Chapter 33

8.1K 296 23
                                    

Closure

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Closure.

Celestine

"Ah shit! Buhay pa ba ako?"

Tanong ni Gilbert kay Konat pagkababa nila ng sasakyan ko, paano ba naman ay tumitirik na iyong sasakyang dala nila.

"Now I remember! Kung bakit ayaw nating magmanehoin dati si Tin!"

Si Kaloy iyon na hingal na hingal, halos mabingi ako sa mga tili nila kanina! mga bakla ba itong mga ito?!

"Butog! Butog gumising ka! Wag mo akong iiwan butog!"

Si Bentong iyon habang inaalog alog ang pinsan niyang si Butog na naglulupasay na sa simento, matabang ko nalamang silang binalingan ng tingin.

"Diko alam kung pauwi ba tayo o gusto mo kaming ihatid sa impiyerno."

Sambit ni Chito, hawak hawak nito ang tuhod samantalang halos lahat sila ay namumutla, si Isay naman ay nagsusuka sa basurahan sa gilid. 

"Tangina niyo, kayo na nga lang ang hinatid puro pa kayo reklamo!"

Pagmamaldita ko, napanguso lamang ang mga ito, mga baliw!

"Oh siya't magsiuwi na kayo, dadaan lang ako sa ospital, may susundo sainyo rito mamaya papunta sa agency na sinasabi ko, ipakita niyo yung card na binigay ko sainyo kanina at sabihin ninyo inirerecomenda kayo ni Violet, malinaw?"

Taas kilay na sabi ko.

"Oh siya't magsiuwi na kayo, dadaan lang ako sa ospital, may susundo sainyo rito mamaya papunta sa agency na sinasabi ko, ipakita niyo yung card na binigay ko sainyo kanina at sabihin ninyo inirerecomenda kayo ni Violet, malinaw?"

Nagplay ang boses ko mula sa keypad na cellphone ni Badong.

"Nairecord ko tin tin, para di nanamin kailangang imemorize."

Sambit nito, I hissed.

"Bahala kayo, hintayin niyo nalang iyong sundo ninyo mamaya."

I shrugged, tumango tango ang mga loko.

"Isay mauuna na ako ha, dumaan ka bukas sa mansiyon kasama ng mama at anak mo, tutal ay umalis na ang care taker noon ay kayo na ang ipapalit ko, nasabihan ko naman na ang mga empleyado doon at mababait naman ang mga iyon."

Ngiti ko, nangingiyak padin Isay na nakangiti at tumango.

"Maraming salamat Celestine, mula noon hanggang ngayon ay lagi mo nalang akong tinutulungan, pangako ay gagawin ko ng maayos ang trabaho ko."

That made me smile, pasakay na sana akong muli sa sasakyan ko nang pinigilan naman ako ni Lito.

"Bakit?

Tanong ko, nahihiya itong napakamot sakaniyang batok.

"Hehe may bente ka diyan Celestine? nagmadali kasi kami noong akala namin nakidnap si Kaloy at Isay, nahulog ko yung bente kong pambili ng gatas."

Phantom Agents 3: Violet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon