Chapter 3

25 6 0
                                    

School

A/N: Because it's my birthday today. Here's the update. Enjoy reading💕.

___________________________________________________________

CARMELA

Nasa harapan na kami ngayon ng gate ng magiging school ko. At isa lang masasabi ko "WOW!" tama nga yung sinabi ni Ate Clarisse na mamamangha ka sa ganda nito. Ang gate kasi ay sobrang laki yung tipong matatakot na lang kung sinong magnanakaw na pumasok dito, atsaka ang disenyo nito ay parang era pa ng mga Gods and Goddesses ng Greek Mythology at something yellow na may red ang kulay nito at sa pinakaibabaw nito ay may pangalan ng school which is ang Rolaia Duilexy University na nakakulay ng green na may pinaghalong white.

"Please say your name"

Napatingin ako sa gilid dahil sa may biglang nagsalita. At nakita ko dito ang isang statue ng elf na nakakabit sa gilid ng gate.

"Carms, sabihin mo diyan ang pangalan mo." sabi ni Ate kaya ginawa ko naman.

"Carmela Nyxalia Montenegro." pagkatapos kong sabihin nun eh bigla nalang nagka static sound tho hindi naman masyadong malakas.

"You may now enter." pagkasabi nun bigla nalang bumukas ang gate kaya pinasok na ni ate ang kotse. Ilang kilomentro pa hanggang sa marating namin ang parking lot at nakakamangha nga sa sobrang laki ng gusali. Yung tipong pang-Hogwarts pero mas malaki pa? Ganun yun. Pagkapark ni ate ay kaagad akong lumabas.

"Tara na Carms. Samahan na lang kita patungo sa office ni Headmaster." sabi ni ate. Napatingin ako sa kaniya ng pagdu-duda.

"Sabihin mo nga ate, ginawa mo lang akong tulay para makita yung crush mo nuh?" tanong ko. Nakita ko naman siyang nag-blush at pinaglalaruan ang mga daliri niya. Napailing nalang ako at nagsimula ng maglakad bitbit ang dala kong bag.

"Tara na nga at ng makita mo na siya." sabi ko nalang. Naglakad na kami patungo sa harapan ng building, hindi pa nga kami nakakalapit sa mismong pinto eh bumukas nalang ito. Nakakamangha talaga ang tecknolohiyang ginagamit nila. Walang kupas.

"Sa gitnang hagdan tayo dadaan, Carms." sabi ni Ate. Pagkapasok kasi ay may tatlong hagdan ang bumungad sa amin. Tapos sa ibaba ng hagdan ay may apat na pinto.

"Wala ba ditong dorm, Ate?" tanong ko.

"Meron naman pero nasa kabilang building pa eh na medyo malayo pa dito." sabi niya. Nasa ikalawang palapag na kami ngayon at tinutungo ang office ng Headmaster. Maraming pinto kaming nadadaanan at ang isang pinto ang nakakuha ng atensyon ko. Nakakulay ito na pinaghalong asul, berde, pula at puti at walang label ang nakalagay sa ibabaw nito kumpara sa ibang kwarto.

"Carms! Dali na dito." medyong pasigaw na sabi ni Ate. Nasa harapan na siya ng isang pinto kaya lumapit na ako at nakalagay sa ibabaw na ito ang sign na "Headmaster". Kumatok na si ate at maya-maya lang ay bumukas lang ito katulad ng nangyari sa may pinto nitong building.

"Hey yow." bati ni Ate. Napatampal nalang ako ng noo dahil sa bati nito. Pero napatingin ako sa lalaking may sinusupil na ngiti sa labi.

"Hindi ka pa rin nagbabago, Clarisse." sabi nito.

"Ikaw rin naman ah. Still the same serious Kleo we know. Oh siya nga pala, ito yung pinsan ko." sabi ni ate na tinuro ako.

"Another human." sabi nito. "Another" nga lang ang narinig ko dahil sinamaan kasi ng tingin ni Ate ng may idu-dugtong pa sana siya.

"So, Ms. Montenegro. Ito yung magiging schedule mo, also, pumunta ka sa Faculty ng Tourism na nasa kabila lang. Pwede ka ng lumabas, may pag-uusapan lang kami ng Ate mo." sabi niya. Tumango naman ako at kinuha ang papel na naglalaman ng schedule ko at lumabas na ng office. Sana lang okay lang doon si Ate. Hayy.

The Night GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon