Chapter 1

611 28 9
                                    

January 2014

"NAG-ASAWA ka na ba?" prangkang tanong ni Lolo King kay Flint ora mismo na nagtama ang kanilang mga mata.

Napangiwi siya. "Sa tagal na hindi ako umuuwi, iyan ang itatanong mo sa akin. Come on, Don King. I missed you so much. Ako ba, hindi mo na-miss?" Pahinamad siyang naupo sa kabilang panig ng antigong executive table nito.

Joaquin Esquivel looked at him directly. May ilang sandali na nakaramdam siya ng pagkailang. It was the kind of look the old man used to give him when he was a child. Noong mga panahon ubod ng tigas ng kanyang ulo, at ubod din ng tigas si Lolo King sa pagdidisiplina sa kanila ng kuya niyang si Jet. And that more than two decades ago.

"Don't Don King me," seryosong sabi nito. "Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo."

Itinago niya ang paglunok. Ayaw niyang mapansin ng lolo na nasusukluban siya ng matandang takot dito. He used to be very afraid of him. Parang hari ang dating sa kanya nito noong bata pa ito. Walang utos ito na hindi nila dapat sundin. How fitting that he was being called as King.

"Happy New Year, Lolo. I know, lampas na ng Three Kings, pero sa ating mga Pinoy, Bagong Taon pa rin basta January pa rin. Actually mahaba nga ang Pasko hindi ba? Hanggang Paskong pagkabuhay kapag Mahal na Araw?"

Inignora nito ang pamimilosopo niya. "Where were you for the last few months, Flint?" sa halip ay tanong nito. "Ni hindi ka nakaalalang umuwi noong Bagong Taon."

"Here and there," kaswal na sagot niya. "Alam ninyo naman kung nasaan ako. I always call you, Lolo King." Nilangkapan niya ng lambing ang tono.

"Iba iyong tawag sa nakikita kita. I don't see you that much, Flint. Napakalayo ba ng Maynila para hindi mo maalalang umuwi dito sa San Felipe?"

He smiled sweetly. Ramdam niya ang tampo nito sa kanya. "Marami lang gig, Lolo King."

"Few hours going here and few hours going back. Hindi uubos ng isang buong araw ang biyahe. Ano ba naman yung sumilip ka dito ng kahit ilang oras at umalis ka uli?" sumbat pa nito. "You can come here in the evening for dinner, we'll have a little talk, have a sleep and leave early in the morning. Mahirap bang gawin iyon?"

Nauwi sa ngisi ang ngiti niya. "Nami-miss mo pala ako ng sobra, Lolo. Sorry, ngayon ko lang na-realize."

Seryosong titig ang ipinukol nito sa kanya. "Saan ka nag-Bagong Taon?"

"Sa gig," kaswal na sagot niya. Nasabi na niya dito ang tungkol doon bago pa nagpalit ng taon. At sinabi niya uli noong batiin niya ito noong mismong New Year's Eve. Hindi siya nag-atubiling ulitin uli iyon ngayon. Nasabi na sa kanya ng Kuya Jet niya na nagiging makulit na ang kanilang lolo.

"Inuna mo pa iyang gig na iyan kesa sa pamilya. Iilan na lang tayo, hindi pa tayo magkasama-samang mag-celebrate ng Bagong Taon. Buhay na buhay pa ako, itinatapon mo na ang pangaral ko."

"Of course not, Lolo," mabilis na kontra niya. "I am still the Flint you raised. Hindi ko lang talaga puwedeng talikuran iyong gig na iyon. June pa lang nagpirmahan na kami ng kontrata. At ikaw mismo ang nagturo sa akin na huwag akong tatalikod sa kompromiso. Sabi mo nga, kahit walang pirmahan, salita pa lang ng isang Esquivel puwede nang panghawakan. De, mas lalo pa iyon? Nakapirma ako ng kontrata."

Isang dismayadong ungol ang lumabas sa bibig nito. "Kumikita ka ba sa gig mo na iyan?"

Here we go again, he almost said aloud. Para kay Don Joaquin ay hindi career ang pagiging musikero niya. Hanggang ngayon umaasa pa rin itong gagaya siya kay Jet na itutuon ang oras sa negosyo. "I never run out of gigs, Don King," he said playfully. "Siyempre, kanino pa ba ako magmamana ng galing kundi sa iyo rin. Pati karisma ko, minana ko sa iyo."

"Pinagbigyan kita sa hilig mong iyan dahil wala ka namang ibang gustong gawin noong bata ka pa kundi ang tumugtog. Akala ko magsasawa ka rin. Mukhang nagkamali ako."

"Ikaw ang nagpalaki sa akin. Nakalimutan mo na yatang ibang klase ang loyalty ko. Sa mga bagay-bagay man o kahit sa tao."

"Tao? Babae? Kelan ka pa naging loyal sa babae?"

"Noong grade five ako," mabilis na sagot nita at saka natawa. "Don King, since grade five until mag-graduate ako ng high school, isa lang ang girlfriend ko. At alam na alam mo iyan."

Sa kauna-unahang pagkakataon sa paghaharap nilang iyon ay sumilay ang ngiti sa mga labi nito. "Oh, that girl. I like her. Nasaan na kaya siya ngayon?" At saka napalis din agad ang ngiti nito. "Kung loyal ka talaga, hindi kayo magkakahiwalay."

"Lumipat sila, di ba? Hindi nag-work out ang LDR."

"LDR?"

"Long-distance relationship, Dong King," amused na sabi niya.

"Ganoon lang, sumuko kayo agad," nailing na sabi nito. "Tingnan mo ako. Ako ang totoong loyal. Ilang taon lang ang papa ninyo nang mabiyudo ako? I never got married. I focused on raising..." his voice trailed off. Kasabay niyon ay nabalutan ng lungkot ang mukha nito. "Being a widower wasn't easy. Margarita was my one and only love. Hindi madaling tanggapin ang maaga niyang pagkawala. Aminado akong napabayaan ko ang papa ninyo dahil sa sobra kong pagdadalamhati. Kaya nga sa inyo ako bumawi ng pagiging ama at lolo na rin."

"You raised us well. Siguro naman, kahit sino ang makakita sa amin ni Kuya, hindi nila masasabing pinabayaan kami. You took very good care of us. You sent us to the best schools. You even spoilt us. Pati ang iba pa naming kakambal. Huli man silang dumating sa buhay natin binibigay mo rin sa kanila ang dapat na para sa kanila. Lolo, we are all successful in our own right. At utang naming lahat iyan sa iyo."

"Responsibilidad at obligasyon ko kayong lahat. At para saan ang lahat ng kayamanang ito kung hindi para sa inyo rin naman?"

Nag-inat siya. "We all know that. Tig-iilang daang milyon ba kami? Iyong isla, kanino mapupunta?" pabirong sabi niya at saka pumormal din. "Seriously speaking, Lolo, you see us working our ass off. Hard. Pinalaki mo kaming ganito. Na pagsikapan ang gusto naming marating. Kuya is the best in his field. Nasa dugo talaga ang pagiging negosyante, gaya mo. Siya ang talagang nakapagmana ng galing mo. As for me---"

"As for you, I wish you work with Jet. Mas magandang magkatulungan kayo sa pamamalakad ng negosyo ng pamilya. Gawin mo na lang pampalipas-oras iyang pagtugtog mo."

"Para anong hinayaan mo akong malubog dito kung papaahunin mo rin? That's unfair, Lolo. Music is my life. Ito ang passion ko."

"Hindi ginagawang career ang passion. Pampalipas lang iyan ng oras. Finish all your contracts. Umuwi ka dito at tulungan mo si Jet. O mas mabuti pa, mag-asawa ka na at nang hindi puro iyang paggigitara at pagkanta ang nalalaman mong gawin."

Pumasok iyon sa isang tenga at pinalabas din niya agad sa kabila. "Ang dami mong utos, Don King. Alin ba ang uunahin ko sa mga iyan? Pero mas madami akong natanguang gig. Iyon muna ang ilalagay ko sa number one."

"Find a nice woman and get married."

Ipinagkibit-balikat na lang niya iyon. Sa kanilang dalawa ni Jet, mas nabibiro niya ang lolo nila. Mas kaya niyang makipag-usap dito nang hindi ganoon kaseryoso kahit na nga ba alam niyang seryoso na ang matanda sa kanya.

"Punta muna ako kay Kuya. Oh, by the way, bakit ako ang inaapura mong mag-asawa? Mas matanda siya sa akin."

"Ng ilang minuto! Por Dios!" napipikong sabi nito at ikinumpas ang kamay pataboy sa kanya.

Tumalikod siya na nakangisi at sumipol-sipol pa.

--- itutuloy ---

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The King's Rock Series 1 - FLINTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon