Chapter 7: May Girlfriend na Pala.

91 6 4
                                    

~~

GoodMorning. :) Kakatapos lang ng concert ko sa banyo. Salamat sa suporta- shampoo, sabon, toothpaste and toothbrush at syempre tubig.

August na. Ang bilis ng panahon noh? pero ang bagal ko maka move on sa gabing yun.

Kinalkal ko muna kung anong nasa kusina. Maaga pa naman para pumunta ng school.

"Hi Baby ko." Opp. Wag na kayong mag tanong. si Kuya yan. Kung ano2 tinatawag sakin. Naalala niyo yung chapter 1? yung Maykeililing tawag niya sakin tapos nung chapter 5, Sis.  Minsan nga tinawag niya kong Mama. -__- Di ko lang nabanggit sa inyo.

Speaking of Mama, may pinuntahan siya sandali. Si papa naman, ayun. Nakaalis na. Masyadong busy sa work.

Hindi ako sumagot kay kuya. Tumabi lang ako sa kanya at kumain.
"Sinong yung Patrick? Madalas mo kasama yun ah."

natigilan ako. Ayy. Bakit ako natigilan? Rewind-- Kumain ako ulit. Few minutes later, ubos na!

"Ahh. Kaibigan ko. Bakit? Type mo?"

"Ano?! May sinasabi ka?" O.O Wahh!! Kiniliti ako ni kuya sa tagiliran.

"Wah! Ku-kuuya. Wahahaha wala haha." nung medyo nakailag ako. Dali dali akong pumunta sa labas. Jinojoke ko lang si kuya. Hindi siya bakla ha. Haha. Tiningnan ko lang kung anong magiging reaksyon niya.  lul

Woh. Tumigil naman siya at pumara na ng tricycle. Haha. Everyday routine.

-------

"Besss!!" Ay. Dumating si Joanne.

"Oh?"

"Wala man lang GoodMorning? Oh Kaya I Miss You. Walang ganun? Oh. Hi kuya! :))" Si bes parang anlayo ng kausap. Ang lakas ng boses.

"Hi Juan. " tae. si kuya dinamay pa si Joanne sa Trip niyang call sign. Haha.

"Juan?" nagtatakang tanong ni bes.

"Yaan mo na si kuya. Tara na." nag kanya na kaming daan.

"Oyy. Bes. Ampogi talaga ng kuya mo."

Ayan na naman si Joanne. Napopogian siya kay kuya. Sabi ko

sa inyo madami siyang crush eh. :3

----

Nasa Caf kami ngayon ni Bes. Kasama si Paul at Patrick. Mm. Sarap ng kain ko. Feeling ko ilang taon akong di nakakain sa Sarap ng Fruit cake. x)

"Oyy Psycho. Dahan2. Baka mabulunan ka. Tingnan mo nga itsura mo. Hahaha." sabi ni patrick habang natatawa.

"Psycho talaga oh." dugtong niya. -_-

"Kasalanan ko bang paborito ko to. at minsan lang to binibenta dito." Hehe. Di nako nahiya sa pagiging matakaw ko. Kaibigan ko naman na sila. Para ko naring bestfriend. Hindi naman siya si Raphy para mahiya akong kumain ng gant----

"Yow. Keila." Nagulat ako nang biglang sumulpot ang isang gwapong nilalang sa harap ko. Ayan tuloy; Nabulunan ako. Wah!

"Teka! Sorry." Kumuha siya ng Tubig sa Dispenser ng Caf.

"Eto oh." *o*

*Mag iigib ng tubig para sakin.

Anla? Kya!!!  Two clues check na. Akala ko pa naman ito ang pinakahuli niyang magagawa. Eh consider na yun diba? Yung kinuhanan niya ako ng tubig kahit sa despenser lang? Wahh. Okay. Kalma.  Consider nayun oyy. Naka check nga siya ng isa eh. x)

"Sabi ko kasi dahan2." patrick habang nakasimangot na nakatingin sa Window. Hala. Sorry pooo.

Bigla akong nabalik sa katinuan nung nakainom ako ng water.

"Thankyou. Ginulat mo kasi ako. Ano kailangan?"

"Pwede mo ba akong samahan.mamaya after class?" O.o

"Bakit?"

"Basta. Sunduin nalang kita sa room niyo mamaya. Bye. Bye Jo. Ge mga tol." Tumango siya sa mga boys. Taas baba ang kilay ni JohnPaul as a response. Pero si Patrick ang talas ng tingin kay Raphy.

Magkakilala ba sila?

Magkaaway ba?

O di kaya,

May past sila? (Baliw lang? ang kitid ng utak mo neng!) Hindi naman siguro. XD Grabe naman kung may past. Parang hindi nga magkakilala yung dalawa eh.

"Ts. sipsip."

May binulong si patrick. Pero di ko naintindihan. Hay. Tsaka ko na isipin yun. Baka imagination ko lang yun. XD Yung mga babae dito parang papatyin ako sa tingin. Wahh. Kasalanan ko bang friends kami ni Papa Raphy niyo? :P lol ang mean. XD

"Bes, Narinig ko lang to ah. May girlfriend na daw yang Raphy." -Joanne

"San mo nakuha yan?" Paul

"Wag kang magpapaloko dun." -Patrick

Naks. Ang protective. XD

"Totoo?" may girlfriend na si Raphy? Bat siya lapit ng lapit? Kainis naman. :8 Baka magpapasama siya mamaya para ipakilala yung girlfriend niya. Naku! Humanda siya pag ganun. Lul

Finding TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon