3
Darren's POV.
*The number you dialed is n---*
Nakakainis talaga!
To: Frags
Hey! Bat di ka sumasagot? Kailangan ka na dito! Dad is waiting!
Sinend ko na sakanya iyon at naupo na sa kama, Kanina pa ako naghihintay sa Panget na iyon! May nag bago kaya? Wala siguro, Ang hirap kaya magtanggal ng ganun! Ang kapal pa ng kilay! Babae ba talaga siya? For sure! Panget parin yun! Bat kasi sa dami ng pwede kong lalapitan ay siya pa! Alam mo kung bakit? Well, Tulad ng sinabi ko kanina, Hindi iyon ang totoong rason. Ang totoo kasi niyan, Gusto ko lang mapalapit sakanya, Since naging kaklase ko siya for whole school-year ay may pagtingin na ako sakanya, Nung naging girlfriend kosi Jen,Pinagseselos ko siya kaso walang talab, at yung time na nangyari yung pagkainisan namin sa isa't isa ay natuwa na ako, Tsaka nung nagbuhos ako ng harina sakanya eh para bang nanggag* na ako ng babae. Hmmp, Lagi naman ako nanggagag* eh. Pero bago ko pa siya magustuhan, nakilala ko siya nun sa enrollment at may dapat akong ibibigay sakanya nun kaso lang, Wala eh.
Flashback
Enrollment nun sa highschool, at syempre. Mainit! Siksikan! At magulo! Pero hindi ako nakipag-sabayan sa mga iyon dahil hindi ako sanay,
Every weekends, bumabalik-balik ako dito para malaman ang section ko hanggang sa..
Darren Pascual - Class A
Natuwa ako ng malaman ko ang section ko, the rest tinignan ko para malaman kung sino ang magiging kaklase ko for this coming june. Then agaw-pansin ang Stanley Ann Bernardo na nakalagay sa boys. Naweirdohan naman ako kasi may Ann yung name niya kaya paalis na ako ng biglang may bumangga sa tabi ko.
"Oops! Sorry!"Sabi niya then inayos ang buhok para makakita ng maayos sa bulletin-board.
"Shocks! Boys ako?"Mahinang sabi niya kaya natawa ako ng mahina, Siya pala iyon.
Hindi na ako nagtagal doon at naglakad na palabas, At habang humahakbang ako para makapunta sa sasakyan na sinakyan ko eh napabilis ang takbo ko kasi sa biglaang pagulan. Weird. Summer na summer tas uulan?
Habang natakbo ako ay may nabangga nanaman akong babae. Tinulungan ko siya at nagulat ako nung siya nanaman.
"Ah, sorry po! Sorry po!"Sabi niya at tumakbo na paalis, Naiwan akong nakatayo doon habang tumatakbo siya palayo, Basang-basa na ako then humakbang ako.. May naapakan ako. Isang kwintas.
Tinago ko sa bulsa iyon at tsaka ulit naglakad. At dahil kaklase ko naman siya maisasauli ko sakanya to.
Nagkamali ako, akala ko madalian ko lang maibibigay sakanya 'to. Nung nagstart ang klase namen eh marami nang lumalayo sakanya, ni isa walamg lumalapit. Puro teachers lang. Dumaan ang second at third. Hindi ko parin naibibigay sakanya 'to.
End.
Nagayos nalang ako ng neck-tie tsaka lang lumabas,
"Hoy!"Napatingin ako sa babaeng humo'hoy' kanina, Nagsmile ako sakanya at umalis na. Grabe ah? Pati ibang tao napapansin parin ako. Tsk! Iba talaga pag gwapo! ;)
Stanley's POV.
"Ako ba ito?"Nagulat ako sa nakikita ko ngayon, Iba. Ibang iba! Parang pinaghalong mukha ni Kuya At Ate yung ayos ko ngayon. Ako ba talaga 'to?
"Ikaw iyan, So. Pwede ka nang lumabas."Sabi niya with her sweetest smile. Nakakaloka!
May pinahid saakin na something-i-dont-know si Dennice. (Kapatid siya ni Darren.) Kaya medyo nawala-wala ang pimples ko. Binawasan niya ang kapakalan ng kilay ko, Yung buhok ko medyo ginupit niya, I mean. Ginupit na niya talaga! Nung hanggang bewang kong buhok eh nabawasan, light lang ang make-up na inilagay saakin at pinasuot ng violet-dress. Nakakabilib! As in! Sa loob ng 3 hours yata eh, nagawa niya akong ayusan ng ganto? Isang tao lang siya! Para bang ibang nagaayos eh mapapagod sa kakaayos saakin kasi sobrang sobra yung sabog ng mukha ko! Pero siya. Ang astig! Mahinhin kahit mabagal kumilos eh natapos agad!
BINABASA MO ANG
Can I Be The One?
Romance"Hahanapin ko ang someone ko,"Isang tingin sa bituin ang aking ginawa, "Can i be that someone?"I looked at him, Siya? "Can i be the one?"