𝖢𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 𝖨𝖨𝖨

6 1 0
                                    

𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 𝗜𝗜𝗜

"𝘠𝘰𝘶 𝘸𝘦𝘳𝘦 𝘥𝘪𝘧𝘧𝘦𝘳𝘦𝘯𝘵,
𝘠𝘰𝘶 𝘸𝘦𝘳𝘦 𝘯𝘦𝘸,
𝘠𝘰𝘶 𝘸𝘦𝘳𝘦 𝘴𝘰𝘮𝘦𝘰𝘯𝘦
𝘐 𝘯𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘪𝘮𝘢𝘨𝘪𝘯𝘦𝘥
𝘵𝘰 𝘦𝘯𝘤𝘰𝘶𝘯𝘵𝘦𝘳.
𝘉𝘶𝘵 𝘐 𝘥𝘰𝘯'𝘵 𝘬𝘯𝘰𝘸 𝘸𝘩𝘺,
𝘐 𝘸𝘢𝘯𝘵 𝘵𝘰 𝘨𝘦𝘵
𝘮𝘰𝘳𝘦 𝘰𝘧 𝘺𝘰𝘶."

~•~

Nasa stage ako ngayon kasama ang iba pang mga SC na members. Nag de-decorate kami para sa acquaintance bukas. Sobrang ingay at abala ng mga tao sa kanya-kanya nilang ginagawa kagaya ko.

I was painting the pale branches of the trees that afternoon while talking to Leah who was holding the paint at the side.

"So, ano na? Nagliligawan na kayo?" She asked for the 5th time.

I sighed and stopped what I was doing before looking at her. "Hindi nga. Impossible 'yon. May girlfriend yung tao, Leah," I explained and started painting again.

"Hindi ka pa nga sure kung girlfriend niya talaga 'yon. Kasi isipin mo, he posted that on your timeline tapos nag comment pa siya na sakanya ka lang daw," She stopped a second to squeal. "He wouldn't do that if he's really in a relationship."

I shook my head. "You know boys these days, Leah. Pag alam nilang may gusto sakanila ang babae, magpapakita ng motibo kahit hindi naman talaga nila gusto. Sa huli, i-go-ghost ka lang."

"Ang bitter mo, Cai! Baka naman kasi gusto ka talaga nung tao," She forced.

Tumawa ako. "Hindi na ako aasa. And I don't do boyfriends, you know that. Nakakapagod lang pumasok sa isang relationship tapos maghihiwalay din naman."

She let out a whine. "Hindi naman lahat naghihiwalay. Naka-depende 'yon sa magkasintahan kung ano pipiliin nila."

Isang buntong hininga ang ginawa ko bago pagod na tumingin kay Leah. She was raising both of her eyebrows. Gustong-gusto talaga na mapaniwala ako sa mga relationshits na 'yan.

"And you really think na at this age madali lang magtagal habang buhay?" Napailing ako.

"Relationships are a waste of time. I'd rather read Wattpad and watch Korean Dramas than date kaya wag mo na ipilit sa akin na maniwala sa mga ganyan."

She sighed. A sign of defeat. "Oo na! Pero dadating din ang taong magpapaniwala sa'yo niyan, trust me. You're going to eat everything you said," Tawa nito.

"Never in my life,"

Never talaga.

We were in the middle of talking about wattpad stories when someone interrupted us.

"Ano ba 'yang ginagawa ninyo?"

Natigilan ako nang marinig ang boses ni Dashniel ngunit hindi ko iyon pinahalata at nag focus na lamang sa pagpipinta kahit gusto ko naman talaga siyang tignan. Hinayaan ko nalang na si Leah ang kumausap sakanya.

"Nag dedecorate para sa party bukas, hindi ba obvious?" Pambara ni Leah pero I could feel her teasing stares behind me.

Leah, don't you dare do such a thing!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Under The Starry Night (TLS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon