Unknown

12 0 0
                                    

Nasa Canteen ako for recess. I'm with my friends and naka ugalian na naming mag Recess ng sabay sabay. although bitin kasi we only have 30 mins.

"That's her right? Babaeng matagal mo na tinatanong sa amin kung ano bang pangalan niya?" Tanong ng kaibigan ko sa akin.

"Yeah. I'm really really curious about her. " I first saw her sa hallway ng Senior Highschool department. parang galit sa mundo.

"Mag tanong kana kaya? It's been months and look at you! You're still staring at her everytime na nakikita mo siya." sabi ni Althea, kaibigan ko.

"Ayoko. I feel like it's not yet the right time and I'm just curious. she's somehow unique..." I feel like she's not a typical girl I want to meet her honestly but I feel like it's not yet the right time.

"Baduy"

Lahat ng kaibigan kong lalaki eh na aatract sa mga babaeng pala ngiti, maganda ang ngiti, pala tawa tipong ma o-over joy ka sa tawa nila. But I guess I'm weird kasi this girl, I never saw her smile, never heard her laugh. I don't even know her name.

Dinaanan namin siya and guess what? The usual aura na nakikita ko sa kaniya. Blangko ang mukha, walang espesyal sa mga mata niya. Masyadong puro.

"Alam mo Rich, bored ka lang. or baka naghahanap ka lang ng rebound? Kaka break niyo lang ni Ledi diba?" Well, yeah. Galing ako sa break up. but trust me wala akong ganong intention sa kung sinong babae man itong pinapanood ko. I'm just curious that's all.

Behind those blank aura, behind those poker face, behind those unheard laughs, behind those eyes, I want to know you.

"Kilala ko yan. Schoolmates kami nung Junior highschool eh." Singit ng kaklase kong si Dani

"Ano bang pangalan niya?" mahinang tanong ko kay Dani na siyang nagpa ngiti sa lokong si Dani

"What is it for me? Interested ka sa kaniya? Why? And sa dami daming babae sa school na ito, why her? I doubt your purpose Rich." Dirediretsang tanong ni Dani na para bang di ako ka tiwatiwalang tao.

"Because I don't know. I just don't." Yun ang totoo hindi ko alam but if he'll let me unleash my curiosity, masasagot ko lahat ng tanong niya.

"Well, I won't tell you anything and if you're that interested and curious, matagal mo na sana tinanong ang babaeng yon kung ano bang pangalan niya. Ano bang hinihintay mo Rich?" Nasabi ko na to ng paulit ulit. Ayoko dahil sa tingin ko, hindi pa tama ang oras.

"Whatever dude. know what? Nevermind just forget it tsk!" At dumiretso na ako sa aming silid aralan. Hindi ko alam kung bakit hanggang dito sa classroom, dala dala ko ang mga titig niya. Sino ka ba? At bakit ganito nalang ang epekto mo sa akin? Tsk.

I took a deep breath nang pumasok ang aming subject teacher.

~~~
"I haven't been myself since the day I was born. I am not good at expressing myself, think whatever you think about me. Get lost cause I don't care." We are having our practice sa field and yep, that was my script. may mga nanonood na sa amin kaya medyo nakakahiya na but who cares? Tss.

"Naks Ah! Bagay sayo role mo sis!" compliment ng bakla kong kaklase ang nag sulat ng script namin.

"Tapusin na natin Kix anong oras na eh." Sabi ko lang sa kaniya at nag patuloy na kami sa pag papractice hanggang sa matapos.

"Chiana! Sabay tayo uwi ah!" as usual, magka sabay kaming uuwi ni Nads.

"Tara ba! Pero hot choco muna tayo Nads. " pag aaya ko kay Nads.

Nang makarating kami sa pinaka malapit na coffee shop, I decided to answer my assignments habang sumisimsim ng hot choco same thing with Nads. He is revising his research.

"Alam mo Chia, ngumiti ka minsan. Parang salo mo naman problema ng Pilipinas eh." bigla akong natigilan ng mag salita si Nads.

"Sayang Dimples mo kung itatago mo lang Chia." Pagpapatuloy ni Nads.

"Ano bang pinagsasabi mo jan? Di ka pa ba nasanay Nads? sa ilang taon na magkasama tayo, di ka pa nasanay? Ano ka ba psh." Sabi ko lang sabay iling. Parang first time lang namin nagsama ah?

"Ang sinasabi ko lang, ngumiti ka. Di naman yun mahirap eh. Ahahahaha" tatawa tawang tugon ng kaibigan ko.

"Hay nako bilisan mo na rin  jan at gagabihin nanaman tayo nito." sabay irap ko sa kaniya.

I'm walking papasok ng subdivision alone kasi si Nads, nasa kabilang subdivision siya though malapit rin naman sa amin but we decided na mag separate ways nagbabalak pa kasi akong ihatid eh. Know what, best part every evening ay ganito... Ang maglakad ng mag isa habang naka tingala at kinakausap lang ang mga tala. Nakaka wala ng pagod. Tuwing nakikita ko ang kumikislap na tala at ang naka ngiting buwan, Unconsciously, lumalapad nalang  ang ngiti ko. kaya I beg to disagree kay Nads. I always smile saksi ang buwan at ang bituin.

*Ting
New post by unknown!

"You are an art that doesn't need attention but here I am, Seeking for your hidden reflection."

I automatically reacted Love sa post nung unknown author... I guess I am his/her fan. It's been a year since ginawa niya ang page na ito. "Unknown" I shared it to my timeline with a caption "The subtle art of staring." Of course hindi rin kilala ang account ko na ito dahil malayong malayo sa pangalan ko at di ko ugaling mag upload ng pictures so we're even.

"Mysterious eyes, Unfamiliar sighs, allow me to enter the kingdom of knights."

Let's call this a day... Adios!






Note: The story is full of blemishes so I'm sorry! God bless y'all!


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The day after tomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon