C H A P T E R 03

4 0 0
                                    


Nagmamadaling tumakbo si Ayana paakyat sa classroom nila. Dahil late na siya, papaano ba naman kasi hindi siya makatulog kagabi magmula ng finollow siya ni Gio sa kanyang twitter account. Tumingin siya sa kanyang relo only to find out na 8:15 am na.

"Shit," She muttered a curse, dahil tapos na ang 15 minutes na grace period ng prof nila na mataray according to Cha sa Chemistry. Nasa tapat na siya ng classroom nila nag-iisip siya kung papasok pa ba siya o hindi na at tatambay na lang sa library dahil baka nagstart na ang lesson?

What happened to the achiever Ayana na ayaw na ayaw malalate lalo na sa majors niya pa? Nagpakawala siya ng buntong hininga sa isip niya.

"Ayana, bakit sumisilip ka lang jan sa pinto? Ayaw mo pumasok sa room? Wala ka bang balak pasukan majors natin today?" Panimula ni Pia, na nasa likod niya pala kanina pa siya pinag mamasdan.

"Ah ano kasi,"

"Hmmm?"

"Nagsimula na ba magturo si Engineer?" Nahihiyang tanong niya kay Pia, dahil kilalang kilala siya nito na never nalalate pag majors nila baka si Cha pag nalate pwede pa.

"Absent si Engineer ngayon, may pinapagawa lang siyang paper works. If that's what you want to know. Plus, may student assistant siyang nasa loob 'yun ang sub natin today hanggang Physics. May meeting kasi mga prof." Seryosong saad niya,

"Sub? Teka, sino?" Hindi siya sinagot ni Pia at nagkibit balikat lang ito, tumabi naman siya para mabuksan ang pinto at makapasok sila

"Miss Perez, your 20 minutes late." Nakataas na kilay na sabi sa kanya ng sub student assistant nila, sasagot na sana siya ng magulat siya kung sino ito--- It's Gio Montenegro for God's sake!

"Ikaw?!"

"Oh yes, none other than me." Sabay ngisi ni Gio,

"Hoy teka nga, may something ba kaming hindi nalalaman?" Tanong ni Lj

"WALA!" Sigaw ni Ayana, samantalang si Gio nakangisi lang

"Talaga ba, beh" Inemphasize ni Gio mismo ang word na 'beh' para asarin si Ayana

"Sana ol beh," parinig ni Ceah

"Ayana kaya ka siguro late no, magkausap kayo ng beh mo SANAOL" Paratang ni Elli

"Ayon, kaya naman pala!" Umisa pa si Zeke, napangisi naman sa gilid niya si Pia.

"Hoy, teka lang anong meron?" Tanong ni Cha na kakadating lang galing canteen, may bitbit pang siomai kasama si Jus na parang nagtataka

"Paano first time na-late ni Ayana sa majors today, ka-call magdamag si Gio" Sabi ni Elli,

"Ay weh? True ba? Hala siya di na siya NBSB" sabi ni Cha

"Bakit ikaw? May jowa ka?" Pang-aasar ni Jus

"Oo na nga wala diba, Sa ngayon hehe"

Napatungo na lang si Ayana sa mga paratang ng kaibigan niya, nasanay na lang din siya dahil sa kanilang lahat siya ang hindi pa nagkakajowa, as in.

"Anyways, I need to go see you around guys!" Sambit ni Gio, bigla tuloy napabangon si Ayana sa pagkakatungo.

"Uy, teka lang kala ko ikaw pa den sa Physics?" Tanong nito,

"Miss Ledezma is on her way, tapos na daw meeting. Don't miss me too much beh," Sabay ngisi kay Ayana at labas ng room, which leads to Ayana's friends and classmates shrieked.


-*-

Sa wakas, natapos na din ang majors nilang chemistry at physics. Next subject na nila ang Philosophy, ngunit absent ang prof nila dito at may sakit daw. Which leads them to their vacant time. Napagpasyahan muna ni Ayana na mag cr saglit. Pagpasok niya di niya inaasahan na makikita niya si Pia, dahil alam niyang may urgent meeting ito with the journ club para sa school paper na lalabas next week.

"Oh Ayana, musta?" Saad nito habang naglalagay ng liptint

"Hmmm, okay naman."

"Sigurado ka? Baka may gusto kang ikwento?"

"Huh? Wala ah,"

"So, what's this whole thing with GD?" nakataas na kilay na tanong ni Pia sa kanya.

"Ha? Ah wala yun asar asar lang nila yun. Syaka baka pinagttripan lang ako."

"You sure?"

"Oo naman ano,"

"Sinasabi ko sayo Ayana, be careful. You'll never know magigising ka na lang isa ka na pala sa mga babaeng pinapaikot niya sa palad niya. And when the time comes don't tell me na di kita winarningan." And Pia just left her hanging,

Inaamin niya sa sarili niya na attracted siya kay Gio, pero hindi niya maintindihan kung bakit nagsalita ng ganon sa kanya si Pia. Posible kayang may kinalaman si Pia sa mga 'babaeng' binabanggit nito?

-*-


"Huy ano ba Ayana kanina pa ko salita ng salita di ka ata nakikinig hay,"

"Ha? Ano yun Ceah?"

"Pagpasensyahan mo na Ceah, ganyan talaga pag inlove kay papi GD." Nakangiting saad ni Elli

"Sabi ko madam, umuwi na si Pia," Saad ni Ceah ng parang init na init. "May gagawin pa daw siya eh, tapos sabi ko den kanina pa tayo inaaya ni Elli na manood ng training nila Ver, ano g ka ba?"

"Oo naman, tara ano?"

"Nako, basta talaga makikita si papi GD ganyan ka siz." Kinikilig na saad ni Elli "sabagay ako din naman kay Ver hihi."

Nasa gymnasium na sila para nga sa training ng basketball team ng university nila. Nakaupo lang sila sa benches, habang pinapanood ang mga ito na mag train. Habang si Elli nakikicheer at kinikilig.

"Oh guys, chips niyo." Saad ni Cha na kakadating lang kasama si Jus, Zeke at Lj.

"Bakit chips?" Tanong ni Elli na ikinakunot ng noo ng lahat, "Dapat kanin ulam na sila ih hihi."

"Ang harot mo bakla ka! Sumbong kita kay Ver ih," Suway ni Ayana.

"Lj, si Pia?" tanong ni Zeke

"Ahh, may gagawin daw eh. Para sa school paper ata." Napatango na lamang si Zeke dito. Lumipas ang halos dalawang oras at natapos na din ang training ng varsity. Lumapit si Ver sa kanila—malamang dahil kay Elli.

"Hi guys, missed you babe!" Bati ni Ver sa kanila pagkalapit, "Teka kulang kayo ah? Asan si Pia?'

"Ah, may gagawin daw eh, alam mo na publishing na ng school paper next week. Dedicated EIC ata yun!" nakangiting sabi ni Ceah,

"Hi beh," nakangiting bati ni Gio, pagkalapit sa kanila sa bench na siyang tinarayan lamang ni Ayana, "Ang sungit mo sakin beh," Sabay sad face nito.

"Pwede ba Gio, kung trip mo ko tigilan mo." Pagmamataray ni Ayana sa kanya. "Syaka isa pa, wag ako okay? Ayoko lumablyp."

"Hala eh, hindi pa nga kita nililigawan. Ikaw ah, crush mo din ako 'eh, aminin mo na." Pang-aasar sa kanya ni Gio.

"Pa? Crush? Din? OMGGG!" Cha shrieked, "Shet, ano to? M.U kayo?" Nagtawanan naman lahat sa sinabi ni Cha,

"Hindi/PWEDE!" Sabay na wika ni Ayana at Gio

"Ay ikaw na teh! Ikaw na may mahabang buhok." Pang aasar ni Elli

"Sana ol!!" Dugtong ni Ceah, mag wawalkout na sana si Ayana ng bigla siyang pigilan ni Gio at hawakan sa kamay.

"Followback mo naman ako sa twitter, beh,"

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Broken StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon