Chapter 3: Is That Him?

164 11 9
                                    

Haayy. Friday na. Kabagot. Ang boring pa ng klase kanina. Chemistry. Di ko maintindihan. ~_~ 

This past few days, lagi akong kinukulit ni Patrick. Oo. As in Patrick Nathaniel Vicente. Yung lalaki sa likod ko. Yun pala pangalan nya. Nabasa ko kasi ID niya. Akalain mo, sikat pala siya dito sa school. Naalala niyo yung girls sa caf na nasa likod ko. Nabanggit nila yung Patrick di ba? Haha. Di ko alam yun ah. Masyado ba akong out dated?

Dahil vacant time na namin. Nandito kami sa bench ng school ground. Ako, si Bes at Paul tsaka sino pa nga ba, edi si Patrick. Lagi silang sumasama samin.

"Bes. Bili muna kami ni Paul ng foods sa canteen." -Joanne

"Ge. bilhan niyo na rin ako." Sess. Chansing lang yan kay Paul. Si Paul naman, sumasabay din. Tapos nun, umalis na sila. 

"Psycho, pengeng papel." 

At nakasanayan na rin ni Patrick na tawagin akong 'psycho'. Di na ako nagreact. Ilang beses ko na siyang kinorek pero ayaw parin makinig. So yaan nalang. -,-+

"oh." ano bang sinusulat nito? Ayaw pasilip eh.

"Para sayo sino ang pinakapoging nilalang sa mundo?" -siya habang nakatingin parin sa papel at nagsusulat.

Ah? Ako ba tinatanong? Or dinedictate niya lang ang sinusulat niya? Tumahimik lang ako. Baka di ako kinakausap, assuming mats. XD 

Inangat niya ulo niya then gave me 'ano sagot mo?' look. Ayy. Ako pala. Bat naman niya tinatanong yan. 

"Ahm. Ipis."

"Bakit ipis?" Kumunot noo niya.

"Ang IPIS ang pinakapoging nilalang sa mundo. Kasi lakad pa lang niya tilian na agad, yung ibang lalaki natataranta pa nga. Kapag dumapo sa tao, kinikilig na, patalon talon pa. See?" -ako with gestures. 

Nagulat siya saglit tapos biglang

"Hahaha! Ang kyut. Ipis? Kala ko naman ako. Tskkk." anong cute dun?

"Pwede ka din naman." Sabi ko habang nililipat ang page.

"Talaga?" Ngumiti siya bigla.

"Pwede ka din naman maging ipis."

"Aish!" Sumimangot sha.

"Bakit mo tinatanong?" -ako

"Bawal bang magtanong?" Inangat ko ang libro para matakpan ang mukha ko.

"Yow Raphy." Narinig kong tawag ng isang lalaki sa likod.

Lumingon ako. *slow motion* PLAY MUSIC: "i believe I can fly~~ I believe I can touch the sky."

Haaaa. Destinyyyy. Si Raphael nga!  naglalakad sa corridor.

Taga rito pala siya? Bat di ko alam yun? Medyo malaki kasi school namin, kaya di ako maalam. Tranferee ba siya dito?

"Oyy." -Patrick

Bumalik na ako sa katinuan. Hala. Asan na yun? Lumiko tuloy. Lumingon ako kay Patrick.

"Ano tinitingnan mo?" Baka sino?

"Bes! Eto foods oh." Ayan na pala sila Joan.

"Nga pala tol, mauna ka nang umuwi mamaya. May gagawin pa ko." Banggit ni Patrick.

"Hindi ka parin talaga nagbabago." Napailing si Paul.

"Eh? San punta mo?" Tanong ni Joan.

Tumayo si Patrick lumapit kay Joan. Tumingin sha sakin,

"Dyan lang. Maghahanap ng IPIS." Diniin niya tlga yung ipis. Hay nako.

-- 

Is that him? 

Raphael Mike Villa. Woaaahh. Magkikita pa tayo. Tandaan mo yan. >.>

--------------------

[A/N: Nahanap niya? Megesh. XD I humbly express my gratitude sa elementary yearbook ko. :"> dahil sayo nahanap ko apilyedo ni Patrick. Haha. Hi Readers, x) Keep Swimming. My isa pa akong story. Gusto ko galing sa puso yung story. Eto muna i uupdate ko. Lablab. :* comment din kayo. lol Thankyou.]

SUPPORT/ VOTE/ BE A FAN. 

-DakilangWriterr

Finding TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon