CHAPTER FORTY-SEVEN

6K 173 16
                                    

Desiree Larrson

"Learn to love yourself first before others. Kasi in the end sarili mo lang din ang makakatulong sayo.."

Napangiti ako ng mabasa ko ito sa isang tweet na tinag saakin. Ito yong isa sa mga answer ko sa tanong saakin last week sa TV Shows. Binaba ko ang tingin sa phone ko ng dumating na si Arvid.

"Late ka na." sabi ko ng tumabi sya sa gilid ko.

"Hana. Hindi ako pinapaalis." dahilan nya.

Hinawakan ko na lang ng maigi yong suot kong summer hat nang umandar na yong boat na sinakyan namin papunta sa next shooting namin. Mabuti na lang ay cloudy day ngayon hindi masyadong mainit kaya malaya akong nag lakad lakad sa dalampasigan ng walang sumbrelo.

"Ma'am Ree tawag na po kayo ni Direk. Mag start." sabi ng isang stuff. Mabilis naman ako tumango at sumunod na.

Hapon na natapos ang shooting. Matataas na ang alon kaya yong iba ay napapatili ng may humahampas na alon saamin. Si Arvid at ako ay tahimik lang. Tahimik ako kasi iniisip ko pa kung sino yong pwede ko yayain na ma-date para sa Magic Ball next week.

Nang makarating kami sa pampang ay agad ko nakita si Hana na kumakaway saamin. Pero agad naman napako ang tingin ko sa naka itim na lalake sa likod nito. Kumunot ang nuo ko. Lumapit din si Arvid saakin at nakita yong lalakeng nakaitim.

"Your long time stalker oh." sabi nya tukoy sa naka-itim.

"Creepy." sabi ko na lang ng tumakbo ito palayo saamin.

Mahirap pumasok sa showbiz industry. Maraming pwedeng mangyari sayo. Oo sisikat ka pero pwede din malapit yong sarili mo sa kapahamakan. Tignan mo yong kanina. Stalker ko yon. Since nung unang pasok ko pa lang sa showbiz ay nakikita ko na yon umaaligid saakin. Nag try na ako ireport ito sa police pero wala naman akong makuhang matinong picture. Kung hindi man nakatalikod, nakasumbrelo. Pero sabi nga nila masasanay din ako. And now sanay na ako.

Nag yaya sina Direk na mag restaurant muna kami. Kasama naman namin si Hana na nag punta doon. Mabuti na lang talaga at legal sina Hana at Arvid sa mata ng mga tao. Tanggap din naman si Hana ng mga fans ni Arvid kaya walang gulo.

"Wala ka bang kinukuhang case ngayon Arvid?" tanong ko kalagitnaan ng pag kain namin. He's now a licensed lawyer.

"May hawak na akong case. Actually pupuntahan ko iyon after nito. Sama ka Hana?"

Ngumiti naman ng malapad si Hana "Yes cupcake!" pinisil naman sya ni Arvid sa pisngi nito.

Sweet couple.

Tumingin naman ako sa phone ko na biglang umilaw. Nakita ko ang message ni Drea.

Manager Drea:

Bitch! Pumunta ka asap dito sa office ko after mo dyan. May pag uusapan tayo.

Hindi na ako nag reply pa at binalik na lang yong phone sa bag ko. Since may malaking flatscreen sa harap namin, saktong napunta sa news ito. Wala naman ako sa mood manood ng news kaya pinag tuunan ko na lang ng pansin yong pag kain ko. At kailangan ko na umalis.

"Ano po pakiramdam nyo ngayon Mr. Evan Smith na isa na kayo sa pinakamayaman na business man sa buong mundo?" rinig kong tanong ng news caster.

Bigla ako napahinto. Sakto namang tapos na ako kumain kaya tumayo na ako.

"Saan ka pupunta? Tapos ka na agad Ma'am Desiree?" tanong ni Hana.

Arrange Marriage (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon