Ikalimang Paglamig
Questions
Isang linggo na ang nakalipas simula ng makita namin ni Iros si Balbie. Nakausap na namin si Nana at pumayag naman siya na mag-alaga ng aso. Sinabi ko naman na kung may kailangan ay ipaalam lamang kay Tiyo Piping para matawagan si Mama at makapagbigay ako ng tulong. Bagay na ikinainis ni Iros dahil akala nya'y wala akong tiwala na maalagaan niya ito.
Naalala ko pa ng tumila ang ulan ay agad kaming pumunta sa kanilang bahay. Hindi na kami tumuloy sa batis lalo na't umulan at basa ang lupa. Masyado na daw delikado ang daan namin.
"Kaya ko naman mag-alaga ng aso. At isa pa kaya kong ibigay ang pangangailangan ni Balbie" naiinis na sabi ni Iros noong sabihin ko na ipaalam kay Tiyo Piping kapag may kakailanganin si Balbie.
Napatingin ako sa kaniyang nakasalubong na mga kilay at mga matang nakadirekta ang tingin sa akin. Bahagya akong napangiti ng palihim sa aking nakikita.
"Alam ko. Pero ako ang may-ari kay Balbie. Nakakahiya na nga't ipapaalaga ko sa inyo. Lalo na kay Nana." Sabay tingin ko kay Nana dahil sa labis na kasiyahan.
"Walang anuman iyon Iha." Sabi ni Nana na agad namang pumunta sa kusina para maghanda ng makakain namin. Tinignan ko pa si Nana habang paalis at tsaka ibinaling ang tingin sa seryosong lalaki na nasa aking harapan.
"Hindi lang naman ikaw ang nakakuha kay Balbie. Kaya hati tayo ng karapatan." Seryosong banggit niya na agad ko inalmahan.
Aba't gusto pa atang agawin sa akin ang alaga ko.
"Akala ko ba ay wala kang hilig sa mga hayop? Sa pag-aalaga ng aso?" pagpapaalala ko sa kaniya at bahagyang naiinis sa kaniyang sinabi. Hindi agad siya sumagot at bahagyang lumapit sa akin na siya namang ikinagulat ko.
Nakaupo ako ngayon sa kanilang kahoy na upuan habang siya naman ay nakatayo sa akin harapan. Akmang lalapitan niya ako kaya bahagya ako napaatras hanggang sa maramdaman ko na ang sandalan ng kanilang upuan. Nakatitig lamang ang kaniyang mga mata at hindi ko alam pero parang pinaghihinaan ako.
Agad naman siyang umupo sa aking tabi. "The moment you said that you would let me take care of Balbie. That is the start of our shared rights to her" seryoso niyang bigkas habang nakatingin sa malayo.
Damn. I could not stop my heart from beating after what he said. Parang naulit uli ang naramdaman noong nakatayo kami sa ilalim ng bahay ng mga pato.
Nagpagulong-gulong ako sa aking kama habang inaalala ang mga nangyari. Simula nang araw na iyon ay lagi na lamang akong kinakabahan sa tuwing magkikita kami ni Iros. Kaya naman agad akong umiiwas kapag napapansin ko na paparating siya. O di kaya naman ay agad akong bumabalik sa kwarto kapag naririnig silang nag-uusap ni Tiyo Piping sa baba.
Hindi ko alam kung napapansin niya ba na sa buong linggo ay madalas ko siyang iwasan. Pero kapag naman dinadala niya si Balbie dito ay wala akong nagagawa kundi harapin siya. Kahit ako ay hindi ko na maintindihan ang sarili. Naweweirduhan na siguro siya sa akin.
Tinignan ko ang aking cellphone at napabuntong hininga na lamang ulit. Ilang araw ko nang tinetext si kuya Evo ngunit hindi na siya nagrereply. Huling usap naming ay noong nakaraang linggo pa. iniisip ko tuloy kung anong nangyari. Hindi ko pa pala natatanong kay Mama kung kalian kami babalik ng Manila.
Next week pa naman ay enrollment na namin. Although there are subjects na pwedeng maregister online. Kailangan ko pa rin magpunta personally dahil grade 7 pa kami at may mga necessary documents na kailangan ipasa.
Pagkatapos maligo ay bumaba na agad ako. Nakita ko pa sila Mama at Tiyo Piping na nasa lamesa at kumakain. Kanina pa nila ako tinatawag para magtanghalian pero hindi pa ako nagugutom. Ngayon ko lang naisipan bumaba dahil sa naisip.
BINABASA MO ANG
Cold Winter Heartbreak (Season Series #1)
Teen FictionShe have her life enclosed in a small bubble world of her house. She doesnt go outside and experience the world. And then when circumstances in her family take turns. There she realize that there are far more experiences that she need to know in lif...