Ikatlong Paglamig
Assumptions
Saglit lamang kaming naglakad at nakarating agad sa bahay ni Tiyo Piping. Naging madali naman ang paglalakad dahil sementado ang kalsada. Mabuti na lang hindi pa gaanong madilim at papalubog pa lang ang araw. Hindi ko alam kung bakit pero buong paglakad namin ay hawak ni Iros ang kamay ko.
Patuloy na sana kami ng makasalubong namin ang tricycle ni Tiyo Piping na paalis. Agad naman itong huminto ng makita kami. Nagulat ako sa biglaang pagbaba ni Mama mula sa loob ng tricycle kaya hinatak ko agad ang aking kamay mula kay Iros.
"Riaone!" tawag ni Mama pagkababa at agad na lumapit sa amin. Saglit niyang sinulyapan si Iros na nasa aking tabi bago ituon ang tingin sa akin.
"Inihatid mo na din pala si Riaone, Iros." Sabi naman ni Tiyo Piping ng makalapit.
"Pasensya na po at ngayon lang naihatid." Magalang na sabi ni Iros bago yumuko.
"Walang anuman, Iros. Nag-alala lang ako at gumagabi na din. Nakapagtext naman sa akin si Riaone na nasa bahay niyo sya nagstay." Mahinahong sagot naman ni Mama.
Iniangat naman ni Iros ang kaniyang sarili bago ako saglit na nilingon. Nakakunot pa rin ang kaniyang ulo sa di ko malamang dahilan.
Agad namang nagpaalam si Iros at tumulak na pabalik sa kanila. Iginiya naman ako ni Mama para bumalik sa aming kwarto. Pagkapasok ay napasalampak agad ako sa kama dahil sa pagod at sa dami ng naiisip. Tinignan ko ang aking cellphone kung may bagong mensaheng natanggap.
Wala pa rin. Nag-aalala na ako kay Kuya pero wala naman siyang reply. Sinubukan ko na ring tumawag pero wala ding sumasagot. Hindi ko alam kung nakakausap ba ni Mama si Papa at Kuya Evo. Hinahanap ko ang number ni Papa at sinubukan magsend ng mensahe.
Riaone: Papa, nakauwi na ba si Kuya. Hindi ba kayo susunod dito?
Inilapag ko na lamang ang cellphone pagkatapos makapagtext. Napatulala ako sa kisame at biglang naalala kung paano ako hinatak kanina ni Iros. Tinignan ko ang aking palapulsuhan at biglang nahiya sa naiisip.
Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog. Nagising na lamang ako ng tumama ang sikat ng araw sa aking mga mata. Wala si Mama sa tabi ko. Hindi ko din naramdaman kung natulog ba siya gayong may pinag-usapan pa sila nila Auntie Sephine kahapon. Tinignan ko ang kabilang kama at wala na din doon si Yaya Malou.
Bumangon na lamang ako at naghanda para maligo. Pagkatapos ay bumaba na agad ako at narinig na nag-uusap sila Tiyo Piping at Mama sa may dining table. Hindi muna agad ako bumaba ng hagdan at nakinig.
"Hindi mo pa ba nasasabi sa anak mo, Sintana?" rinig kong tanong ni Tiyo Piping.
"Kuya Piping, alam mo naman na biglaan ang punta ko dito. Alam ko naman din na mahahanap din niya kami. Hindi naman lihim ang lugar na ito sa kaniya pero gusto ko lang talaga na magpakalayo sa ngayon." Sagot naman ni Mama.
Napaisip ako sa sinabi ni Mama at napakunot ang noo ng maintindihan ang kaniyang sinabi. Kung ganoon ay hindi nga alam ni Papa kung nasaan kami ngayon. Kahit ba si Kuya Evo ay walang alam. Ganoon ba kalaki ang naging away nila para paghiwalayin kami.
"Paano ang panganay mo? Hindi mo naman pwedeng paghiwalayin ang dalawa."
"Alam naman ni Estevo kung nasaan kami ngayon ng kapatid niya. Hindi lang talaga siya posibleng makasama kaya kaming dalawa lang ang nakarating dito." Pagpaliwanag ni Mama. Nakahinga naman ako ng maluwag sa narinig. Napanatag naman ang loob ko na baka sa mga susunod na araw ay makakapunta na si Kuya Evo. Tutal ay bakasyon lang naman naming ito.
BINABASA MO ANG
Cold Winter Heartbreak (Season Series #1)
Teen FictionShe have her life enclosed in a small bubble world of her house. She doesnt go outside and experience the world. And then when circumstances in her family take turns. There she realize that there are far more experiences that she need to know in lif...