"Pst, may extra face mask ka?" Inilusot ko ang ulo ko sa pwesto ni Chesa para mapansin ako. Magkatabi naman kami neto sa jeep pero dahil kaka-baba lang ng quarantine at pinabalik na ang lahat sa usual errands ng tao, mas mahigpit parin ang social distancing kaya ultimo sa jeep may harang din sa pagitan ng katabi mo. Ayos nga eh, maluwag sa jeep kasi anim lang ang pwede tas ang laki ng space sa paligid mo.
"Teka, check ko. Wag ka na tumunghay dyan, baka masita pa tayo di tayo nasunod sa distancing." Umayos ako ng upo at napabuga sa ere. Bakit kasi ngayon ko pa naiwan yung bulto-bulto kong face mask?! Ang dami kong ganoon sa bahay kasi yung kuya ko Medtech sa Asian Hospital eh ang dami lagi nauuwing ganon.
Ayokong mapa-barangay, jusko. Napaka higpit kasi samin! Kapag walang mask, hule. Andami kong kailangang gawin pagkauwi kasi nag mukhang first day of classes ang araw na 'to kasi ngayon nag resume ng mga klase nationwide kaya ayun, magulo.
"Ave, wala ih."Napalingon ko kay Chesa na nakahawak sa plastic ng facemask na wala ng laman.
Awit.
"Argh! Sige sige okay lang. Kasalanan ko din kasi, tinanggal ko pa sa bag ko kung kelan may byahe ako." Napakamot tuloy ako sa ulo ko kahit hindi makati, yamot.
"Eh pano yun? Mahuhuli ka nyan." Tanong sakin ni Chesa habang sinisipat sa likod ko kung nasaan na kami.
"Huy sis malapit ka na bumaba!"
"Teka! Baka may panyo ako dito." Napakalkal agad ako ng bag para hanapin yung panyong tig-25 pesos sa bangketa. Yung iisang design tapos may iba't- ibang kulay. Para akong kinantahan ng mga anghel ng Hallelujah nang makita ko yung panyo kong gusot-gusot. Pwede na'to basta may pantakip sa ilong. Agad kong isinukbit sa tenga ko yung panyo kasi naipag-para na 'ko ni Chesa.
"Huy, Ave wag mo kalimutan yung kit bukas ha!" Sigaw ni Chesa pagkababa ko habang kumakaway. Nag thumbs up naman ako sakanya.
Nag lakad ako papunta sa bungad village namin. May pila doon para i-check kung may pass ka na binigay ng barangay para ma-verify na taga dito ka samin nakatira. Isinuot ko kaagad ang hood ng jacket ko kasi baka mapuna ako na bakit panyo lang panakip ko. Kapag kasi nahuli ako, dadalhin ako sa barangay tapos uutusan kang mag-exercise! Ayoko! Pagod na pagod na nga ako sa klase tapos pag-gaganunin pa nila ako?!
Nang malapit na ko sa pila, agad akong umakto na parang may hinahanap sa bag kahit wala naman talaga. Binigay ko ang pass at school id ko kay manong and thank God hindi ako nasita! Sabagay hindi yung striktong sundalo yung nagbabatay sa outpost namin. Ang laki ng ngiti ko after kong matanggap yung pass at Id ko kasi di ako nabuking.
Kapag mga gantong bagay, kinikilig ako eh. HAHAHA
Dapat maganda kang dumiskarte. Y'know, lusot lusot din pag may time. Tinanggal ko ang hood ko kasi ang init. May pag lundag yung lakad ko kasi di ako nasita—
"Miss." Punyeta.
Napabuntong hininga ako. Akala ko lusot na eh! Akala ko hindi sya ang bantay?! Lumingon ako sa likuran at nakita ang pinaka ayaw kong bantay sa lugar namin. Suot suot ang camouflage nyang uniporme, may nakasukbit na M20L medium machine gun at tatlong granada sa bewang nya. Ang riin ng tingin nya sakin jusko. Feeling ko anytime pasasabugin nya buong katawan ko.
"He.. he.." Ginaya ko yung gesture nila ng pag salute. Pota di ako lulusot dito.
"Facemask." Hindi ko alam kung paano pa ko nakalunok ng laway eh ramdam kong nanunuyo lalamunan ko.
"Sir Zapante, p-pwedeng hands off muna M20L mo? Parang anytime kukunin mo kaluluwa ko eh. C-chill lang tayo hehe." Ewan ko ba pero ganito nalang lagi senaryo naming dalwa. Siguro most wanted na ko ng mga 'to. Lagi kasi akong napipituhan ni Kapitan kesyo bakit daw ako walang face mask eh nagdi-dilig lang naman ako ng halaman namin.
Yung isa naman, late na kami nag hapunan kaya late ko narin naibigay yung tira naming pagkain sa labas. Pinapakain namin yung mga ligaw na pusa eh malay ko bang nagpa-patrol sila Kapitan nung gabing yon, ayun sermon nanaman.
Sa lahat ng paninita sakin, andun lagi si officer Zapante.
Tinignan lang ako ni Officer at hindi sinunod ang paki-usap ko, hmp.
"Alam mo ang modelo ng baril na hawak ko, siguro alam mo na rin kung saan ka mapupunta ngayong wala kang face mask. Sinong bantay sa outpost? Paanong nakalusot ka?" Salita lang yun pero pakiramdam ko ipinasok ako sa loob ng ref namin sa sobrang lamig nya? Ganun ba talaga pag sundalo? Sana hindi ako magkaroon ng ganitong klaseng katrabaho in the future.
"Sir, sandale! Napigtal yung facemask ko pag-sakay ko ng jeep papunta dito, okay? Ubos na yung face mask ko!" Kinuha ko sa bulsa ko yung sirang face mask at pinakita sa kanya. Sumabit kasi ako pag-akyat ng jeep. Ayan, hindi ko alam yun pala masisira.
Pinagmasdan ni Officer Zapante yung sirang face mask. Alam kong Zapante apelyido nya kasi yun yung nasa kaliwang dibdib nya. Nasa ilalim ng mga cute na colorful rectangle yung surname nya.
Kita kong dumukot sa kanang bahagi ng dibdib si Zapante, may bulsa doon at inilabas ang isang supot ng face mask. Kumuha sya ng isa at iniabot sakin. Napakurap naman ako sa ginawa nya.
Seryoso?
Matalim ang tingin ni Zapanta pero hindi sya nakatingin saakin. Tuwid syang nakatingin sa malayo habang naka stretch parin ang kamayt nito.
"Kunin mo. Hindi porket naka baba na ang quarantine magpapabaya ka na. Be mindful next time."
Agad kong kinuha ang face mask at nag bow.
Infairness, mabait ha!
"Woah. Salamat, Zapante! Alam mo, bawasan mo yang kabatuhan mo ha? Tamo ibang sundalo friendly tas ikaw hindi. Gaya ka sa colorful rectangles dyan sa dibdib mo. Kung anong kina-boring ng pakikitungo mo sa iba, taliwas dyan sa mga makukulay na patch na nasa dibdib mo. Adios!" Kita ko kung paano nabasag ang tingin nito at napapunta sakin ang atensyon nya. Halata sa mukha yang napa-tanga sya sa sinabi ko.
Sinong matino ang tatawag sa sundalo ng apelyido lang tapos sibilyan lang ako?
Malamang ako.
Umalis na ako at naglakad papuntang bahay. Isinuot ko ang face mask na binigay nya habang kinikilig. No deep feelings pre, ang cute lang talaga nung ginawa nya. Hindi rin nya ko pina barangay! Oha.
May onting bait din pala 'to.
➳
BINABASA MO ANG
Chest Candy
RomanceEverything went back to normal. I lost my count on how many months we stayed behind our gates para lang maprotektahan ang mga sarili natin sa COVID at sawakas makakalabas na din ng lungga! Nakakabaliw yung asa bahay ka lang tapos bawal pang lumabas...