Mei's POV
Ngayon ang araw kung kelan kami babyahe papuntang La union, nakapagimpake na din ako ng gamit ko kagabi, medyo ok naman na din ako sa nangyari nung isang araw, sunday ngayon and it's already 11:30 in the evening, saktong midnight ay aalis na kami para sa byahe, nagusap usap kami sa ginawa nilang group chat na susunduin nalang kami at sasakyan nalang ni Zian ang gagamitin
*beep beep
Sumilip ako sa labas ng bintana ko at nakita ko na ang sasakyan ni Zian sa harap ng bahay, bumaba naman na ako dala dala ang mga gamit na dala ko, nasa harap na din si Lara at hinihintay ako, kasamanko si mama lumabas ng bahay, pupunta naman dito si Tita Mera, kapatid ni mama para may kasama siya ngayon week
"Magiingat kayo dun ha, itext mo ko kapag nakarating na kayo" sabi ni mama, kiniss ko siya sa cheeks niya "opo ma, kayo din po dito magiingat kayo, iloveyou" niyakap ko si mama at kumaway ako at lumapit na sa sasakyan, naunang sumakay si Lara sakin, tinignan ko naman ang loob at wala nang bakante, hindi meron pa pala, pero katabi ni helix! Napaisip ako saglit, choosy ka pa ba gurl ano gusto mo maiwan o sasakay ka na? Ngena kasi bakit sa tabi niya pa yung bakante, hayss wala na akong nagawa at sumakay nalang ako at tumabi saknya.
"Excited na ba kayo?" Masayang sabi ni Zian, at umoo naman ang lahat, tinignan ko naman si Helix na may nakasaksak na earphones sa tenga niya, tumingin din siya sakin at ngumiti, ngumiti nalang ako pabalik, tinuon ko nalang ang mata ko sa harapan at nagsalpak ng earphones sa tenga ko, pumikit din ako at sumandal sa head ng upuan, ilang minuto pa ay hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.
Lara's POV
Andito na kami sa La union at malapit na kami sa resthouse nila Helix, ginising ko na din sila hiro at arriety, yung dalawang boys naman ay nagkwekwentuhan, nasa harap kasi silang dalawa, chineck ko naman si Mei
dO_Ob
Nakasandal si Mei sa balikat ni Helix, samantalang si Helix ay nakasandal sa ulo ni Mei, kinuwit ko si hiro at itinuro yung dalawa sa likod, halata namang kinilig si hiro kaya napatingin na din sila arriety saknila.
"Shhh" sabi ko at kinuha ko yung phone ko sa bulsa at binuksan ang camera, mwehehehehehe lagot ka sakin ngayon
*click!
Pinicturan ko silang dalawa, at sa katangahan ko hindi ko alam na nakabukas pala ang flash ng camera, bigla naman silang gumalaw dalawa kaya bumalik kami sa pwesto namin na parang walang nangyari, kung naiisip niyo na nagseselos ako saknila ay hindi, nung una oo dahil alam niyo namang ultimate crush ko si Helix noh! Puro mukha niya ba naman ang nakapaskil sa kwarto ko. Hindi nga ako makapaniwala at naging ganito kaming lahat, unti unting napapalapit ang mga mundo namin
Actually shiniship ko nga yung tambalan nila eh, hahahahaha, Team MELIX ako noh bwahhahaha, baka soon ay magpapatayo na ako ng fansclub nilang dalawa😂
Nakarating na kami sa resthouse nila Helix and wow 😮 ganyan sis, mas malaki pa nga diyan yung bibig ko eh hahah char, sobrang laki neto at masasabi kong malaki to para samin, resthouse ba talaga to? Daig pa ang mansion sa laki eh, tabi din ito ng beach kaya sakto para sa binili kong swimsuitss hihi I'm so excited!
Mei's POV
What the heck sino ba gumagamit ng flashlight? Napamulat ako onti dahil may liwanag na tumama sa mata ko, tinignan ko kung saan galing pero wala namang may hawak ng flashlight sakanila, lumingon ako at 0_o
Agad agad naman ako napabalikwas at nagising naman si Helix dahil sa bigla bigla kong pag galaw, nakasandal ako saknya habang natutulog >_<
Nakita kaya nila? Mygoshhh, feeling ko tuloy parang sasabog na mukha ko
"You're blushing" natatawang sabi ni Helix, agad naman akong nagtakip ng mukha sa kahihiyan, ghaddddd
"Huh? Hi-hindi ah" tinakpan ko ang mukha ko dahil ayokong makita niya kung gaano na ko kapula ngayon.
Nakayuko lang ako at ilang minuto pa ay napansin kong huminto ang sasakyan, nagangat ako ng tingin and wow
😱 (oo ganyan sis)
Ang ganda dito, anlaki ng resthouse nila Helix, tabi din ito ng dagat kaya kitang kita ang sunset dito, maaga pa naman at 7:00 palang pala ng umaga
"You like what you're seeing?" Tanong ni Helix sakin, na nakatayo sa tabi ko, bumaba na din kasi kami, tumango lang ako saknya at kinuha ang gamit ko
"Akin na yang gamit mo" akma namang kukunin ni Helix ang gamit ko pero kinuha ko ito at inilagay sa tabi ko
"Ahh hindi na kaya ko naman eh"
"Sure ako mabigat yan kaya akin na" wala naman na akong nagawa kaya hinayaan ko nalang siyang buhatin ang dala kong gamit, nilibot ko naman ang paningin ko nasa gitna ng malawak na lupain ang resthouse nila Helix meron ding nagtataasang puno ng niyog at merong isang puno malapit sa dagat, isa siyang tree house! Namangha naman ako dahil bata palang ako ay pinangarap ko nang makakita ng treehouse.
"Mei! Tara na" sigaw ni Lara sakin.
"Oo andiyan na" naglakad na ako papunta sa resthouse dahil nauna na ang iba sa loob, nang makarating ako sa loob ay nakita ko silang may kausap na isang matandang babae, napalingon naman siya sakin at ngumiti, nagsilingunan sila sakin lahat
"Ahh Manang Ester, si Mei nga po pala" lumapit ako saknila at nagmano kay Manang Ester, ngumiti din ako saknya
"Napakagandang bata naman nito, jowa mo?" Tanong niya kay Helix na ikinalaki ng mata ko at ni Helix
"A-ahh ehh manang hindi po hehe" nahihiya kong sabi
"Soon manang magiging sila din hahaha" singit ni Zian, siniko naman siya ni Helix kaya napaaray siya
"Hindi ko po siya girlfriend manang" sabi ni Helix
"Sabi mo eh" sabi ni Manang Ester at tinignan kami ng mapangasar na tingin, nagsitawanan naman sila Lara dahil kay manang
Hinatid naman kami ni manang sa mga kwarto namin, bale tigiisa dapat kami ng kwarto pero napagpasyahan naming mga babae na sa iisang kwarto nalang matulog, ganun na din ang ginawa ng boys, at sumama sakanila si Hiro, syempre si bakla tuwang tuwa nanaman dahil mapapagpantasyahan niya ang mga lalake doon hahahah
Inayos na namin ang mga gamit namin, malaki na din itong kwarto para saming tatlo, at pinalipat ang ibang kama para may pagtulugan kami
*knock knock
May kumatok kaya dali dali kong binuksan ang pinto at tumambad sa harap namin si Helix
"Tara na baba na kayo at kakain na muna tayo" nakangiting aya ni Helix samin, nagsibabaan naman na kami at tumungo sa dinning area
To be continued
Hi guys, hope you enjoyed the story, let me know in the comment section your thoughts and reactions about the story, and please click that vote button if you liked my story, thank you in advance mga sis❤️ godbless🤗
BINABASA MO ANG
Remember me? (On-going)
Fiksi RemajaThis story is about a girl na laging binubully dahil mataba, panget, at kung ano ano pa, lagi siyang inaapi, but then there's this one boy na nagtanggol saknya sa mga batang nambubully saknya, simula ng araw na yon ay hindi na makalimutan ni girl si...