[1] WALA NA TAYO

23 2 0
                                    

ALL RIGHTS RESERVED 2012

©vheranne

WALA NA TAYO

Pagmamahalan ay nasaan na?

Ito'y parang naglalaho na

Dati tayo ay napakasaya

Bakit ngayo'n ay lumuluha na?

Maaayos pa ba natin ito?

Malaman ko sana ang totoo

Minamahal mo pa rin ba ako?

Baka ayaw mo na ang tulad ko

Ika'y mahal pa rin aking sinta

Ngunit bakit parang ayaw mo na?

Hindi na kita pipilitin pa

Kung nais mo nang makawala na

Pag-ibig nating pinahsaluhan

Babaunin ko kailanman

At akin nang naiintindihan

Poem Compilations <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon