Mei's POV*kringgg *kringgg
Nagising ako sa alarm ko, it's 5:30 in the morning at kailangan ko nang bumangon dahil 7:00 am ang pasok namin, nagstretch stretch muna ako tsaka pumasok ng banyo, naligo na ako at ginawa ko na lahat ng dapat kong gawin, inayos ko na din ang mga gamit ko at dumiretso na pababa, naamoy ko naman ang fav kong longganisa, hmmmm
"Goodmorning ma" bati ko saknya, tama nga ako longganisa ang niluluto ni mama, paniguradong madami nanaman ako makakain neto hihi
"Goodmorning tita, goodmorning mei" bati samin ni lara na dirediretsong pumasok ng bahay
"Goodmorning din lara, kumain ka na ba?" Tanong ni mama sakanya habang sinasalin ang longganisa sa mangkok
"Tapos na po ako kumain tita, thank you po" sabi ni lara sabay upo sa tabi ko
"Buti naman at nahiya ka" pangaasar ko sakanya
"Ulok, pumunta lang ako dito para tignan kung gising ka na, tulog mantika ka kaya, porket lagi mo napapanaginipan siprimce charming" panunukso sakin ni lara, hindi ko nalang siya pinansin at kumain na ako, nang matapos ako kumain ay nagtoothbrush lang ako saglit at nagpaalam na kami kay mama, nagpahatid nalang kami sa driver nila lara dahil baka malate nanaman kami kakahanap ng parking lot.
Pagdating namin ng school ay dumiretso na kami sa classroom
"Goodmorning mei, goodmorning lara" bati samin nila arriety(babae) at chihiro, hiro(lalaking may pusong babae) for short
"Goodmorning" bati namin saknila pabalik, nagumpisa na ang klase at nakinig na kami nila lara
Discuss
Discuss
Discuss
Recess
"Gompak na tayes sa canteen mga sis, at baka mahaba nanaman ang pila erns" aya samin ni hiro
Translation: "punta na tayo sa canteen mga sis, at baka mahaba nanaman ang pila"
Bumaba naman na kami at naghanap ng mauupuan, nang makahanap na kami ay nagorder na si lara at hiro ng makakain namin, hindi pa masyadong mahaba ang pila dahil kakabell palang kaya mabilis lang din sila nakabili,
"Oy mei, ano nanaman yung nabalitaan ko ah, si papa helix pa talaga, omygosh my papa helix" nagiinarte na sabi ni hiro, tumingin ako kay lara at napapeace sign naman siya, syempre siya lang naman ang alam kong magkwekwento kay hiro nun.
"Anong tungkol kay helix?" Nagtatakang tanong ni arriety
"Eh binuhat ba naman daw siya ni papa helix, bridal style pa!" Sabi ni hiro na parang naluluha
"Ha paanong nangyari yun?" Arriety
"Ehhh, kasalanan to ni lara eh" sabay turo ko kay lara "kung hindi ba naman ako hinila hila edi sana hindi ako matatapilok, excited masyadong makita si helix kaya ayan" natawa naman silang tatlo, sinamaan ko sila ng tingin kaya napatahimik sila
"choosy ka pa gurl? Si papa helix na yon noh, if i know nagenjoy ka din bakla ka, ambisyosa" sabi ni lara, syempre nakakahiya padin dun sa tao, isang helix john dela fier yun noh!
"Ulok nakakahiya kaya, ikaw kaya madapa sa harap ng madaming tao" sabi ko
"Ay bakla kung matatalisod ako at si papa helix ang magbubuhat sakin, mas gugustuhin ko pang matalisod palagi sa harap niya" sabi ni hiro
BINABASA MO ANG
Remember me? (On-going)
Teen FictionThis story is about a girl na laging binubully dahil mataba, panget, at kung ano ano pa, lagi siyang inaapi, but then there's this one boy na nagtanggol saknya sa mga batang nambubully saknya, simula ng araw na yon ay hindi na makalimutan ni girl si...