Sheet 10 (So great)

32 2 4
                                    

Sheet 10 (So great)

 

Kira POV’s

                      Ayan na lumapit na ang Angelee na yan. Nakakainis ang sarap ng ngiti niya at ito naman si Ansari wagas din kung makangiti, pagbuhulin ko silang dalawa ee. Tss

“Naku, nakakahiya naman”-Angelee

Eh di wow! Talaga lang huh, nahiya siya eh sitting pretty ang lola niyo sa harap ni Ansari ee. Ewan ko ba wala pa namang ginagawang kagagahan si Angelee pero hindi ko bet ang Aura niya para bang bait baitan lang ang luka na yan sa harap namin ee.

“Oh kain ka na”-Ansari

“Wala na akong gana, una na ako sa room”-Ako

                       Iniwan ko na lang silang apat dun. Hayy naku kung hindi pa niya nagets ang pag walk out ko. Ewan ko na lang sakanya. Ang insensitive niya naman sa nararamdaman ko ee. Sana maisip niya na pede akong magselos sa pag-approach niya kay Angelee. Kaurat!

+++++++++++++++++++++

                     Tatlong araw, tatlong araw akong ganito. Ihahatid niya ako sa bahay pero cold ako kung makitungo sakanya. Ang insensitive niya naman at hindi niya mapansin na nagtatampo ako sakanya. Hindi ko siya iniiwasan kasi naman gusto ko maramdaman niya yung tampo ko kahit papano. Papauwi na ako nun ng may lalaking biglang tumabi sakin nung umupo ako sandali sa bench nang mini park sa village namin. Nung hinatid kasi ako ni Ansari sa bahay hinintay ko lang na makaalis siya at lumabas ako ulit.

“Ayos lang na magselos, pero hindi yan nakakatulong”

“Ano po”-Ako

                      Ngumiti yung lalaking tumabi sakin, ang aliwalas naman ng mukha niya kasing aliwalas ng papalubog na araw sa langit ngayon. Napansin ko na puro puti ang suot niya at may kakaibang kulay sa mga mata niya. Parang pula na may nakapalibot na gray. ay ewan basta kakaiba talaga.

“Ang buhay pag-ibig nangangailangan ng karampatang tiwala. Ang selos ang unang ugat para masira ang relasyon…”

                    Bigla siyang tumayo tsaka niya pa ginulo ang buhok ko.

“Ako nga pala si Thaddeus at lagi mong tatandaan ang pagmamahal kakambal ni tiwala at ang kaligayahan kakambal ng sakit kaya dapat pag-isipan mo ang lahat ng gagawin at desisyon mo

                   Napanganga ako sa sinabi niya. Siya ba si Kupido? Kung maka advised naman si Koyang Thaddeus ee. Parang akala mo matagal ko na siyang kilala ee.

“Teka lang po”-Ako

                   Hindi na niya ako nilingon at nagptuloy lang siya sa paglakad niya palayo. Nakapamulsa pa nga siya ee. Ang cool niyang tignan grabe kaya lang pang ang weird niya. Lumingon siya sa huling pagkakataon habang nahahanginan ang hanggang balikat niyang kulay puti? Dilaw? Oh gold ata yung buhok niya ganun din kung hanginin ang kulay puting Cape niya. Tsaka pa ako namangha sa nakasulat sa likuan niya. Kaparehong kapareho kasi nun ng nakasulat sa likod nung dalawang nakita ko sa Frap Bar, ang pagkakaiba lang kulay itim yung sa dalawa at si Thaddeus naman kulay puti.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 17, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Scribbles And I Season 1 and now Season 2 is--ONGOINGWhere stories live. Discover now