Ikaapat na Paglamig
Balbie
Dali-dali akong pumasok ng bahay at agad na nagpunta sa may kusina. Inilapag ko ang kahon at ang tuta sa may upuan tapos ay naghanap ng tuwalyang pwedeng ipunas. Basa kasi ang kawatan ng tuta at halata ang panlalamig.
Huli ko nang napansin na sumunod pala sa akin si Iros. Napatingin ako sa kaniya at nakitang tinititigan ang tuta. Dahan-dahan kong iniangat ang tuta mula sa kahon. Pagkahawak ay agad kong napansin ang kapayatan nito. Tingin ko'y mga ilang buwan pa lamang pagkatapos nitong isilang.
Labis tuloy ang kaba ko habang maingat na hinahawakan ang kaniyang katawan. Maingat kong dinampi ang tuyong tuwalya upang maibsan ang kaniyang paglamig. Ramdam na ramdam ko ang nginig na bumbalot sa kaniyang kabuuan. Nag-aalala tuloy akong napatingin kay Iros ng may naisip.
"Mahilig ka ba sa mga aso?" diretsa kong tanong sa kaniya.
Napakunot lamang ang kaniyang uno bago ibinaling ang tingin sa akin. Bakas na naman sa kaniyang mata ang pagkamisteryoso. Minsan ay hindi ko maintindihan kung bakit parang normal na expression na iyon para sa kaniya. Iniwas ko ang aking tingin at itunuon na lamang ang pagpupunas sa tuta.
Maganda ang pagkakaposisyon ng mga marka sa malaginto nitong balahibo. Sa unang tingin ay parang maitim na kayumanggi ngunit pag napunasan ay nagiging matingkad ang gintong kulay. Isang bagay na nagpapaalala sa akin ng kayumangging balat. Napailing na lamang ako sa naiisip.
"Ayos lang. Bakit mo naitanong?" bigkas ni Iros sa mababang boses.
Noong nakita ko ang tuta ay alam kong gusto koi tong alagaan at iuwi. Dati pa ay gusto ko na talagang mag-alaga ng aso. Kung hindi nga lang may allergy si Kuya Evo sa mga balahibo nito ay matagal na kaming may alaga. Pwede naman sanang nasa kulungan na lang kaso ay hindi ko kayang maging ganoon ang sitwasyon.
"Wala. Matagal ko na kasing gustong mag-alaga ng aso kaso hindi pwede" malungkot kong sabi.
"Kung ganoon ay bakit mo kinuha ang tuta?"
"Hindi ko kasi kayang pabayaan na lang. Lalo na't iniwan lang sa estero ng nilalamig" napaisip tuloy ako kung bakit ito itinapon na lamang. Hindi pa siya lumalaki at dapat ay kasama pa niya ang kaniyang ina para maging malakas. Natatakot tuloy ako sa magiging buhay ng aso.
Napansin ko ang pagkatahimik ni Iros sa aking tabi at nakitang nakatulala at tila malalim ang iniisip. Maari kayang siya na lang ang mag-alaga? Mas maigi iyon lalo na at hindi naman kami magtatagal dito at uuwi din agad.
"Kung ikaw baa ng mag-aalaga ay ayos lang?" umaasa kong tanong sa kaniya. Nagulat ata siya sa aking sinabi at napaawang bigla ang kaniyang mga labi.
"Pero kung ayaw mo ay okay lang. Ipapakiusap ko na lang siguro kay Tiyo Piping lalo na at ilang araw na lang ay aalis na rin kami." Malungkot kong sabi. Hindi naiwasan ang pait sa aking mga salita.
"Ayos lang naman sa akin" seryoso niyang bigkas na nagpalingon sa akin.
"Talaga? Kaya mong mag-alaga?" maang kong tanong.
"Kailangan ba ay kaya ko? Maari ko namang iwan kanila Nana ang pag-aalaga." Napakunot ang aking noo sa kaniyang sinabi. Ayos daw sa kaniya pero hindi naman pala siya ang mag-aalaga.
"Kung ganoon ay iuuwi ko na lang sa amin. Baka pabayaan mo lang ang aso ko." Naiinis kong sabi sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit pero umasa ako na siya ang mag-aalaga nito. Okay naman sana kung magpatulong na lang kay Nana kaso baka iasa niya ang lahat. Nakakahiya naman kay Nana.
Nahimigan niya ata ang inis sa aking boses kaya biglang nanlaki ang kaniyang mga mata. Matagal bago siya nakapagsalita ulit. "Magpapaturo ako kung ganoon. Hindi naman siguro ako aabalahin niyan buong araw".
BINABASA MO ANG
Cold Winter Heartbreak (Season Series #1)
Teen FictionShe have her life enclosed in a small bubble world of her house. She doesnt go outside and experience the world. And then when circumstances in her family take turns. There she realize that there are far more experiences that she need to know in lif...