Chapter 2

22 6 0
                                    

• Come what may

CARMELA

"Carmela, hey wake up." I stirred from my sleep and open my eyes just to see ate at my side.

"Ate? Bakit po?" tanong ko.

"Diba we're going to shop? It's almost 11 am. We should get going dahil hindi tayo pwedeng magpagabi." sabi niya. Tumango naman ako at bumangon na.

"Just wait me downstairs ate. Mabilis lang ako." sabi ko. Tumango naman si ate at lumabas na ng room. Kinuha ko na yung towel at pumasok sa banyo para maligo.

15 minutes after

I chose my yellow dress and put on my black leggings. Then paired it with my black boots. Tinirintas ko naman ang buhok ko na parang headband siya then sinuot ko na yung hikaw na bigay ni daddy. It's a true emerald earings na pinagawa talaga ni daddy noong okay pa kami. So, after nun ay kinuha ko na ang sling bag ko na naglalaman ng wallet, lipbalm, polbo at cellphone bago ako lumabas ng kwarto. Nakita ko naman sina ate na nakaupo sa sofa habang nagce'cellphone. Ganun rin ang ginagawa ni Carlos.

"Let's go?" tumayo naman si ate at carlos bago lumabas ng bahay.

"Sina tita pala?" tanong ko ng nakaupo na kami sa kotse.

"Umalis si mama, sumama siya kay papa sa opisina eh." sabi ni ate. Inistart niya na yung kotse at pinasibad na iyon papunta sa mall.

15 minutes later

"Ipa'park ko lang ang kotse Carmela. Mauna na kayo ni Carlos at magti-text nalang ako kung nasaan kayo." sabi ni ate. Tumango naman ako at sinara na ang pinto ng kotse. Pumasok na kami sa loob ng mall at unang bumungad sa amin ay ang malaking halaman. Sa gilid naman ay mga fastfood chains like Jollibee, McDo, KFC, etc. Marami ring restaurants ang nakikita ko.

"Carlos, nasaan ang National Book Store dito?" tanong ko kay Carlos na busy kaka-cellphone sa tabi ko.

"Nasa ikalawang palapag pa ate." aniya, "Mag'elevator nalang tayo, tara." sabi niya at hinila ako sa gilid kung na saan ang elevator. Pagkadating namin sa 2nd floor ay kaagad niya akong dinala sa NBS. Kumikinang yung mga mata ko dahil sa mga librong nakadisplay at iba't ibang school supplies, artwork, etc. Hindi ito ordinaryong NBS na nakikita natin sa mga malls, sa Manila o sa ibang branch ng Robinson. Dito kasi ay napakalaki at napakalawak, yung bang may isa pang palapag para sa mga libro. Kumuha na ako ng tray at nagsimula ng maglibot at kumuha ng mga gamit. Si carlos naman ay hindi ko na nakita kung saan nagpunta, pero, alam ko namang hindi niya ako papabayaan dito. Nakuha ko na ang mga kailangan at ang tanging tinitingnan ko lang ay ang mga libro na babasahin ko tuwing walang ginagawa. Napunta pa ako sa ikalawang palapag at sa pinakadulo nito. Habang tumitingin, may dalawang libro ang pumukaw ng pansin ko.

"Serania" by Lilibeth Cole and "Diary of the Goddess" by C.V.

"Tapos ka na po ba sa bibilhin niyo?" tanong ng isang boses na siyang nagpagulat sa akin. Tumingin ako sa gilid at nakita ko si Carlos na nakatingin sa akin habang hawak ang librong bibilhin niya. Tumango naman ako dito at nilagay na sa tray ang dalawang libro na hawak ko. Sabay na kaming bumaba ni Carlos at pumila. Ako na rin ang nagbayad sa mga pinamili ni Carlos bago kami lumabas.

"Sa Grandous Cafe naghihintay si Ate Clarisse. Pagkatapos nito may pupuntahan ka pa po ba ate?" tanong nito sa akin.

"Ah, wala naman. Maghahanda nalang ako para bukas. Diba, bukas na rin yung pasok niyo?" tanong ko.

"Opo. Sayang, sa ibang school ka nga lang ate. Sa school na ibang-iba." sabi niya at may binulong siya na hindi ko naman marinig.

"Ano yun, Carlos?" tanong ko.

"Ah, wala ate. Hahaha. Oh! Ayun na pala si ate clarisse eh." sabi niya at may tinuro. Lumingon naman ako at nakita si Ate Clarisse na may kausap. Pumasok naman kami ni Carlos at lumapit kay ate.

"Ate, tapos na kaming bumili." sabi ko.  Tumingin naman si ate sa amin.

"Sige, I'll inform you pag nakita ko siya." sabi ni ate sa kausap niya. Tumayo naman ang kausap niya at humarap sa amin dahil dito ang daan palabas. At nakita ko ang mukha ng lalaki, may matangos ito na ilong, may mapupulang labi, maputing nga balat at ang nakapagpukaw sa akin ay ang mata niyang kulay ash-gold. Basta, kakaiba siya. Tapos yung aura niya, grabe, naka'intimidate. Yung tipong nagsusumigaw na "Don't come in my way". Nagtitigan pa kami hanggang sa, naglakad na ito at nilampasan kami ni Carlos.

"Ate, sino yun?" tanong ko ng wala na ito.

"Ah, kapatid ng kakilala ko. So, kumain muna kayo. Baka nagugutom na kayo sa pamimili." sabi niya. Naupo naman ako at si Carlos ang bumili ng kakainin namin.

"Ate, maganda ba ang school ko?" tanong ko ng kami nalang ang naiwan.

"Hindi lang maganda, Carms. Mala-palasyo kaya ito dahil sa sobrang laki at lawak doon. Hindi mo basta bastang mapupuntahan doon dahil masyadong liblib ang daanan papunta sa school mo." sabi nito.

"Eh paano ka nakapunta doon?" tanong ko.

"I was invited by the Headmaster himself. And shems, super gwapo niya at matanda lang siya ng apat na taon sa akin." sabi niya na nagti-twinkle pa ang mga mata niya. Napailing naman ako. Nakita ko naman si Carlos na papalapit sa amin.

"Ate, ito na yung order mo oh." sabi niya at nilagay sa harapan ko ang pinabili kong chocolate mousse cake at Mango Fruit Shake.

"Thanks Carlos." sabi ko dito at sinimulan ng lantakan ang pagkain ko.

***********

"How's your shopping?" bungad ni tita pagkapasok palang namin.

"Okay lang naman tita. Nag-enjoy kami." sabi ko sabay halik sa pisnge niya. Ganun rin ang ginawa nina Ate at ni Carlos.

"Punta lang kami sa kwarto ma. Napagod kami sa paglalakad eh." sabi naman ni Ate.

"Sige. Bumaba lang kayo kung kakain na tayo ng hapunan ha." sabi ni tita. Umakyat na kami papuntang 2nd floor at pumasok sa sariling kwarto. Kaagad kong kinuha sa supot ang pinamili ko. Tanging notebook at dalawang ballpen lang naman ang nabili ko para sa school. At ang iba naman ay isang set ng pangsketch at mga libro. Meron rin akong binili na munting halaman para sa labas ng bintana ng kwarto ko. Wala akong terrace dahil ang terrace ng bahay ay nasa dulo ng hallway. Kumbaga, pagkarating mo ng 2nd floor ay deritsuhin mo lang ang paglalakad, malalampasan mo ang mga kwarto namin at ang 3 guestrooms then terrace na. Yung terrace kasi ay nakaharap sa napakalawak na backyard ng bahay. Kung tinatanong niyo kung nasaan ang master's bedroom? Nasa ibaba, sabi kasi nina tita, para raw madali lang sila makaresponde kung may masamang mangyayari at hindi kami ang mauunang mapahamak.

"Carms, kakain na!" napatingin ako sa pinto dahil narinig kong sumigaw si ate sa labas.

"Susunod ako ate! Tatapusin ko lang toh." sigaw ko naman pabalik, narinig kong umalis na si ate sa harap ng pinto ko kaya binaling ko ulit ang aking atensyon sa ginagawa ko at tinapos na ito bago lumabas ng kwarto at sumunod papuntang kusina. Nakita ko naman ng nakaupo na sina tita at ako nalang at ang hinihintay.

"Nasaan si tito?" tanong ko pagkaupo.

"May inaasikaso pa sa kompanya niya. Oh siya, kumain na tayo at para makatulog na kayo ng maaga." sabi ni tita. Kumandos naman ako ng kanin at kumuha ng mga ulam. Hindi rin nagtagal at natapos na rin kaming kumain. Niligpit na namin ang lamesa at si Carlo ang nakatukang maghugas ng pinagkainan kaya umakyat na kami sa taas ni Ate at pumunta sa sariling kwarto. Pagkapasok ko ay kaagad ko ng ginawa ang dapat gagawin bago matulog. I'm currently putting a face mask ng biglang humangin kaya napatingin ako sa bintana at nakita itong nakabukas. Tumayo na ako at pinuntahan ito at sinara bago bumalik at inayos ang face mask ko. Fifteen minutes have passed at medyo inaantok na ako kaya kinuha ko na ang face mask at pumunta na sa kama at humiga. Siguro dahil sa pagod, nakatulog ako ng mahimbing. Tomorrow, will be a new day for me.

The Night GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon