki ang mata tsaka ako sinabunutan.
"Ouch! Stop it!" I shouted habang hinihila ang buhok ko sa kamay niya.
"Ikaw babaita ka. Sinabi ko nang wag mo 'kong tatawaging Henry! My name's Henrietta." Pagkasabi niya non ay binitawan niya na ang buhok ko.
I rolled my eyes at him.
"Halika na nga at pumunta na tayo sa room. Mamaya na lang tayo magchikahan." Kumapit siya sa'kin at nagsimula na kaming maglakad.
We're now walking in the hallway and some students are eyeing us. We just ignored them, sanay na kami.
Pagkapasok sa room ay ganoon din ang ganap. Medyo nakakailang lang kasi...
"Nakatingin sayo yung crush mo nako. Kumalma ka diyan 'te." Pasimpleng bulong sa'kin ni Henry habang papalapit kami sa upuan namin.
I just shrugged at him. I know na hinuhusgahan na rin ako non kagaya ng paghusga sa'kin ng ibang students dito sa school.
Nilingon ko si Grey. Tama nga si Henry, nakatingin siya.
Agad akong nag-iwas ng tingin.
Hindi naman talaga ganon kalalim ang pagkakagusto ko sa kanya. It's just a mere crush. I'm just attracted to him and that's because he sings well. Like, really well.
Narinig ko ang pagkalabog ng pinto. Ibig sabihin lang non, andito na ang one of our terror teachers.
Wala ng greetings, he just started lecturing and we take down notes.
I heard Henry's sigh. Boring na boring na naman 'to.
"Rean pakopya na lang notes sa coffee shop ah. Nakakabagot magsulat." I just nodded. May magagawa pa ba 'ko.
Henry's a scholar. Matalino siya pero tamad magsulat. Kaya ako ang laging inaasahan niya sa pagsusulat. Pero somehow nagbebenefit rin naman sa'kin yun dahil kapag may mga lessons na hindi ko maintindihan ay sa kanya ako magpapaturo.
Hanggang matapos ang ikalawang subject ay nagsulat lang ako nang nagsulat. I'm not fully listening. I'm more of a visual learner.
"Okay class, dismiss." Sarap sa ears.
Nagsitayuan na ang iba naming classmates para magsipunta sa cafeteria.
"Gurl punta muna 'ko restroom ah. Di ko na matagalan 'to." Paalam niya sa'kin at nagtatakbo patungong restroom.
Kaya pala may naamoy na 'ko kanina pa. Gosh, Henry.
I scan our room.
Grey.
He's looking at me right now. Katulad ng pagtingin niya sa'kin kanina. I don't know if nanghuhusga or what.
Tinaas niya ang isang kamay niya, nag-aalangan. He's waving at me.
"Hi" he said with a little smile plastered on his lips.
I don't know how to respond. Gosh. Help me.
Tumayo siya at naglakad patungo sa direksyon ko. Ano? Bakit siya pupunta sa'kin? Bakit---
"Uhm.." panimula niya.
Nakaupo pa rin ako habang siya ay nakatayo.
Nice.
Tumingala ako sa kanya. He's cute.
"Hello" pinilit kong maging maayos ang pagkakasabi ko non. Ayoko magpahalata.
"I just wanna ask for a little favor."
"Anything." Ugh. Why am I so easy to get?
"Uh, can I take a picture of your notes? The last ones lang naman. Hindi ko na kasi natapos." Oh.
Kinuha ko agad ang notebook sa gilid ko at binigay sa kanya.
"Thank you, Rean." He smiled again.
"Kahit sa uwian mo na lang ibalik." I said. Ayokong may makaabot saming dalawa na nag-uusap. Knowing our classmates, mga tsismosa.
He just nod at bumalik na ulit sa upuan niya.
Hanggang sa makabalik si Henry at matapos ang huling subject ay hindi na ulit ako lumingon sa kanya.
┅
"Hoy babaita. Ano yan ha? May nangyari ba kanina habang jumejebs ako? Kanina ka pa tahimik oh." Henry asked.
I shake my head. Ayokong sabihin dahil isa rin 'tong tsismosa. Aasarin niya lang din ako kaya nevermind.
"Ikaw ah, yieee." Tinusok niya ang tagiliran ko.
"Stop it or I'll shout your lovely name here." Pagababanta ko.
Inirapan niya 'ko at inirapan ko rin siya. Nag-irapan kami.
"Kasi naman eh. Alam ko naman na tungkol kay fafa Grey yan di mo pa sabihin." Nakangusong sabi niya.
I shh him. He's so noisy and annoying right now.
"Oo na, sasabihin ko na." Nanlaki ang mga mata niya. "Sa coffee shop." dugtong ko. Sinamaan niya 'ko ng tingin at umismid lang ako.
Nang makarating kami sa tapat ng mga locker ay namataan andon si Grey.
Tumikhim si Henry sa tabi ko na parang nang-aasar.
I ignore him and just continue to walk casually. Nang nasa tapat na namin siya ay may mabilisan siyang inabot.
My notebook. Oh gosh, bakit ba nakalimutan ko 'to.
Kinuha ko mula sa kamay niya.
"Thank you for that, Rean."
He really loves to smile huh.
I just gave him a nod and a simple welcome.
Naglakad na muli kami ni Henry.
That scenario just gave him the idea of what happened earlier. Geez.
Pagkalabas na pagkalabas namin ay tumili siya. Yung tili na pigil.
I gave him a warning look. Not liking the things that's running on his head right now.
"Gurl! This is your time to shine!"
➸
BINABASA MO ANG
November
RomanceHow can you love a person who's name reminds you of the nightmare that you're going through?