CHAPTER FORTY-EIGHT

5.5K 180 47
                                    


Hanna Mae Rivales

Nag second look pa ako sa mirror para makita kung tama na iyong make up ko. Napangisi ako ng nag mature ang mukha ko sa ginawa ng make up artist na dinala ni cupcake ko. Ngumisi ako. Inlove na naman saakin iyong loko na iyon.

"Kung nag artista ka ma'am baka mapantayan mo na sina Sir Arvid nako!" sabi ng bakla.

"Hindi na kailangan. Okay na ako sa buhay ko. Masyado magulo ang mundo ng showbiz sis!"

Nag side view pa ako para makita ang na-emphasized na panga ko. Ngumiti muna ako bago tumayo at sinuot ang gown. This is my first time to attend a Magic Ball! Medyo kinakabahan pero mabuti pa nga si Ma'am Desiree ilang beses na kaya hindi na kabado sa mga click ng mga camera.

Parang dati.. umiling ako. Kailangan na kalimutan ang mga nangyari nung nakaraan.

Napalingon kami sa nag bukas ng pintuan. Pumasok doon ang pinakagwapong nilalang sa buhay ko. Ngumiti sya ng makita ako. Kilig pa rin ako hah.

"Can I have a little moment with my Queen?"

Namula naman yong bakla saka pumalakpak "Nako Sir Arvid! Sure! Sayong sayo muna po ang magandang dilag na ito" ngumisi muna yong bakla saka nag lakad na palabas.

Tumawa ako ng lumapit sya saakin at tinitigan ako ng mabuti. "Ganda ko no?"

He chuckled "Matagal na."

"Eh bakit pakipot ka pa nung college tayo hah? Pinag mukha pa akong baliw na baliw sayo!"

"Baliw na baliw ka naman talaga saakin ah?"

Ito kamo! Masyado ako nilalaglag!

Humawak sya sa bewang ko. Siningkitan ko naman sya ng mata "Your hands mister!"

Tumaas ang kilay nya "Is it bad? We're couple, its normal babe."

"Masisira gown ko eh!" ngumuso ako. Umiling iling lang sya. Ngumisi ako saka pinag masdan ang kabuoan nya. Ang gwapo nya talaga. Ang bango pa nya. Parang hindi na kailangan maligo!

"Anyway susunduin pa ba natin si Ma'am Desiree?"

"No. May date na sya."

Kinagat ko ang labi ko "Another man?"

Tahimik ito tumango, nanahimik na rin ako. Kahit gusto namin pigilan si Ma'am Desiree sa ginagawa nya ay hindi namin kaya. Sa 5 taon na kasama namin sya, naiintindihan namin sya bakit sya naging ganon. Bakit bigla na lang sya nag iba. She suffered too much.. at walang nakakaalam iyon.

"Nakausap mo na ba si Sir Evan?"

Umiling sya "Not yet. Sa limang taon na pag tatangka kong kausapin si Evan hindi matuloy tuloy. Parang ang hirap nya kausapin ngayon. Palaging may bantay. Bodyguards to be specific."

Tumango tango ako. Totoo ang sinabi nya. Parang bula na bigla nawala at nag bago ang lahat. From Ma'am Desiree na sobrang hinhin at bait ay ngayon parang inborn na naging party girl and playgirl. Si Sir Evan naman parang mas naging seryoso pag katapos makasal kay Ma'am Tania. Ang alam ko ay namatay ang Ama nito pero ilang buwan pa lang ay nag pakasal na kay Ma'am Tania then ayon mga nangyari. Wala na kami ibang marinig about sakanya kundi business hanggang sa sya na ngayon ang pinaka maunlad at sikat na business man sa buong mundo.

Hindi ko mapigilan malungkot. Bakit ang unfair ng mundo? May mga tao ba talagang pinag tatagpo pero hindi talaga tinadhana?

"Hey babe.. bakit ang lalim ng iniisip mo." hinapit nya ako sa bewang.

Arrange Marriage (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon