Chapter 6 (Wala na)

49 2 0
                                    

Chapter 6 (Wala na)

Kira POV

*Now playing: In my head by Jayson Derulo*

“WOOOOOOAH”

 

 

“KAMPAI mga Erp”

 

 

“Para sa taong *Hik* nambasted at *HIK* binasted, let’s celebrate *HIK* POTATO INA ”

 

 

“Oh ohoh, IN My HEAD”

                         Ang ingay dito sa Beaufort Bar, well ano nga naman bang aasahan ko sa isang Bar diba? Alangan naman natahimik, sa sementeryo ka na lang pumunta kung gusto mo ng katahimikan Kira!, hayyy ewan kung anu-ano nalang ang iniisip ko ee. Yuck ang baho pa, amoy yosi, alak pabango kasama pa ang mga amoy ng may putok, tapos may mga gumagapang na sa kalasingan nila. Bakit pa kasi marunong kumanta si Sam ee, tuloy napapasubo akong pumunta sa mga lugar na hindi ko naman pinupuntahan, eh di sana hindi ako isasama ni Ingrid ngayon.

*Splash*

“Oooopss”

 

 

 

“Ano ba yan? Watch your step bitch”

 

 

 

                        Natapunan nung babae yung isa pang babae na nakaharang naman kasi sa daan, malamang mababangga siya kaya naman medyo nabasa din ako ng konti, hindi naman halata kasi bukod sa dark ang buong lugar, dark din naman ang suot kong damit ngayon ee. Ang ilaw lang ngayon ay nagmumula sa Disco Light sa Dance Floor. Hindi na nga ako nakapagpalit kanina kasi hinila na ako ng magaling kong Bestie.

“Natalsikan ka ba, here?”

                             Napatingin ako sa babaeng nakatalikod lang sakin kanina, siya yung babaeng nakatapon ng Alak kanina. Bigla akong namangha nung Makita ko ang mukha niya, Woah ang ganda naman niya kahit ang dark ng make-up niya, sobrang bumagay sa mukha niya, tapos napansin ko rin yung lalaking nasa likuran niya, nakatingin lang siya. Tumingin pa nga ako sa likod ko baka kasi hindi ako yung tinitignan niya ee. Kaso wall nalang yung nasa likod ko, kaya sure ako na ako nga talaga yung tinitignan niya. Napansin kong halos parehas lang sila ng suot, naka black cape sila. Sobrang kakaiba ang suot nila.Alam niyo yung suot ng mga Anime na girl na laging handa sa laban? Ganun yung suot ni Girl tapos si Boy yung parang laging suot ni Peach Black *Vin Diesel* kaya lang may suot pa siyang Black Cape.

Scribbles And I Season 1 and now Season 2 is--ONGOINGWhere stories live. Discover now