Chapter 3 (Violet ballpen na ito)

58 3 2
                                    

Chapter 3 (Violet ballpen na ito)

 

 

Kira POV

 

 

Nandito parin ako sa freedom wall, binalikan kong basahin yung mga nakasulat dun. Natuwa ako sa isa sa mga nakasulat dun at ngayon ko rin lang napagtanto na kilala ko yung sumulat nun lalo na kung para kanino yung sulat na yun.

“Shit Aini, I LOVE YOU-Letter O”

Loko lokong Oliver na yun, may nalalaman pa siyang Letter O? Obvious naman na siya yun ee. Sabi ko na nga ba ee. Nung unang kita kong sungitan siya ng pinsan kong si Aini may patutunguhan ang pag aasaran nila ee.

“Huy, tinatawa-tawa mo jan?”

Napahinto ako sa pag ngiti ko ng makita ko si Aini at magsalita siya. Aba pati ba naman sa bagong branch nandito rin siya? Ganun ba kaadik sa part time job ang pinsan ko na ito? Baka naman lahat ng Pandayan meron din siya? Bangis aa.

“Oh pati ba naman dito?”-Ako

“Naman, hindi pa ganun kamarunong yung mga newly hired staff ee, at dahil wala pa naman silang manager.. *Ehem* Ako muna ang Acting Manager hanggang sa may makuha na sila”-Aini

 

“Aba aba, Huwaw asenso Cous, so kalian mo ko ililibre?”-Ako

Napakamot ulo siya at ngumiti sakin, nagjjoke lang naman ako ee. Alam ko kasing gipit yan ngayon ee. Paano bigla nalang silang iwan ng mga magulang nila at buti na lang talaga mabait ang Mama ni Jahairah at ibinigay na lang sakanila yung extra bahay nila sa may kanto, malapit sa nilipatan naming bahay.

“Soon”-Aini

Yun ang madalas niyang sabihin, pero hanggang ngayon wala parin siyang mailibre at naiintindihan ko naman. Bukod kasi sa pinag aaral niya yung sarili niya. Pinapag aral niya rin kasi yung Ate at Kapatid niya ee. Pag tingin ko sa kanya biglang nagbago ang Aura niya nung mabasa niya yung isa sa nakasulat sa Freedom Wall. As expected.

 

Scribbles And I Season 1 and now Season 2 is--ONGOINGWhere stories live. Discover now