DISCLAIMER:This is a work of fiction.
Names, Characters, Bussiness, Places or Events are either product of author's imagination or used in a fictious manner. Any resemblance to actual person/s living or dead, or actual event/s are purely coincidental.This story is not affiliated with any universities, places or locales included in the story.
-*-
Napabalikwas ako ng bangon ng may narinig akong kumalabog sa labas ng kwarto. Nakita ko na lamang sa sahig ng living room ko ang picture frame-- na may litrato naming magkakaibigan ang basag at lasog lasog.
Agad ko itong kinuha ngunit nasugatan ako, kagaya na lamang ng kung paano ako nasugatan tatlong taon na ang nakalipas. Nung senior high school pa lamang ako, alam ko talaga masaya ako 'eh. Masaya ako kasama sila, masaya ako na sabay sabay naming naabot ang pangarap namin kasama syempre sya. Pero nawala silang lahat dahil sa nangyari. Masakit oo, sobrang sakit. Pero wala naman akong magagawa kung hindi ang mag move on at ipagpatuloy ang naiwan diba?
"Hay nako Ayana, ano na ba mangyayari sa buhay mo niyan? Second year college ka na ateng, tignan mo nabasag mo pa picture frame jan. Ako na magliligpit niyan, nako talaga."
"Nabasag Mau, nabasag..." I said while crying, hindi ko na makilala ang boses ko. "Di nasalo,"
"Ayana, shhh wag ka na umiyak huh? Andito ako, okay? Tatlong taon na yun lumipas. Im here,"
Kahit masakit, araw araw ko pinipilit bumangon. Wala 'eh. Dapat kayanin. Ako si Ayana diba? Hindi ako nasuko. Hindi pwede, hindi ngayon. Nandito kami ngayon sa MOA Arena, no choice kailangan daw manood ng UAAP dagdag grades daw syaka kailangan din daw ng suporta ng university namin.
"Dami dami naman kasing tao kabanas," Wika ko kay Mau na siyang pinsan/ kasama ko simula nung alam niyo na yun.
"No choice ka girl," Sabi niya habang natawa "Grades din 'to no, syaka sabi ko naman kasi sayo sumali ka na ulit sa swimming team dito sa university natin. Sayang credentials mo nung SHS ka sa swimming team ng dati mong school."
Napatingin ako sa kanya at inirapan siya, alam niya naman na pag nag swimming ulit ako babalik lang sakin lahat. Pride na nga lang tinira ko para sa sarili ko diba?
"Oh ayan na, magsisimula na." Sabi niya "Shet, parang mas okay sana kung nag lower box tayo hindi upper box, daming gwapong taga kabilang school 'eh." Inirapan ko lang siya
"Sino ba kasing kalaban ng USTe?" usisa ko
"Fighting maroons! UP gaga, di ka ba nag babasa ng ticket mo?" Inis na saad niya sakin, "Syaka pansin ko sayo, mula nung nawala kayo ni ano sino ba 'yon? Yung kinukwento mo sakin, nawalan ka na ng interes sa sports! Specifically, basketball."
Nanahimik na lang ako ng magsimula na ang laro, ngunit parang may pamilyar na mukha ang nakita ko na naglalaro sa gitna ng court. Kinabahan ako bigla.
"Sino 'yon?" tanong ko kay Mau
"Ha, alen? Mamaya ka na nga, kalagitnaan na oh!"
Natapos ang laro, panalo ang UST. Titig na titig pa din ako sa lalaking nasa gitna, hindi ko maintindihan kung bakit kinakabahan ako na hindi ko maintindihan.
"Tara, Ayana! Punta tayo sa gitna, congrats natin mga players lego!" Hila hila ako ni Mau, pababa sa gitna. Wala na akong nagawa dami din kasi nitong kilala na players, kaya ayan. Congratulate dito, congratulate doon.
"Ayana..." Napalingon ako sa tumawag sakin,
"Gio?"
"Oh, Gio! Congrats ha, teka magkakilala pala kayo netong pinsan ko?" Usisa ni Mau, "Hanep! Pero, paano?"
"She was my angel."
-----------------------------------------------------
××
BINABASA MO ANG
Broken Strings
RomanceApart from their past escapades, Gio the naughty basketball player of DLSU Green Archers transfers to UST Growling Tigers, after receiving scholarship. Crossing paths, with his ill fate relationship to the former team captain of the swimming team of...