Destiny is a predetermined course of events. It may be conceived as a predetermined future, whether in general or of an individual.
Hirap intindihin no? Kaya ba talagang iexplain ng dictionary ang salitang yan?
Tadhana.
Di ba pwedeng idefine bilang isang mapaglarong mapa ng buhay na kung saan isasakay ka sa isang roller coster ride?
Madalas kong naririnig ang tanong na:
Naniniwala ka ba sa Destiny?
Sagot ko lagi, "Syempre."
Kahit na tumaas man ang population ng mundo mula sa 7 billion.
Naniniwala parin ako na isa sa 7 billion na yan eh kadestiny ko.
Yun nga lang, hindi ko pa siya nakikilala.
Hindi naman ako nagmamadali.
To think of it, Never pa ako nainlove. NBSB palayaw ng iba. Dadating lang naman yan eh. Hinihintay ko nalang.
Besides, may clues ako kung paano ko siya mahahanap.
Clues to Find My Destiny:
*Makikilala ko siya sa isang peaceful na lugar.
*Mapangiti niya ako kapag malungkot ako.
*Makasama ko siya sa gitna ng ulan.
*Bibigyan ako ng kahit ano basta color BLUE. Kahit anong shade basta blue.
*Papakilala niya ako sa parents niya. Hoho.
*Mag iigib ng tubig para sakin. (haha. It sounds corny. Try natin kung meron.)
*at higit sa lahat handang isakripisyo ang buhay niya para sakin.
Yun lang. Andali lang naman dba?
Ako si Keila Psyche Martinez. Senior highschool student sa isang kilalang university. Naniniwala sa wishing well, shooting star, bluemoon, himala, 11:11, tikbalang, manananggal, at kung ano-ano pang hindi pinaniniwalaan ng iba. Ika nga, You've got to believe in magic, tell me how two people find each other, in a world that's full of strangers. Ayan, kinanta mo no? Haha. Keila na Naghahanap ng kadestiny. Sa adventure na to, sa dami ng tao sa paligid ko, matatagpuan ko kaya siya?
--
-HelloImStitch
BINABASA MO ANG
Finding Tadhana
Teen Fiction"A story wherein a goofy guy meets a girl who was searching for his destiny." Would they be able to walk the same path? or the other way around? Better read. :) Ang storyang ito ay kailangan ng suporta ng mambabasa upang mainspire ito. Kung may k...