[3] UNSYAMING PAG-IBIG

12 0 0
                                    

ALL RIGHTS RESERVED 2012

©vheranne

UNSYAMING PAG-IBIG

Nang ika'y unang makita

'Di na kita gustong mawala sa sulok ng aking mga mata

Tinamaan na yata ng pana,

Ang aking puso, at sa sariling katinuan nawala na ng todo

Tayo'y tila nagkakaunawaan na

Marahil pag-ibig mo'y pwedeng ialay na

Ngunit sa sulok ng aking damdamin may bumabagabag pa

Tila nagsasabing baka ika'y may mahal talagang iba

Kaya ang nasa isip pilit winawaglit

Siguro'y 'di pa handa ang tadhana

Upang tayo'y ipaglapit

Na-unsyami talaga ang ating pag-ibig

Ikaw ay gusto at minamahal ko, gustong makasama sa buong buhay ko

Ngunit ikaw yata'y iba ang pinapangarap mo

At siguro'y pinagbabalingan mo lamang ako

Poem Compilations <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon