Mei's POV
Sumunod naman kami kay Helix papuntang dinning area, at nagulat kami dahil sa dami ng pagkaing hinanda nila
"Andami naman atang pagkain niyan?" Tanong ni arriety, syempre pito lang kami at ilanh putahe ang nakahain, feeling ko tuloy fiesta ahahaha
"Ganyan talaga dito, hindi naman masasayang yan eh, pwede pa naman natin kainin mamaya yung mga matitira" paliwanag ni Helix, umupoa na din kami at nagsimulang kumain, nagbabalak na silang pumuntang dagat mamaya pagkatapos kumain, pero syempre kailangan muna namin magpahinga bago pumunta doon.
Nang matapos kami kumain ay tinulungan namin si Manang Ester na magligpit, pagkatapos namin magligpit ay pumanhik na din kami sa kwarto namin.
*burpppp
"Ooppss hehe" alam niyo na kung sino yan, parang hindi babae eh kung makadighay akala mo lalake
"Omygoshh masusuot ko na din yung mga swimsuit ko hihi, I'm so exciteddd!" Sabi ni lara habang pumipili ng maisusuot niya mamaya sa beach, wala akong balak maligo kaya nag tshirt nalang ako na puti at nike pro na shorts
Halos kalahating oras din ng napagpasyahan namin bumaba, nakita naman namin ang mga lalake na nasa treehouse na nakita ko kanina, pumunta naman kami doon at nang makaakyat kami ay namangha naman kami sa aming nakita, meron ditong cabinet na gawa sa kahoy at puro food supplies at kung ano ano pa, meron din fairy lights na pwede mong sindihan kapag gabi, meron din mini tv na naka patong sa ibabaw ng cabinet, may mini ref din dito na puno ng alchoholic drinks pero meron din namang mga softdrinks
Meron din sofa bed dito kung saan sila kasalukuyang nakaupo, nanonood sila ng ice age 2.
Hindi na kami sumama muna sakanila dahil gusto nila Lara na magpictorial daw sa tabing dagat, sumama din samin si Hiro, hinayaan ko lang silang magpicture at umupo sa tabi ng malaking puno dito sa tabing dagat
"Bakit hindi ka sumama saknila?" Tinig ng isang pamilyar na boses, naramdaman ko siyang tumabi sakin kaya napausod ako ng konti
"Ayoko, wala naman akong hilig sa mga ganyan"
"Ahh ganun ba?"
"Eh ikaw? Bakit umalis ka doon?" Pagtatanong ko
"Ahh yun? Napanood ko na yun eh, haha"
Tumango lang ako at tumingin sa dagat, nang bigla nanamang magsalita si Helix
"Nagustuhan mo ba dito?" Tanong niya
"Mmmm"
"Dito kami laging pumupunta nila Zian at Lay kapag gusto namin magout of town, gusto ko kasi laging sariwa ang hangin" nakinig lang ako saknya
"Si Manang Ester ang nagalaga sakin simula pagkabata ko, nagkahiwalay lang kami ng pumunta kami ng ibang bansa, doon kami nanirahan kaya dito pinalipat si Manang Ester para maging care taker ng resthouse namin, ilang taon kami doon at last year lang kami umuwi dahil namatay si lolo, papa ni mama" para namang may bumabara sa lalamunan niya at hirap siyang magsalita
"Pero hindi namin inaasahan na susunod din pala agad sakanya si mama, mahirap para samin ni Ate Lexa ang mga nangyari, simula ng nangyari yon ay hindi na namin nakakasama si papa, lagi niyang ginagawang busy ang sarili niya sa work, hindi na din siya umuuwi sa bahay at sa office siya natutulog" para namang may kung anong kumirot sa puso ko
"Si manang lang ang lagi kong tinatakbuhan pag may problema ako, kaya gustong gusto ko itong lugar na to dahil nandito si manang" tinignan ko siya at pinagmasdan, may mga luhang pumapatak sa mata niya, meron palang ganitong side si Helix, kinapa ko ang bulsa ng shorts ko, inabot ko kay Helix ang panyo na galing sa bulsa ko
Napatigil naman sya saglit pero inabot niya din naman
"Sa-salamat"
"Kung ano man yang pinagdadaanan mo, malalagpasan mo din yan, sa malalapad mo palang ngiti ay may nakatagong pighati, hindi ko akalaing na may side kang ganyan dahil nakilala kita bilang isang masiyahin na Helix, ngayon lang kita nakitang umiyak" yumuko ako at hinawakan ang kamay niya, hindi ko alam kung bakit ko ginagawa eto pero alam ko eto lang ang magagawa ko para mabawasan ang lungkot na nadarama niya, lumapit ako at niyakap siya.
"Kaya mo yan, ikaw pa ba"
Helix's POV
"Kung ano man yang pinagdadaanan mo, malalagpasan mo din yan, sa malalapad mo palang ngiti ay may nakatagong pighati, hindi ko akalaing na may side kang ganyan dahil nakilala kita bilang isang masiyahin na Helix, ngayon lang kita nakitang umiyak" nagulat ako ng maramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko, at ang mas ikinagulat ko pa ay nang bigla niya akong niyakap
"Kaya mo yan, ikaw pa ba"
Para naman akong kinuryente ng magtama ang balat namin, hindi ko din maipaliwanag ang nararamdaman ko, parang may kung anong meron sa tyan ko na hindi mapakali at gusto nang kumawala, ano ba ang nangyayari sakin?
Nakita ko nalang ang sarili kong yumakap saknya pabalik, medyo gumaan naman ang pakiramdam ko dahil sa ginawa niya
"Ehem" nanlaki naman ang mata namin at agad agad kaming naghiwalay, muntikan pa akong malaglag sa upuan dahil sa lakas ng pagkakatulak ni Mei sakin.
"Nagpictorial lang kami saglit tapos may kung anong kababalaghan na ang nangyayari dito?"
dO_Ob ano daw?
"Ho-hoy! Wala naman kaming ginagawang masama, niyakap ko lang siya dahil incomfort ko siya! Oo tama yun lang yon, wala nang iba" pagdedepensa ni Mei
"Oh bakit naman parang sobrnag defensive mo ata?" Natatawang sabi ni Lara saknya
"Hi-hindi ahh!"
"Hey, kung ano man yang iniisip niyo tigilan niyo na yan, that's not what you think" pagsingit ko sa usapan
"Ok sabi niyo eh" umalis sila sa harapan namin habang tumatawa, agad agad namang napatayo si Mei at sumunod kila Lara, napangisi naman ako at tinignan ang panyo na binigay niya sakin
Naitago mo pa pala ito?
To be continued....
Hi guysss! Hope you enjoy the story, please let me know in the comment section your thoughts and reactions about the story, if you have spare time please try to visit my 2nd story entitled "The other world of Neveah" thank you in advance🤗
Keepsafe and godbless everyone😘
![](https://img.wattpad.com/cover/224776445-288-k634978.jpg)
BINABASA MO ANG
Remember me? (On-going)
Novela JuvenilThis story is about a girl na laging binubully dahil mataba, panget, at kung ano ano pa, lagi siyang inaapi, but then there's this one boy na nagtanggol saknya sa mga batang nambubully saknya, simula ng araw na yon ay hindi na makalimutan ni girl si...