Chapter Four : Chance
---Charles's POV
"Babe, nasaan ka na?"lumabas ako sa aking kwarto upang sundan sya, paborito talaga niya ang habulin sya.Tumungo ako sa kusina para silipin kung naroroon ba siya.Lubos na kagalakan ang namamayagpag sa aking puso."Babe di na nakakatuwa."pagbabanta ko dahil sa labis na pananabik sa kanya.
Nakaranig ako ng ingay galing sa sala, mabilis na lumawak ang aking ngiti at tumakbo papuntang living room, gumapang ako hanggang sa makarating ako sa likod ng couch."GOTCHA."pangugulat ko.
"Meow."huni ng nagulat at nagising na pusa sa kanyang mahimbing na pagkakatulog. Napatampal na Lang ako ng aking noo at tumawa ng malakas sin tulad sa halakhak ng isang baliw."HAHAHAHA. Wala na nga pala akong jowa."napaltan ng mga luha ang mga tawa ko.
Sabay bigla ako nagising sa isang di magandang panaginip, nagising na nga ako ngunit nandito parin ang bakas ng kalungkutan ko, naiiyak pala talaga ako habang nananaginip.Pinunasan ko ang aking mga luha
There's still pain inside and the worst is the irony of having pain is that we want to be comforted by who hurt us.
When I close my eyes, I see her and when I open my eyes I miss her.
Nanonood ako ngayon ng movie na Peter pan, favorite naming panoorin ito ni shane kahit paulit-ulit na. Memorize na namin ang mga dialogue ng mga character dito.
Iba ang feeling pala kapag mag isa ka na lang ng nanonood ng movie, ang lungkot ng ambiance dito, hindi ko maitaas ang mga unan sa aking hita. Wala akong ganang kumilos at para akong lantang halaman na umaasang diligan.
Napapansin ko rin na madalas na pagsakit ng ulo ko ngayon, madalas akong makalimot sa mga bagay na dapat kong gawin, lumalabo na din ang aking paningin kaya di ko tuloy maayos na mapagmasdan ang mga mukha ng character sa movie.
Hindi ko na din namamalayan na napapagalitan ko na ang mga kasama kong kasambahay namin, bigla-bigla na lang kasi nagbabago ang mood ko madalas nasisigawan ko sila kahit hindi ko intensyon na masaktan ang nararandaman nila.
Matagal ko na rin ang mga sintomas na ito.Ayos lang ba talaga ako? Lumalala na kamakailan ang nararamdaman kong headache. Noong una akala ko normal lang at sumasakit lang talaga ang ulo ko dahil sa mga problema ko.
Nang sabihin ko kay kay mama ito ay inirecommend nya naman ako sa doctor niyang kaibigan.Ramdam ko ang pag iyak nito sa kabilang telepono, alam kong nag alaala sya kaya para palakasin ang loob niya sinabi ko na pupunta ako pero hindi talaga ako pumunta siguro migraine lang 'to.
Isa pa, kailangan kong magfocus para sa board exam.Binalak ko ng mag take sa tagal na sinayang ko, nakalimutan ko ng dapat pala ginawa ko na 'to simula pa lang.Hindi Lang para sa akin kundi sa pamilya ko na rin.
Habang hawak ko ang isa sa mga reviewer ko ay nakaramdam ako na parang tinusok ang ulo ko, dumilim ang aking paningin at patuloy na sumigaw upang humingi ng tulong. Sobrang sakit na aking ulo.
Nagising na lang ako nakahiga sa kama, napansin ko na nasa hospital ako, kahit malabo sa aking mga paningin.Alam kong kinakausap ni mama ang doctor, naririnig ko ang nagalaala niyang boses, base pa sa sinabi ng doctor ay malala na ang tumor sa aking utak.
Kaya pala, dugtong pa niya na kailangan na isagawa ang surgery ng maaga pa kaso malaki ang posibilidad na maging unconsious ako.
Gusto kong takpan ang aking tenga, tumakas ang mga luha sa aking mata at unti unti silang sumabay sa hanging at natuyo.

BINABASA MO ANG
Meet me In Neverland
RomanceCharles and Shane encounter difficulties in their relationship.One day, charles's falls into a coma after his surgery due to the tumor in his brain.Shane request to meet him in Neverland. Neverland a simulated universe where people can reunite with...