C H A P T E R 01

8 0 0
                                    


"Hoy Ayana, ang ingay ingay mo nanaman sa twitter kagabi walangya. Hanggang pagtulog ko naririnig ko boses mo." Reklamo ni Elli

"Eh bakit ba, wala nga akong jowa kaya ganon." Inirapan ko siya

"Paano ba naman kase, jowang jowa ka lagi sa mga tweets mo tapos pag may lumalapit pinupush mo naman palayo." Si Ceah

"True, mama" Si Pia

"Ah, so ganon? Ako nanaman pinagtutulungan niyo dito? Hoy Elli, pag ikaw sinaktan ni Ver sa kakaharot niyong yan tatawanan talaga kita. Ikaw den, Ceah." Pag mamataray ko sa kanila. 'Ba naman kasi, masama ba maging maharot kahit sa twitter lang? Wala na nga akong kaharutan in real life 'eh hays. Nandito kami ngayon sa quad malapit sa building namin, our classes starts at exactly 8 lalo pa't major namin 'yun. Ayan, STEM pa. Puro formulas at derivations tuloy sumasakit lang ulo ko.

"Hi guys!" Biglang sulpot ni Cha---- ang kaibigan naming laging late.

"Denise Charmaine, pumuti na buhok namin kakaantay sayo anuna teh," Pagmamataray ni Ceah kay Cha.

"Ano bang bago, nag Netflix ka nanaman magdamag ano?" Pagpuna ni Pia kay Cha

"Sorry na, syaka di pa naman nag sstart ng Chemistry si Engineer ah," sabay peace sign ni Cha

"Hoy mga babaita, anong ginagawa niyo pa jan? 7:50 na, malalate tayo tara na." Si Zeke--- with Lj and Jus na may hawak pang iced coffee from Mcdo, hays dumaan nanaman siguro tong mga to sa mcdo.

Naglakad na kami papuntang building namin, na tapat lang din mismo ng quad. Grade 11 na kami, at simula grade 7 kasama ko na sila doon pa sa dati naming school. My JHS and SHS life wouldn't be complete without Ceah, Cha, Pia, Elli, Zeke, Jus and Lj. Nang mag senior high kami, nag decide kaming walo na lumipat ng University. Para new environment na din at matuto kami maging independent. Hindi sa isa't isa kundi sa mga gawain--- pare parehas kasi kami ng kinuhang strand which is STEM. Zeke, Jus, Lj and me mag engineering kami, okay nga yun 'eh atleast safe ako sa tatlong 'to prinsesang prinsesa ako. Cha and Ceah archi for college, while Pia and Elli mag memed sila. Ang saya lang na iachieve yung dreams mo with your friends.

"Hey, Ayana you're spacing out again, you okay?" Pag-aalalang tanong ni Zeke.


Tumango na lang ako sa kanya, pano ba naman ano ba namang maiintindihan ko sa redox? Nakakatakot pa magturo si Engineer medjo terror siz.

***


"Haaaaay, na-stress ako ng bongga sa physics at chemistry. Tell me, 'bat ba tayo nag-STEM?" Pagrereklamo ni Cha, nasa mini mall kami ngayon sa loob din ng university, para siyang food court kasi andaming stalls ng pagkain. Nakain kami ng recess.

"Paano ka magiging successful 'niyan? Wala pa nga yan sa sobrang hirap inaayawan mo na?" Si Jus

"Sana ol kase, math mindmaster ano Nicolo Justin?" Sabi ko sa kanya, 'ba naman kase nung nagpaulan ng katalinuhan sa math sinalo ata lahat ng lalakeng 'to.

"Miss ko na si Ver," Pag hihinarot ni Elli

"Eh ang tanong, miss ka ba?" Si Ceah, okay po nag gagaspangan nanaman sila mamaya mag haharutan nanaman yan

"Ikaw baby, miss kita." Sabay yakap ni Elli kay Ceah

"Ihhh, ano ba Ceah, I'm for Marco onle okkk?" Iwas ni Ceah, yes ganyan sila lagi naghaharutan yan ang bonding namin 'eh.

"Harot ha, anyways nood kayo training namin mamaya ni Zeke? After class?" Tanong ko sa kanila.

"Siz, kailan ba kami nawala" Si Pia

"Oo nga, manonood talaga kami gusto namin makakita ng abs" Si Elli, ang harot talaga

"Me too, madami kang fafable na kateam mate ih." Si Cha naman ngayon,

"Ako lang gwapo don guys, okay?" Si Zeke

"Ang kapal teh, abot dito oh" Pagrereklamo ni Ceah

"Oo manonood talaga kami no, andon baby Samantha ko 'eh" whuuut? Ano daw sabi ni Lj? Samantha? Yung team mate namin na maganda!

"Hoy Lj! Pati ba naman si Sam? Walangya ka talaga" pambabara ko

"Siz alam mo naming gwapo tong kaibigan mo" Sabay wink ni tanga

"Tangina huh" Si Jus, OMG LUTONG


"Ayan napamura na" sabay iling ko, pabalik na din kami sa building kasi mag tatime na.

***


Andito na kami sa room ng makaramdam ako ng kakaiba---

"Elli, uy."

"Elli,"

"Ano ba yon, Ayana? Kanina ka pa tawag ng tawag."

"Ano kasi, ahm"

"Just tell me! May gwapo ba? Asaaaaaan"

"Tanga hindi,"

"Eh ano nga? Bat muka kang natatae jan? Wait, don't tell me—"


"Oo ngaaa, pengeng wipes at tissue please dagdagan mo na ng alcohol." Sabay ngiti ko sa kanya inabot niya naman sakin ang pouch niya kaya tumakbo na ko agad papuntang CR.

***


Hay, ansaya sa feeling magbawas. Diba? Siguro yung macaroni to, kasi naman bat ba umorder pa ko nun----

"Pucha," Marahang sabi ko sa bumunggo sakin nalaglag tuloy yung pouch ni Elli! Tatanga---

"Miss, Sorry here's your pouch." PUSANGGALA MGA SIZ ANG GWAPO, malalaglag ata panty ko!

"Miss? Are you okay? Don't you have class?"

"Ay sorry—Ah oo okay lang ako hehe. Sige beh, ay este bye!"


ayana @ashleynicolette

kuya, i crush u na. 

----------------------------------------------------------------------------------

xx


Broken StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon