Chapter 7

11 4 0
                                    

• Moonlight •

CARMELA

It's the D-Day. I'm already 22 years old and the people are all busy. Mama Mabeth and my siblings are already here and they're busy preparing for the party later. It's not really that grand, only close relatives and my friends are invited, I'm into private celebration than makipagplastikan sa iba. Atsaka, 22 years na ang nakalipas na ganito yung nangyayari tuwing birthday ko kaya parang normal lang din naman.

"Carmela, can you get me a bowl." sabi ni mama mabeth na busy sa pagluluto. Tumalima naman ako at kinuha ang bowl na nasa lamesa na.

"Ito na po Ma'." sabi ko at nilahad sa kaniya ang bowl na kinuha naman nito.

"Ma, puntahan ko lang si Miyah sa playpen niya." sabi ko. Nang makita ko itong tumango, eh kaagad naman akong lumabas ng kusina. Nakita ko pa nga si tita na pababa ng hagdan na binati naman ako ng maligayang kaarawan. Nginitian ko naman ito at nagpasalamat bago pumunta sa kwarto na tinutuluyan ni mama. Pagkabukas ko, nakita ko si Miyah na naglalaro.

"Miyah! Come to ate!" sabi ko. Tumingin naman siya sa gawi ko bago gumapang papunta sa akin. Ng makalapit ito ay kaagad ko naman itong binuhat palabas ng playpen niya at umupo ako sa kama at pinaupo siya sa kandungan ko. Miyah Natalie Montenegro, ang menopausal baby ni mama mabeth. Siya ang bunso sa aming magkakapatid. Ako ang panganay, si Nico Gareth Montenegro ang sumunod, ang pangatlo naman ay si Leonel Micko Montenegro at ang bunso na si Miyah.

"Maligo na tayo Miyah ah. Tapos kakain tayo ng cake, gusto mo yun diba?" sabi ko dito habang hinahalik-halikan ang matabang pisnge nito. Napapatawa naman ito at hinahawakan naman ang mukha ko. Tumayo na ako at kinuha ang towel niya bago pumunta sa kwarto ko para doon maligo. After naming maligo, sinuotan ko na si Miyah nga damit, I picked the yellow dress with a ribbon in the back, and she look so cute. At dahil kailangan ko ring magdamit, dinala ko nalang yung susuotin ko sa kwarto nina mama mabeth para doon magbihis dahil doon ko lang pwedeng ilapag si Miyah na walang mangyayaring masama. Pagkapasok ko, kaagad kong nilapag si Miyah sa playpen niya bago ko kinuha ang sapphire dress na nasa kama na at sinuot yun. Pagkatapos, inayos ko naman yung buhok ko, I just let it fall in my back at kinilip lang sa may side. White gold yung color ng clip ko na bigay ni mama kahapon lang. Kumbaga, advance gift na niya sa akin. And after that, I apply a little make-up at sinuot na yung doll shoes na kulay silver.

Knock! Knock!

"Come in." sabi ko. Bumukas naman ang pinto at sumilip doon si Nico.

"Ate, bumaba ka na raw at saka nandito na yung mga kaibigan mo. Ako na po ba yung magbubuhat kay Miyah?" tanong ni Nico.

"Ah, hindi na Nico. Ako ng bahala kay Miyah. Sige na, bababa na rin kami." sabi ko. Tumango lang ito at umalis na, na hindi sinasarado yung pintuan. I took a final glance at the mirror bago ako lumapit kay Miyah at binuhat ito. Pero, siyempre, bago kami lumabas eh nagpicture-picture muna ako. Another post na naman ito para sa IG ko. Lumabas na kami ng kwarto bago bumaba at nakita ko nga doon sina Philippe and to my surprise, nandito rin yung ibang miyembro ng student council.

"Carms! Happy Birthday!" bati ni Mitch na unang nakakita sa akin. Nagsitinginan naman yung iba sa kinaroroonan namin.

"Is that your child?" tanong ni Philippe na medyo malayo pa sa amin.

"Of course not. Kapatid ko nga pala si Miyah." pakilala ko sa kanila.

"Parang anak mo kasi. Masyado kayong magkamukha." sabi ni Philippe. Napailing naman ako.

"Anak kaagad? Pwede namang magkapatid muna ah? Super excited ka naman Philippe. Di bali, magkakaroon rin ako ng mini me." sabi ko dito. Nagroll-eyes naman ito sa akin.

The Night GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon