Sometimes, there are just things that we need to forget. Including our embarrassing moments. -j. L.Happy reading!
Its been a week since nameet ko si Miguel, and I still can't get over it! Bwisit naman kasi tong mens ko e, napapahiya ako. Nagmukha tuloy akong assumera.
Layla, what are you even thinking?
For the past week, nakadalawang photoshoot na ako and it was so overwhelming for me. It's tiring, yet it's also exciting. Imagine, I even worked with great photographers and models.
It was something na laging pinapaalala sa'kin ni Ms. Mira. I should extend my connections, be friends with people with high social status. She said, it could help me in my future career, whatever career I take.
Humikab ako habang naghahanap ng makakain. Even though kumpleto naman yung mga pagkain dito, may isa lang na problema. I can't cook. Ewan ko ba, siguro cooking is not for me talaga.
Nang wala akong mahanap na ready to eat, I left the unit at pinindot ang elevator. Even though it's already 1:00 in the morning at may alis pa kami ni Ms. Mira mamaya para puntahan school ko. Even now di ko pa rin alam kung saan ako mag-aaral, e.
Nang makita ko ang nasa loob ng elevator, bigla na namang uminit ang pisngi ko. He's standing in front of me wearing a black hoodie and basketball shorts. His hair is perfect as ever and, bakit yung bango niya abot hanggang sa'kin kahit ang layo ko na?
Omg, please lang mag-iba ka ng pabango. Ang bango bango mo, e!
Hindi kaya ng heart ko!
He raises his eyebrow ng nakatayo lang ako sa harap niya at di pumapasok. I fake cough at pumasok na rin, making sure na nasa pinakadulong side ako ng elevator at malayo sa kanya.
Yet, it feels like sakop niya pa din ang malaking space, dahil matangkad na nga siya, medyo malaki pa katawan niya. Siguro, nag-g-gym to.
Wews.
I heard him chuckle nang makita niya akong sumusulyap sulyap sa kanya. I rolled my eyes at crinoss ang arms ko. Ba't ba ako nahihiya sa kanya? As if namang may ginawa akong mali sa kanya.
Well, meron nga.
Bigla tuloy akong sumimangot. Nang naglakad na ako palabas, nakasimangot pa din ako at bumulong sa sarili.
"Hindi naman siya ganoon kagwapo. Hmp. "
Again, I heard a chuckle behind me. Nang napalingon ako kung sino, nakita ko na naman siya na hawak hawak ang cellphone at nakangisi.
Hindi naman niya siguro narinig yung binulong ko 'di ba?
Nang malapit na ako sa exit, nakita kong umaambon. Wala naman akong dalang payong. Inilabas ko ng kaunti ang kamay ko sa ulan para tantiyahin whether malakas ba ambon o hindi. Buti na lang hindi ganoon kalakas kaya napagdesisiyonan ko na lang tumakbo palabas.
Pagkapunta ko sa convenience store, mukha na akong basang sisiw. Pano ba naman, bigla na lang lumakas ang ulan habang tumatakbo ako. Pinagtinginan tuloy ako ng workers don. Nginitian ko na lang kahit mukha 'yong natatae ako.
Nilalamig na nga ako dahil sa ulan, mas lalo pa akong nilamig sa aircon dito. Hinimas himas ko na lang yung arms ko habang namimili ako ng pagkain.
BINABASA MO ANG
The Back Stage | Manila Series #1 |
RomansaMiguel Castro, a legal management student in De La Salle University, is just trying to survive his time in college when he met Layla, a freshman in Ateneo. Their story is a complicated one, where in when one falls, the other soon follows. But as t...