Tanghali, buwan ng setyembre. Nakapangalumbaba akong nakatingin sa harapan habang pinipilit makinig sa lecture ng teacher namin tungkol sa mahaba at nakababagot na chemistry.
Acetene, alcohol, ethyl boba, ako na nabobo na. Blah blah blah... Hate na hate ko talaga 'tong chemistry. Kung gusto nila ng kemikal, marami non sa imburnal! Uy rhyme 'yon ah!
Wala na talaga akong maintindihan. Umiikot na ang paningin ko at nagugutom na din talaga ako huhu.
"See you next meeting, class."
Mentally akong nagbunyi! Yes! Yes! Yes! Pakiramdam ko tuloy nanalo na rin ako sa lotto. 'Yun lang naman talaga hinihintay ko dito e!
Pagkasabi non ng teacher namin ay agad akong hinila ni Trina palabas ng classroom. Excited na excited makalabas ang gaga! Palibhasa kanina pa din kumakalam sikmura nito.
Pakarating namin sa canteen, mabilis pa sa alas otso siya tumakbo papuntang Stall 9. Doon kasi iyong favorite naming lunch... shanghai with java rice.
"Hoy, dahan-dahan Trina! Mabibilaukan ka!" puna ko kay Trina na halos hindi na nguyain ang kinakain dahil sa tuloy-tuloy nitong pagsubo.
Inirapan niya lang ako, pero siyempre dahil isa akong mabuting kaibigan, inintindi ko na lang siya at naisipan ko ring tumayo at bumili ng bottled water para sa kanya.
Nasa may gitna na ako ng daan sa canteen nang makasalubong ko ang humahangos na lalaki. So ayun, nagkabungguan kami... lagapak ako sa sahig, pwet first.
"Sorry miss," sabi ng lalaking nakabunggo sa'kin.
Napatingala ako sa lalaking nakabunggo sa akin. Naka-uniform siya ng senior high school. Clean cut iyong buhok niya, makapal ang kilay niya, kulay tsokolate ang mga mata at matangos ang ilong. Pwede na...
He offered me his hand. Kinuha ko iyon at hinila niya ako para mapatayo.
Hindi ko na siya pinansin at dumiretso ng Stall 1 para makabili ng tubig.
"Snobber," rinig ko ang mahinang bulong nung lalaking nakabunggo ko kaya napatingin ako sa kanya.
Wow ha! Siya nga nakabangga sa'kin pero hindi ko naman siya tinawag na banger!
"Ano?" kunot-noo kong tanong sa kanya, kinukumpirma kung tama ba iyong narinig ko.
"Wala, sabi ko, ang ganda mo," sarkastiko niyang sabi tsaka pilit na ngumiti.
"I know," I rolled my eyes on the guy. At ang gago, tumawa naman.
"Naniwala ka naman," asar niya.
Amp?! Kabugnot 'to.
Dahil ayaw kong mag-eskandala dito mismo sa canteen. I calmed myself down. Bibili lang naman ako ng tubig tas may ganoon pang mangyayari. Hay buhay!
Bumalik ako sa table namin ni Trina dala iyong bottled water na nabili ko, tsaka ipinagpatuloy ang pagkain.
"Anyare sa'yo?" kuryosong tanong niya.
"Nagkabanggan kami nung isang senior high," paliwanag ko sa kanya.
"Huh? Sino? Alin dyan?"
"'Yun," itinuro ko iyong pwesto ng lalaking magulo ang buhok. "Asar e."
"Uy gaga, ang gwapo ha!" comment niya. "Hindi mo ba kilala 'yan?"
"Ha? Hindi, pero mukhang nakikita ko na dati."
BINABASA MO ANG
The Things We Do for Love
Teen FictionEmbarrassment and pity befalls on Maria Asuncion as her groom did not show up in the altar, letting her wait for two gruesome hours. To her shock, her bestfriend, Ysmael stood beside her in the altar telling everyone that he's going to steal his bro...