Chapter 10: Rose

74 5 0
                                    

(Patrick's POV)

Andaming libro sa library. (Saan ka ba nakakita ng library na walang libro?)

"11." -Joanne

"Hindi. 12." Paul

"11 kaya." Joanne

"Ganito kasi yun, *blah blah" inexplain naman ni Paul kay Joanne.

"Bakit syntax error sakin?" Si Psycho. Habang nilipat lipat yung mata sa calcu at libro. Ang cute niyang tingnan.

"Oh? Bakit?" napansin niya atang tinititigan ko siya.

Tinaas ko lang kilay ko at kunyaring walang alam. Kumunot noo niya tapos nawala agad.

biglang may tumakip sa mata niya.

"Sino to?" sabi ng bakulaw este ano pangalan neto? Rami? Rabies? Basta R. yun na yun. Nakalimutan ko pangalan.

nagulat si Sayko, ilang saglit lang biglang ngumiti. Tss. Di naman sa ayaw ko siyang ngumiti, ang pangit lang ng dahilan.

"Raphy." tinanggal ni Sayko yung mata niya. De biro lang. Tinanggal niya ang kamay ni Raphy pala to. tsk. Feeling close. (ikaw din naman ah. :p)

"Yow." Bati niya samin.

"Para sayo." bigla niyang inabot yung isang rosas kay Sayko tapos umalis. Bago yun, tiningnan niya muna ako at nag smirk.

Ts. Bakla.

Kumuha ulit ako ng libro. Maraming libro. tas binagsak ko sa mesa. Ewan. Naiinis ako. -_-

"Shhhhhhh." Librarian.

"Okay ka lang?" -Joanne

"Tol?"

Nakatingin silang tatlo sakin.

"Wala. Natiba-- Nabiwan Ahh! Nabitawan ko lang." Ahh!

Yung tipong galit na galit ka na sa hindi malamang dahilan tapos nabulol ka. ~_~

"Wahh! Nabulol. Hahaha!" Joanne. Tawa pa.

"May problema ka ba?" Tiningnan ako ni Psycho na nagtataka.

May problema ba ako? Wala naman di ba? di ba? Wala. (Sino kausap mo dre? xD)

"Galit ka ba kay Raphy? Napapansin ko kasi, ang talas ng tingin mo sakanya. "

"Natutusok ba siya?"

"Patrick!" Awat niya.

"Biro lang. Bakit? Nanliligaw na ba yun ha ha?"

Pakitang tao lang lahat ng ginagawa niya. Pakiramdam ko may kailangan tong lalaking to eh.

(Keila's POV)

"Biro lang. Bakit? Nanliligaw na ba yun ha ha?"

OoO Wait. Wait. Tumingin naman silang tatlo. 

"Oo. Daw?"

"Yooyyy," Paul. at sumandal sa upuan niya.

Si Joanne. O------O

Binuka ni Patrick bibig niya para magsalita pero sinara ulit.

"Pero, Mas pogi naman ako dun ah." Sabi niya ng nakapout.

"Pffftt." Sorry. Sorry. Di ko maiwasang tumawa.

"Bes! Baliw ka. Ano sinagot mo? Kayo na ba? Kaya ba may rosas? Bakit di mo sinabi? Oh my! Nabisto na kayo!" sabi ni Joanne at nagtakip ng bibig.

"Ano? Wala akong sinagot." tapos umiling ako.

"Kailan pa?"

"Nung isang araw lang."

"Pwes. Pano yan?" Paul.

"Sabihin mo samin pag sinaktan ka nun, Reresbakan namin yun. Wah!! May lovelife kana bes." Joanne.

"Wag kang magpapauto dun." Patrick.

"10 minutes nalang. Magriring na ang bell."

Tumayo na kami.

*Poink*

Oops. Nauntog si Paul sa isang shelf na nakadikit sa wall. Haha. Bat kasi matangkad. Yan tuloy.

"Uyy. JP! Okay ka lang?" Lapit naman si Joanne at hinawakan ang forehead ni Paul. Yieee. Ang sweet ng dalawa.

Napangiti ako. Tiningnan ko naman si Patrick kung anong reaction niya pero natigilan ako nang nakita kong nakatingin siya sakin.

Bigla siyang ngumiti.

"Pogi?"

Ahhhhhhh!!!!! Ang hangin. Grabe! Push. Aircon.

Alis na nga lang.

"My gosh."
"Patyyy."
"Ang pogi niya."
"Sino ba yung girl? Ang kapal ng mukha niyang iwan si Patrick ko."

Ayy. Ganon? Sorry mga ati. Wala akong naririnig.

"Uyyy. Uyy." sinundan niya ko. Binilisan ko naman lakad ko.

at tuluyan ng pumasok classroom, buti nalang andun na teacher namin.

--

[AN: Hello. Wasabi.]

Finding TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon